Chapter 35: Happy Ending

8.6K 265 26
                                    

GLAIZA'S POV

"Andito na tayo" sabi ni Rodolfo, pumasok kami sa isang malaking mansion, at halatang hindi na ito tinitirhan.

"Sigurado ka bang anjan ang anak mo?" Tanong ko sa kanya.

"Oo Glaiza, andito siya. Kaya halina kayo. Kailangan na natin magmadali, baka kung ano pa magawa ng anak ko kay Rhian"

"Chief, dito na lang po kayo, hintayin niyo na lang po kami" i said to them.

"Pero Cha, kailangan mo ng back-up" My mom said.

"Ako na lang po sasama sa kanya tita" Jason said.

"Sige, si Jason na lang sasama sa akin. Jase, tara na" agad namin sinundan si Rodolfo, napansin ko na medyo madilim sa loob.

"Glai, parang may mali" bigla akong binulungan ni Jason. So hindi lang ako ang nakakaramdam.

"I felt it too. We need to be alert" I said to him.

Naglakad na lang kami hanggang sa narating namin ang tuktok ng bahay.. At pagkarating namin dun, biglang nawalan ng malay si Jason. Pinukpok siya sa ulo.

"Jason!" Pero huli na, nakadapa na siya.

"Hayop ka! Sinet up mo lang kami! Pareho kayo ng anak mong baliw!" Sabi ko sa matandang to.

"Alam mo kasi Glaiza, Rafael is my only son. Kaya lahat gagawin ko for him. Pero don't worry, Rhian is safe, at hindi ako nagsisinungaling, she's here. Haha" 

"Kahit kailan talaga! Mga hayop kayo. Ilabas niyo si Rhian!!!" Sigaw ko sa kanya.

"Glaiza...Glaiza... Do you think ilalabas ko pa si Rhian, I don't think so. Akin na si Rhian, at wala ka ng magagawa" biglang sumulpot si Rafael sa harapan ko.

"Rafael! Ilabas mo si Rhian! Wala kang karapatan sa kanya!" 

"Hahaha! Meron na akong karapatan sa kanya. Because she's mine. Kung ano ang gusto ko, nakukuha ko."

"Please Rafael! Ibalik mo na si Rhian sa akin!" Pagmamakaawa ko sa kanya, pero parang wala lang sa kanya.

"Hahaha! Dad, kayo muna ang bahala sa babaeng yan. Kukunin ko lang si Rhian,. Para makita niya kung paano siya pahirapan or the other way around. Gusto kong makita ni Rhian kung paano ko saktan ang babaeng yan!" 

Agad akong hinawakan ng matandang to, at malakas siya at hindi ko kayang kumawala.

"Huwag ka ng magmatigas Glaiza, wala ka ng magagawa. Sooner or later, lahat ng nasa labas, mawawala na. At baka pwede kong makuha ang kayaman ng mga Galura. Hahaha! I will be the richest man!"

"Tangina mo!" Yun na lang ang nasabi ko, dahil nabbwisit ako sa kanya. At dahil ata sa sinabi ko. Bigla niya akong tinulak., at sinipa sa tiyan.

"Ta-tama!" Pagmamakaawa ko, dahil tuloy tuloy lang ang pagsipa niya, halos sumusuka na ako ng dugo!

"Dad! Buhayin mo pa yan. Hindi pa ako nakakaganti eh!" Lumabas si Rafael kasama si Rhian, nakatali ang mga kamay niyo.

"Rhi-Rhian!!!" 

"Glaiza! Rafael please, pakawalan mo na kami. Tama na to" Pagmamakaawa ni Rhian.

"I'm sorry baby, but I can't. You're mine. All mine!" 

Pinaupo ni Rafael si Rhian at agad niya itong tinali. Pagkatapos nun, agad itong lumapit sa akin.

"Ano Glaiza, kaya mo pa? Hahaha" tinayo niya ako at agad din naman niya akong sinuntok. 

"TAMA NAAAAAAAAAA!!!" Sigaw ni Rhian, pero wala lang kay Rafael.

Tuloy tuloy lang ang pagsuntok at pagsipa niya sa akin. Halos bugbug sarado na ako, pero kailangan kong lumaban, para kay Rhian. Agad akong tumayo, para ipakita sa kanya na kaya ko pa.

A.K.A. Neerdy GIRLFRIEND (COMPLETED) Where stories live. Discover now