Chapter 18: Love Guru

10.6K 377 55
                                    

RHIAN'S POV

After ng away namin ni Glaiza, hindi na siya nagpakita sa akin. Actually parang di ko siya nakikitang pumasok. But who cares anyway! Pakielam ko sa kanya. Kalat na din sa buong university na wala na kami. Nabreak na kami..

Naglalakad ako papuntang hallway ng makasalubong ko sila Chynna at Kathrina.

"Rhian!" Tawag sa akin ni Chynna.

"Oh?!"

"Alam mo ba kung saan si Glaiza? Limang araw na siyang wala eh" what? Limang araw na siyang wala. Di ko napansin na wala talaga siya, na hindi talaga siya pumapasok, akala ko andun lang siya sa office niya.

"Ano bang pakielam ko? Break na nga kami diba?" Pagtataray ko.

"Hoy! Huwag mo kaming taray tarayan ah! Pasalamat ka, pinababantayan ka sa amin ni Glaiza, dahil baka ibully ka nanaman dahil kalat na yung chismis na break na kayo!" Sumbat ni Kathrina. Teka ano bang pakielam ko.

"Bakit ba ako ang tinatanong niyo? Hindi ko nga alam eh" which is true naman.

"Kath, ito nanaman eh. Nangyayari nanaman,. Baka kung anong kalokohan nanaman gagawin nun" nangyari nanaman? Anong ibig niyang sabihin ni Chynna.

"Anong nangyari nanaman?" tanong ko.

"Nangyari nanaman to before, yung bigla na lang umalis si Glaiza na walang paalam ni kanino man. Nangyari to dati nung nagbreak sila ni Solenn. Balita ko dati, halos gabi gabi daw siyang nagpapakalasing, halos gabi gabi din daw may inuuwi na babae, kapag umaalis si Glaiza ng walang pasabi, ang ibig sabihin nun, NASAKTAN SIYA" 

nasaktan? Did I hurt Glaiza again? 

"San naman kaya siya?" Tanong ko.

"Wala kang paki. Diba sabi mo, ano ba naman ang paki mo kay Glaiza, Chyns, halika na nga!" sabay alis nila sa harapan ko.

Bakit ganun parang ang sakit? Parang ako yung may kasalanan? Nasaktan din naman ako sa sinabi niya ah. Nasakatan din ako. Hindi lang siya. Pero mas nasaktan ata siya. Mahal na kaya niya ako? Pero imposible tsk.

Hanggang ngayon hindi pa din ako tinatantanan ng chismis, halos araw araw na lang, nakakasawa na din. Kaasar ah.

Papunta na ako ng cafeteria ng may nabangga ako.

"Miss ok ka lang? Sorry ah" sabi nung lalaking nakabangga ko. Medyo mamuscles siya ah. Gwapo din. Matangkad.

"No its ok" sabay smile sa kanya at umalis na din siya, halata na nagmamadali ito.

Pagdating ko sa cafeteria, agad kong nakita si Biaca.

"Oy babae! Anong balita?" Tanong ni Bianca.

"Wala" sagot ko,. Tsaka wala naman talaga eh. 

Kumain na lang kami ni Bianca hanggang matapos ang break namin, at agad na din kami pumasok sa kanya kanya naming klase..

GLAIZA'S POV

Matapos namin mag away ni Rhian sa rooftop, agad akong pumunta sa office ko, at dun ko nilabas lahat ng galit ko. Lahat ng gamit ko na nakita ko, tinapon ko. Ano ba naman kasi ang pumasok sa isip ko at sinabi ko yun. Nakapaimoral mo Glaiza!

"ARRRRRRRRRRRRGGGGGGG"

"May problema ba fiance?" Tanong ni Georgina sa akin, hindi pa ba halata?

"Pwede ba, stop calling me fiance?! Nakakairita alam mo ba yun?"

"Ok sabi mo eh. Ano po ang problema niyo, Ms.Glaiza" 

"It's none of your business!" I told her.

A.K.A. Neerdy GIRLFRIEND (COMPLETED) Kde žijí příběhy. Začni objevovat