Chapter 8: DATE?!!

11.3K 353 15
                                    

GLAIZA's POV

Naging ok na din kami ni Kath, nagkausap na kami na hanggang kaibigan na lang talaga ang kaya kong ibigay, pero hihintayin pa din daw niya kahit anong mangyari. Hindi ko na siya kinontra kasi wala din naman akong magagawa. Binalaan ko siya na huwag na huwag niyang ilalabas ang true identity ko kahit kanino, dahil ayokong malaman ng iba kung ano ang tunay kong pagkatao.

Naging normal naman ang buhay ko kahit papano sa GGU, kaso hindi pa din mawawala yung mga nambubully sa akin. Noong ngang isang araw may naglagay ng chocolate paste sa may upuan ko, kaya naman nagmukha akong nakatae. Hindi ko na lang sila pinansin.

Kami naman ni Rhian, lagi pa din siya pumupunta sa condo ko, so far so good, mabilis siyang matuto, matalino naman, sadyang tamad lang at nagpaimpluwensiya. Naging malapit din kami sa isa't isa. Buti nga hindi na namin inaalala yung kissing session namin dati, dahil napaka-AWKWARD naman nun.

Monday nanaman at kailangan ko nanamang pumasok sa school, lalo na ngayon malapit ng matapos tong first sem. Haizt. Kailangan kong bumawi dun sa mga times na nagwawalk-out ako ang nag sskip ng class, buti nga kahit paano may alam ako.

Nakarating na ako sa school, dumiretso ako agad sa classroom namin at nagulat ako, at meron na si Rhian. Weird.

"Rhian, nilalagnat ka ba?"Tanong sa kanya sabay hawak sa noo niya, pang asar lang.

"Hindi lagnat ang meron ako kundi ksjdkchbw" hindi ko na naintihan yung sinabi niya, kasi pabulong yung pagkasabi niya. Kaya tinaasan ko na kang siya ng kilay.

"What?" Tanong ko.

"Wala. Maaga ako kasi hinihintay kita, magpapaturo sana ako dito sa assignment natin, di ko kasi natapos kagabi nung pag-uwi ko."

"Sana dinala mo na lang sa condo, para naman dun na lang natin ginawa. Akin na nga"

Sabay kuha sa kanya ng assignment namin. Medyo mahirap nga yung iba, pero nasagutan pa din.

Nagsimula na din yung klase at katabi ko si Rhian, nasa likod ko naman si Kath..

Itong si Kath, sipa ng sipa sa likod ko, mukhang nagseselos ata kay Rhian. Di naman ako type nito for sure.

"Pssst! G!"-rhian

"Bakit?" Tanong ko.

"Labas tayo mamaya, tinatamad akong magpaturo sayo eh. Heheeh" hindi ko alam kung papayag ba ako o hindi. Parang tinatamad ako eh.

"Saan naman tayo ppunta?"

"Sa park, mamayang gabi, dun na lang tayo magdinner, sagot ko. Kahit anong gusto mong kainin, sagot ko na. Nakakahiya na kasi eh" well, I think wala akong magagawa.

"Ok sige. Anong oras?"

"6pm"

"Ok"

"Hoy! Pwede ba mamaya na kayo maglandian diyan! Naglelesson tayo oh!" Pang iistorbo sa amin ni Kathrina.

Nagfocus na lang kami ni Rhian sa pakikinig sa Prof namin.

Buong maghapon ko kasama yung dalawa, nakakasawa na nga eh. Hahaha. Nasa rooftop kami ngayon, nagpapalamig habang kumakain, buti na lang talaga laging may baon si Kath na food.

"Hoy Glaiza, ano bang meron sa inyo ni Rhian ah?" Tanong ni Kath sa akin.

"Wala, diba nga nasabi ko sa inyo nagpapatutor siya sa akin everyday."

"Eh ano yung kanina? May pabulong bulong pa kayong nalalaman, nakakaselos na ah!"

"Niyaya niya lang akong lumabas"

A.K.A. Neerdy GIRLFRIEND (COMPLETED) Where stories live. Discover now