Epilogue

2.8K 56 5
                                    

Epilogue


"We'll miss you," naiiyak na saad ni Tine. Natawa naman ako sa kaniya--kanila. "Hindi ba at kayo naman ang may gusto na gawin ko 'to? Ang gulo niyo ha!" ani ko at umirap. Nilagay ko ang kamay ko sa bewang at tinaasan sila ng kilay, "Ano 'tong pinagdadrama drama niyo ngayon?" 

"Hoy! Hindi mo naman kami masisisi mamimiss ka kaya namin!" ani Jensen. I scrunched up my nose in fake disgust, "Ew ha? Ang corny!" saka ko sila pinandilatan, "Ang OA ha? Hindi naman ako mamatay saka uuwi naman ako!" ani ko habang nakangiti. 

Lies. 

"Liar," ani Nicole habang pinanliliitan ako ng mata. Lumapit naman ako sa kanya, "Kelan ako nagsinungaling aber?" taas kilay kong tanong. Umirap naman siya, "Palagi kaya tumigil ka at baka masupalpal kita." 

"I'm feeling the love Nicz, I'm feeling the love." 

"Pero di nga, seryoso. Mag-iingat ka ha? Saka balitaan mo ako kung may gwapong fafa doon at lilipad ako sunod sa'yo ora-orada!" ani AJ kaya napahalakhak ako ng tawa. "Loka loka ka talaga." iiling iling na saad ko, "Pero sige maghahanap ako ng boylet doon." dagdag ko pa at nag-high five kami. 

"Di ako nainform, Aps. Porenjer pala ang mga type mo?" ani Cams. Nagtaas baba lang naman ang kilay ni AJ, "Syempre! Imported eh." saka humalakhak. 

Eto ang paraan na gusto kong umalis. Walang umiiyak. Tawa lang ng tawa na para bang magkikita ulit kami bukas, which is by the way very impossible. Bumuntong hininga muna ako bago hinarap ang out of place na kasama namin. I smiled, "Guys naman, na-o-OP yung dalawa sa likod," 

Umirap si Joselle, "Loka!" ngumisi lang naman si Cedric at lumapit sa akin bago ako niyakap. I smiled and I burried my face in his chest since mas matangkad naman siya sa akin. "Hoy bata aalagaan mo ang asawa at mga anak mo ha?" he snorted. 

"Isang taon lang ang tanda mo sa akin, Le." iiling iling na saad niya. Sunod na lumapit sa akin si Joselle at inagaw ako kay Cedric para yakapin. "Kahit na! The fact na nas matanda ako, yun na yun!" Natawa lang siya at tumango.

"Edi craddle snatcher ka pala?" Pang-aasar niya. Nanlaki naman ang mga mata ko. "Hoy! Past is past! Mahiya ka nga sa asawa mo!" Natawa lang naman silang dalawa sa akin kasama ang mga kaibigan ko.

Sinong magaakala na magiging katatawanan ko nalang ang naging relasyon ko kay Cedric noon? I always thought he would always be the one. Na siya yung mapapangasawa ko at magiging ama ng mga anak ko. Who would've thought na sa dami ng pinagdaanan namin ni Ced at haba ng pagsasama namin e hindi parin naging kami? Wala. Walang mag-aakala. But then, it's a good thing dahil kahit hindi kami nagkatuluyan sumaya naman kami.

Kung sasabihin mo sa akin na titigil ako sa pagmamahal kay Ced at magmamahal ng iba years ago, hindi ako maniniwala. It's either tatawanan kita o sasabunutan. Totoo nga yung kasabihan na wag magsalita ng tapos. Hindi natin alam kung anong mangyayari sa kinabukasan.

Walang makakahula na magiging kaibigan ko si Josselle na kaaway ko noon. Walang makakapagsabi na maghihiwalay kami ni Cedric at nagkakatuluyan sila ni Josselle at higit sa lahat, walang nakapagsabi na mamahalin ko ang pinsan ni Cedric na naging ex din ni Josselle.

Oh the irony and connections of life.

Narinig kong tinawag ang eroplanong sasakyan ko, "Oh paano ba yan? Aalis na ako. Walang magdadrama ha? Pagbabatukan ko kayo!" Saad ko habang inaayos ang maleta ko.

This is it.

The new life I wanted--needed.

Hinarap ko sila for the last time at tiningnan ko yung mga mukha nila na para bang minememorya ko. Eto yung gusto kong maalala ko sila. Nakangiti at hindi umiiyak.

My Twisted Happily Ever After  ✅Where stories live. Discover now