Chapter 5: Rooftop

11.7K 401 12
                                    

GLAIZA's POV

Finally nakahanap na ako ng tahimik na lugar sa University na to. Mas nakakapag isip ako ng tama. Minsan gusto kong balikan yung buhay ko, bago ko pa siya makilala.

Isang playgirl, lahat ng magandang babae, naikakama, pinaglalaruan, iiwan at papaiyakin ko na lang sila, kapag nakuha ko na ang gusto ko sa kanila. Siguro si Solenn na yung karma ko. Tsk. Hindi ko akalain na lahat pala ng ginawa ko, babalik din sa akin, and worst, mas masakit. Kasi akala ko siya na eh. Akala ko siya na talaga, kasi nabago niya ang pagkatao ko, nabago niya ako. But the reality hits me, HINDI NA NIYA AKO MAHAL, or baka nga HINDI NIYA AKO MINAHAL. tsk.

Sa mga sandaling ito, isa lang ang kailangan ko, si Chynns,

**ring....

G : Tsong, asan ka?

C : Dito ako sa canteen, hinahanap ka gago.

G : Dito ako rooftop, dalhan mo na din ako ng pagkain. Salamat.

C: Oh sige papunta na ako. Pero nakalock yan diba?

G : I have the key idiot. Sige na. Bye.

After 10 minutes, andito na si Chynns, may dalang food, pero hindi lang food, pati papala tong pinsan ko, bingwit niya.

"Anong ginagawa mo dito? Ang pagkakaalala ko, si Chyns lang tinawag ko?!" Irap ko sa kanya. Iingay nanaman.

"Couz, you know how much I love you right? Kaya ako andito, para istorbohin ka,. Hahaha" -angel

"Tsong, sorry, nagpumilit eh" -chyns

"Do I have a choice, anjan na yan eh.. Asan na yung pagkain ko" sabay abot sa akin ng pagkain ko. Hindi muna ako papasok sa next class ko, si Mrs. Santiago lang naman.

"So bakit ka ba andito?" Tanong sa akin ni gel.

"Wala, ayoko sanang makita mukha mo eh, kaso andito ka na, kaya no choice talaga ako"tumawa na lang si Chyns sa mga sinabi ko at ito naman si angelica, pikon na pikon.

"Biro lang couz, ikaw naman. Wala gusto ko lang sanang mapag isa, kaso nagutom ako eh, kaya tinawag ko si Chyns, kaso hindi lang pagkain dala niya, nagdala pa ng human alarm clock"

"Alam mo, gago ka talaga eh nuh? Baka nakakalimutan mo, professor mo ko" ako pa talaga tinakot nito ah.

"At baka naman nakakalimutan mo, AKO ANG MAY ARI NG UNIVERSITY NA TO?" Hindi na siya makaangal at sumuko na lang.

Marami na din kaming napagkwentuahan na tatlo. Hindi namin namanalayan, tapos na pala ang mga vacant nila, kaya umalis na sila agad. Ako naman naiwan, hindi na ako pumasok, nakakatamad. 

Ang weird nga eh, ako lang ata ang nerd na tamad pumasok. Hahaha. But I don't mind, matalino ako, I can pass.

Dahil sa ayaw ko talagang pumasok, umuwi na lang ako, para makatulog at makapagpahinga. Bukas na lang ako mag sosorry kay Ms. Smith.

Pagdating ko sa bahay, naabutan ko si Dad.

"Good afternoon dad." Sabay halik sa kanya sa pisngi.

"Good afternoon din iha,. Teka, bakit andito ka? Wala ka bang klase?" Shet, sesermonan nanaman ako nito.

"Meron dad, kaso di ako pumasok, sorry po." 

"Its ok, nasabi na sa akin ng dean mo" speaking of dean

"Dad, bat niyo naman sinabin sa dean? Diba nagkasundo na tayo?" Pagmamaktol ko.

"Anak, she needs to know. Pero don't worry safe ka. Haha. Tutal andito ka na lang din. Here"May inabot siya sa akin na susi.

A.K.A. Neerdy GIRLFRIEND (COMPLETED) Where stories live. Discover now