Chapter 2

2.6K 60 5
                                    

Chapter 2

 

 

Marahas kong pinikit ang mga mata ko dahil ramdam kong nagbabadya na namang tumulo ang luha. Damn! Yung totoo? Bakit ba parang walang katapusan to? Leann, di ka ba napapagod? Pinunasan ko ang luhang nakaalpas. Letche. Lumusot pa e. 

“Miss may problema ba?” tanong ng lalaki. Napalingon ako sa kanya at umiling. Wala naman—Ikaw?” siya yung nakabangga sa akin sa labas kanina bago ako pumasok. Bago siya makapagsalita ay may narinig akong boses mula sa speaker.

“Uhm, Joselle. Teka, damn. Natotorpe ako.” Dahan dahan kong tiningnan si Ced na ngayo’y nagkakamot ng batok. Natawa ang mga bisita maliban sa akin. Ako dapat yang nandyan e. Nagsisimula nanamang tumulo yung luha ko. Gosh! Kelan mauubos ang lintek na luhang ito!? Kelan?! Tama na naman oh? Gisingin niyo na ako sa panaginip na’to. Akin si Ced. Akin siya eh. Akin siya!

“Miss…” narinig kong saad nung lalaking bumangga sa akin. Tinakpan ko ang mukha ko gamit ang palad. “Sorry.” Saad ko sa basag na boses.

“Kaano ano mo ba si Ced?” tanong niya. Natigilan ako at nilingon siya. Wala akong pakialam kung magmukha akong clown na di nauso ngayon. Bumuntong hininga ako saka ngumiti ng pilit. “Just an old…” tiningnan ko kung paano ngumiti si Ced kay Joselle, “…friend.”

Tumango siya. “Ikaw pala yung ex niya? Leann right?” gulat akong napalingon sa kanya. “I have to go.” Saad ko saka akmang aalis na pero hinawakan niya ang braso ko. “I’m just being a gentleman here.” Nakangiting saad niya. May mga mata siyang kulay tsokolate at ang balat niya naman ay di gaano kaputian pero di rin siya moreno.

“Look, I know fate has been rough on us. Mayroong sumingit but hey? Tayo parin ang magkakatuluyan.” Nakarinig ako ng mga ‘ayiee’ mula sa crowd. Napatawa naman ako ng pagak. Ako ang nagiisang ex-girlfriend ni Ced kaya alam kong ako yung sumingit. Wow! Just wow! Umiyak na talaga ako. Eto ako, di parin maka-move on sa tanginang lalaking yan tapos…Damn!

“Martyr.” Umiiling na saad ng lalaki pero di ko siya pinansin. Martyr kung martyr pero masakit! Sobrang masakit! All my life siya lang ang minahal ko tapos ganito? Siguro dahil pinagbibigyan siya niyang si Joselle paghumiling siyang gawin nila ‘yon. She’s a bitch after all! Mang-aagaw.

“And I’ll give up forever to touch you. ‘coz I know that you feel me somehow.” Napanga-nga ako ng kantahan ni Ced si Joselle. Sumabay naman ang crowd at nagsimulang magpatugtog ang banda ni Ced.

Ang nangyayari sa akin ay parang buhay nina Rosaline, Juliet, at Romeo. Nagkataong ako yung ‘Rosaline’ at si Ced si ‘Romeo’. Ako yung unang pinangakuan pero dahil diyan kay Joselle nawasak lahat. Nawala yung pagmamahal niya sa akin at biglang nabaling dyan sa babaeng yan. Apat na taon kaming magbest-friend ni Ced at dun palang attracted na kami sa isa’t isa. Pero dahil bawal pa akong magka-boyfriend pasimpleng MU muna kami.

My Twisted Happily Ever After  ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon