Chapter 30: Come back is real

8.5K 317 21
                                    

RHIAN'S POV

Dalawang araw na din ang nakalipas ng simula ng nalaman ko ang ginawang kababuyan nila Anne at Glaiza. Kahapon lamang nagulat kaming lahat na aalis na sa university tong si Anne dahil meron daw mas magandang opportunity na naghihintay sa kanya sa New York at doon na lang daw siya magttrabaho.

Pero sa totoo niyan, naguguilty yan, patulan ba naman ang estudyante slash boss niya talagang wala kang mukhang maihaharap lalo na sa girlfriend niya na nilandi mo. Mabuti na din yung umalis na siya dito. Baka anytime soon makapatay pa ako ng tao, I mean ng dawalang tao.

Si Glaiza naman, panay pa din ang suyo sa akin, pero wala eh. Dinedema ko lang siya. Alam ko naman na nagsisisi siya sa mga nangyari, but the point is nasaktan ako, niloko niya ako, nagtiwala ako, pero ano? Anong nangyari? Niloko lang ako.

Lagi kong kasama si Rafael every vacant ko, hindi ko din alam kung bakit, pero kahit papaano gumagaan ang pakiramdam ko. Kahit kasama ko si Rafael, hindi pa din maalis sa isipan ko na namimiss ko si Glaiza, na gusto kong kasama si Glaiza kaysa sa kanya, na gusto kong hawakan ulit ang kamay ni Glaiza, kaysa sa makita ko siya.

Glaiza is my everything. Glaiza is my life.

"Ang lalim ata ng iniisip mo diyan Rhi" biglang kalbit sa akin ni Rafael. Nasa library kami ngayon dahil gusto ko ng tahimik na environment.

"Manahimik ka na lang pwede? I want to think. Pero Raf, do you think kailangan ko ng makipag-ayos kay Glaiza? Mukhang nagsisisi naman siya sa kasalanan niya eh, at yung kasalanan na yun, nangyari lang before naging kami. So what do you think? Should I give her a chance" I ask Raf, baka sakaling makatulong at mapakinabangan naman.

"NO!" Nagulat ako sa sagot niya, dahil pasigaw ito at nagulat din lahat ng taong nasa library.

"Sorry, I mean, not for now siguro. Maybe huwag mo na siyang bigyan ng chance, niloko ka na nga at nakipagtalik sa ibang baba-" wait? How did he know? Wala pa naman akong sinasabi at wala namang ibang nakakaalam maliban sa akin, kay Bianca at for sure sa squad ni Glaiza.

But to Rafael, impossibleng malaman niya.

"Wait! What?" I act na parang mali ang sinabi niya. Ayoko naman na humantong sa ganun, dahil ang gusto ko, kami kami lang ang nakakaalam at walang iba.

"I mean, baka naman nagcheat siya sayo. I am right?" He ask. 

"Its none of your business, so you think hindi ko na siya bigyan ng another chance?"

"Yep, mas maganda na lang na bigyan mo ng chance yung mga taong nakapaligid sayo. Like me" he said.

"Like you?"

"Yes, like me. You know Rhian, I like you. At ngayon wala na kayo ni Glaiza, maybe pwede mo na akong bigyan ng chance. Wala ka ng hahanapin pa, anak ako ng Mayor, matalino ako, powerful at higit sa lahat, lahat ng gusto ko nakukuha ko" so anong gusto niyang palabasin?

"Raf, I'm sorry, but I love Glaiza so much. Siguro isa lang to sa mga pagsubok na tatahakin namin. Pero alam kong mahal ako ni Glaiza. So will you please excuse me, may klase pa akong dapat puntahan" sabi ko sa kanya. Agad akong tumayo pero nahawakan naman niya ako agad.

"Rhian, inuulit ko, LAHAT NG GUSTO KO, NAKUKUHA KO, kaya anytime soon, you will be mine. Sisiguraduhin kong ako lang ang mamahalin mo!" 

"NO WAY! And please bitawan mo ko! Kung hindi, ipapatapon kita dito. I have my connections Raf, huwag mo kong subukan kahit anak ka pa ng Mayor!" Agad akong umalis sa pwesto namin.

Sobra na talaga ang pagiging obsessed nito sa akin. Nakakatakot na. Medyo sumakit yung parte na hinawakan niya, medyo namula ito. Pero mawawala din to.

A.K.A. Neerdy GIRLFRIEND (COMPLETED) Where stories live. Discover now