Chapter 20: Forgive and Forget

11.1K 342 23
                                    

RHIAN'S POV

Ilang araw na din akong nililigawan ni Glaiza, and so far nagiging maeffort siya. As in sobrang effort. Ang swerte ko nga, isang Glaiza Galura ang nanliligaw sa akin. Feel ko ang haba ng hair ko! Araw-araw may chocolates and roses akong natatangap galing sa kanya. Everyday niya din akong ipinagluluto. Lahat ng utos ko sinusunod niya,. Talagang hindi  ako susukuan ng babaeng to. Kahit minsan alam kong napipikon na siya, hinahayaan niya lang. Lagi niyang hawak ang kamay ko, yung tipong ayaw na niyang bitawan. Feel ko lagi akong safe kapag kasama ko siya. Kaya mahal na mahal ko yan eh. Naghihintay na lang ako ng tamang panahon para sagutin siya. Gusto ko kasi yung tipong hindi niya makakalimutan.,

"Rhi!" 

Tawag sa akin ni Glaiza, andito kasi ako ngayon sa unit niya, dahil gagawa kami ng project, at syempre dahil si Glaiza ang owner ng school, pinilit niya ang prof namin na kami ang magkapartner, gusto kasi niya kami lagi. Syempre walang nagawa si prof, kasi si Glaiza ang nagsabi.

"Bakit?" Tanong ko.

"Gutom ka na ba? Gusto mo magluto na ako?"

"No, its ok. Gawin muna natin to, kapag medyo malapit na tayong matapos, we can eat" medyo nagugutom na din ako, kaso kailangan na naming tapusin to, bukas na kasi yung deadline. Ito kasing si Glaiza, ilan beses ko ng pinaalala na gawin na namin, pero ayaw niya, dahil malayo pa daw ang submission, tapos ngayon nagmamadali na kami, haizt!

"Uhmm. Padeliver na lang kaya tayo Glai. Anong gusto mo? Mcdo, KFC or what?" I ask her.

"Isa lang naman ang gusto ko eh. Yung matamis mong yes" she said. Ok, she got me there. Kilig! 

"Ewan ko sayo! Mag Mcdo na lang tayo! Gusto ko fries nila eh!" 

"Ok. Sabi mo eh. Alam mo, madali lang to. Magpahinga ka na, ako na bahala dito" she said.

"Ano ka ba? Project natin yan, dapat tayong dalawa ang gumawa" I said. Gusto nanaman niyang solohin.

"This is basic Rhian. It's just a business proposal. I can do this. I am the future CEO of Galura Company remember?" Yabang talaga nito.

"Edi ikaw na gumawa. Gusto mo yan eh. Sige na magpapadeliver na ako, para makakain na tayo"

"Ok boss"

Nagpadeliver na ako ng 2 big mac, 4pcs chicken, 2 spaghetti, 2 large fries, 2 large apple float, and 2 apple pie,. Dahil sigurado ako, gutom na tong babaeng to, kaya dadamihan ko na., para naman masulit niya, kawawa naman si love ko.

Ilan sandali pa lang ay dumating na yung order namin, ako na sana ang magbabayad, pero pinigilan ako ng loko, siya na daw. Haizt! Pagdating talaga sa akin, kahit magkano ilabas na pera ayos lang. Parang nung isang araw, binilhan ba naman ako ng isang package ng tim tams, tapos kahapon binilhan ba naman ako ng bag, grabe 50k yun. Kaya ko naman talagang bilhin yun eh, pero ayaw niya na gumastos ako, kaya hinayaan ko na lang dahil baka pag-awayan pa namin. Grabe siya nuh?

Pagkakuha namin ng order namin, agad ko naman na itong inayos para makakain na kami.

"Glaiza, lika na, the food is ready!" I said. 

"Nandiyan na my love wait lang" hanggang ngayon talaga my love pa din, sweet niya nuh? 

Naging matiwasay naman ang aming dinner, dahil ang sweet sweet niya sa akin. Yung pagiging sweet niya, hindi yung tipong nakakaumay. Sarap sa pakiramdam na may nag aalaga sayo.

"Sige na Rhi, maupo ka na sa salas, ako na mag aayos dito" 

"Akin na nga yang punas, ako na. Pagod ka na eh" agaw ko sa kanya ng punas, pero ayaw paawat.

A.K.A. Neerdy GIRLFRIEND (COMPLETED) Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu