Chapter 27: Something New

7.8K 271 61
                                    

RHIAN'S POV

Tinawagan ko si Glaiza ng makarating ako sa condo ko. Pero sad to say, hindi niya sinasagot phone niya? So ngayon siya pa ang may ganang magtampo?! My gosh! Hindi ko na lang yun pinansin at nag ayos na lang ako ng gamit para bukas.

I woke up at exactly 7:00. Ang klase ko naman is 8:30 kaya walang problema, pwede pa akong magluto ng breakfast pero dahil sa tinatamad pa ako, nevermind na lang.

Nalate akong pumasok dahil akala ko, susunduin ako ni Glaiza, pero hindi hinintay ko siya until 7:45am, pero walang Glaiza na sumulpot kaya sobra akong nainis, dagdagan pa ng tindi ng traffic kaya nalate ako..

Pagkapasok sa classroom namin, nakita ko si Glaiza na katabi si Solenn. Galing naman nito! Bwisit. 

"Ms.Howell! You're late!" Mrs.Santiago said. Nagsorry na lang ako at umupo sa bandang likod. Tinignan ako ni Glaiza pero hindi ko na lang pinansin, mukha kasing busy sa Solenn niya eh. Nakakahiya naman sa akin, sa mismong girlfriend niya, tapos nakaholding hands pa sila, wow ang galing! Promise ang galing! 

Bigla kong naramdaman na nagvibrate ang phone ko, and I check si Glaiza lang pala.

From: Glaiza My Loves <3

My loves...

Sabi niya, pinag-iisipan ko kung rereplyan ko ba o hindi., pero dahil sa hindi ko natiis, kaya ok, rereplyan ko na lang.

To: Glaiza My Loves <3

Bakit ka nagtetext? Nakakahiya naman sa kaholding hands mo!

I reply to her. Oo alam kong nagiging childish ako, pero kasi nakakaselos lang. Naiintindihan ko naman yung sitwasyon nila ni Solenn ngayon, pero kasi hindi ko kayang may nakahawak ng kamay ng taong mahal ko maliban sa akin.

From: Glaiza My Loves <3

Meet me in my office at lunch. We'll talk. Sorry mahal ko.

Pag-uusapan? Damn! Ni hindi nga niya ako tinawagan kagabi o kaya text man lang! Tapos ngayon, mag uusap kami? Tsk!

To: Glaiza My Loves <3

K

Reply ko sa kanya. Bwisit na bwisit na ako. Kaya dahil dun.

"Ma'am I'll go to the clinic, bigla kasing sumakit ulo ko eh." I said to our prof. Buti na lang pumayag siya. 

Nakita ko din ang pagwoworry sa akin ni Glaiza. Hinayaan ko na lang siya. Magpakasaya siya sa Solenn niya.

Hindi ako dumiretso ng clinic dahil hindi naman talaga masakit ulo ko, kaya sa library na lang ako nagpunta.

Pagkapasok ko pa lang sa library, bigla akong sinalubong ni Rafael.

"Hey Rhian! Bakit nandito ka? Diba may class ka pa?" How did he know? Pero I don't care.

"Kasi gusto kong pumunta dito." I said to him.

"Oh sige, samahan na lang kita. Tutal mamaya pa naman ang klase ko eh" 

"Ok" I said. Bahala siya sa buhay niya.

Umupo kami bandang gilid, dahil gusto kong lumayo sa mga tao sa ngayon, baka magkatotoo yung sinabi ko na masakit ang ulo ko.

"So ano ba talaga ang nagtulak sayo na pumunta dito?" He ask., at mukhang interesado talaga siya.

"Can you please shut up?" I said. Nakakairita lang talaga.

"Oh come on Rhi! Hahaha. Sa itsura mo ngayon, parang ang bigat ng nararamdaman mo. I think insecurity?" Ako? Insecure? Kanino kay Solenn? Oo mas maganda siya, mas makinis, at unang minahal ni Glaiza. Pero so what? 

A.K.A. Neerdy GIRLFRIEND (COMPLETED) Where stories live. Discover now