Chapter 19: Real

11.9K 368 45
                                    

GLAIZA'S POV

Masaya ako dahil napatawad na ako ni Rhian, at mamaya tatanungin ko kung pwede akong mangligaw sa kanya. Sasabihin ko na din sa kanya na mahal na mahal ko siya, na lahat ng sinabi ko sa kanya ay totoo.

Bago ako pumasok, pinaayos ko yung rooftop para maging romantic naman yung magiging set up namin ni Rhian, syempre kasama yung dalawang kumag na yun. Nung una ayaw pang pumayag ni Kath, dahil uminit nanaman ang ulo niya kay Rhian, pero wala siyang nagawa, nakiusap ako eh. For sure hindi naman ako matitiis ng mga kaibigan ko.

Natapos na yung session ko sa mismong classroom namin, alam ko naman na halos lahat ng nasa loob kilig na kilig sa nangyari. Iba yung charm ko eh. Pamatay. Pagkalabas ko, agad akong pumunta sa rooftop to check everything, and it was perfectly fine, si Rhian at ako na lang ang kulang. This will be her punishment.. A punishment to date me, and say yes to me. Hindi naman sa pinipilit ko siya na payagan niya akong manligaw sa kanya, pero kasi effort yun eh. Bihira pa man din akong mag-effort.

Pumunta na ako agad sa office ko, para makapag-ayos, pero mukhang minamalas nga naman ako.

"Kalat na kalat na yung ginawa mo kanina, ang daming nagvideo! The hell Glaiza, ano bang ginagawa mo, kababalik mo lang ah!." Georgina said.. Diba nakakaasar? Ang ganda ganda ng mood ko, tapos sisirain niya. 

Gustuhin ko man siyang paalisin, pero di ko magawa, dahil hawak siya ni Chief, at wala akong magawa. Kaya pinagtitiisan ko na lang.

"Oh really? Shinare mo na rin ba yung video sa facebook?" Pang-aasar ko sa kanya. 

"The earth Glaiza! Huwag mong paasahin si Rhian!" What?! Nababaliw na ba to? Damn.

"George, di ko siya pinapaasa ok?"

"Pero paano yung sa atin? Glaiza fiance mo ko" 

"Anong paano yung sa atin? George, walang tayo, walang ikaw, walang ako. Kami lang ni Rhian ang meron. Tsaka sino bang nagsabi na pinapaasa ko siya. Mahal ko si Rhian, wala kang magagawa." 

"Do you think masusunod ba yang puso mo sa idinitikta ng lolo mo?" She said.

"Oo, bakit? Besides, Chief can't control mylife. Even my parents! I can run the company without you, without anybody! So will you please, shut up?" Nakakainsulto na tong babaeng to. Basagin ko na kaya mukha niya?

Hindi niya ako sinagot umalis na lang at bumalik sa work niya, at ako naman naiwan sa office ko at hinintay ko matapos ang second class niya dahil mamaya susunduin ko na siya for her DETENTION.
.
.
.
.
.
.

Nandito na ako sa labas ng room at hinihintay ko si Rhian, ilang sandali pa lang, lumabas na siya, at mukhang walang balak lumapit sa akin.

"Where do you think you're going Ms.Howell?" I ask her,. Halata sa kanya na nagulat siya sa pagsulpot ko.

"Kahit saan, maaisawan ko lang yang PAUSO MONG DETENTION! TSE" kababati lang namin pikon agad. Haizt.

"Oh no you won't, sasama ka sa akin sa ayaw o sa gusto mo" 

"Hindi, bahala ka jan" sabi nga nila, kung di mo makuha sa santong dasalan, edi sa santong paspasan. Agad kong binuhat si Rhian, para wala na siyang magawa at para wala na siyang kawala.

"Glaiza! Let me go!" Sigaw niya sa akin, at halos ng estudyante pinagtitingian na kami.

"Hindi na kita bibitawan ngayon Rhian, tandaan mo yan" wala na siyang nagawa at nagpahubat na lang sa akin, bahala na kahit gaano kalayo yung rooftop, bubuhatin ko tong babaeng to, at hindi ko hahayaang mahulog.

"Ang bigat mo ah! Hahaha" pagbibiro ko, masado kasi siyang seryoso.

"Sino ba kasing nagsabi na buhatin mo ko? Duh? Feeling mo naman kasi ikaw si superman!"

A.K.A. Neerdy GIRLFRIEND (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon