Chapter 25: Nasa'yo na ang lahat

9.3K 291 92
                                    

GLAIZA'S POV

All this time matagal ko ng kasama ang childhood sweetheart ko. Talagang napabilib ako ng lolo ko pati na rin ang sekretarya ko. Galing nilang magpanggap ah, napaniwala nila kami. Pero hindi na yun mahalaga, dahil alam kong magiging masaya na talaga kami ni Rhian, wala ng hadlang.

"So Chief, all this time jinojoke mo ko? Grabe ka ah!" Sabi ko sa lolo ko habang kumakain kami.

"Alam mo kasi apo, puro ka kalokohan, kaya binigyan kita ng leksyon. Pero atleast ngayon ok na. Masaya ako para sa inyo. Basta after ng graduation niyo, apo muna bago kasal" 

"CHIEF!!" Sigaw ko sa kanya, syempre nakakahiya kay Rhian.

"Sir, pero paano po to nangyari? Why?" Biglang singit ni Rhian sa amin. Well pati din ako napapatanong sa sarili ko kung bakit.

"Rhian, mas maganda kung parents mo na lang ang magsabi sayo. At alam din nila yung pakulo na ginawa ko. Sila na lang magsabi sayo, kasi wala ako sa lugar eh. I hope you understand Rhian. And please, call me lolo, huwag ng sir" 

"Ok po si- I mean lolo" medyo nahihiya pa si Rhian, at ang cute lang, mas lalo lang akong naiinlove! 

"Pero Lo, mabalik tayo sa usapan. Bakit apo ang mauuna? Pwede bang kasal muna?" 

"Ayaw mo yun apo, makakascore ka agad! Hahaha. Hina mo eh" Loko loko talaga to kahit kailan, pasalamat siya lolo ko siya, kung hindi napektusan ko to eh.

"Ewan ko sayo lo, kain ka na nga"

Talagang puno kami ng tawanan habang kumakain, dahil sa mabait ang lolo ko, pinapahiya niya ako sa harap ng fiancee ko, galing niya nuh? At ito namang si Rhian, tawa ng tawa. Parang gustong-gusto yung naririnig eh. Epal! Pero mahal ko.

Mga bandang alas tres ng hapon umalis na kami ni Rhian sa family house namin, dahil medyo mahaba pa ang byahe.. Syempre dating gawi, tulog nanaman si Rhian, pinatulog ko muna siya dahil halata na inaantok, napagod sa kakatawa.

Dahil sa masarap ang tulog ng my loves ko, binuhat ko na lang siya papunta sa unit niya, buti na lang talaga binigyan niya ako ng spare key ng unit niya, para daw makapasok ako kaagad kung wala siya.

Agad ko siyang hiniga sa kama niya, hindi ko na lang siya ginising, ang himbing ng tulog eh, parang baby. Dahil na din sa pagod ko, hindi na ako uuwi sa condo ko. Matutulog na lang ako sa tabi niya.
.
.
.
.
.
.
.

Nagising ako na wala akong katabi sa kama, agad kong hinanap si Rhian, pero wala siya sa banyo, kaya I decided na lumabas baka nandun siya.

At narinig kong siyang kumakanta, hahaha! Ang cute ng boses.

Nasa'yo na ang lahat
Minamahal kita pagkat
Nasa'iyo na ang lahat
Pati ang puso koooooo!

Oh oh oh ohh ohhh
Na-nasa'yo na ang lahat

Napastop naman siya sa pagkanta ng naramdaman niyang nasa likod niya ako.

"Gisi-" hindi na niya natuloy yung sasabihin niya dahil agad ko siyang hinalikan.

"Good morning my loves" I said to her,

"Ikaw talaga, umagang umaga, ang ninja mo! Good morning din" she said. Halata naman na kinikilig siya. Pakipot pa to eh.

"Anong niluluto mo? Talagang nagreready ka ng maging asawa ko ah. Paano kung gawa na tayo ng baby?" Tanong ko sa kanya, agad naman niya akong sinuntok, at medyo masakit.

"Joke lang! Papakasalan muna kita, don't worry! Ahhaha. Pakiss nga ulit" pangungulit ko.

"I kiss mo yung pader! Umalis ka nga jan, nagluluto ako eh" hahahaha! Galit na agad,. Sinunod ko na lang ang gusto niya dahil baka lumabas pa ang amazona niyang ugali.

A.K.A. Neerdy GIRLFRIEND (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon