Chapter 18

1.6K 46 8
                                    

Chapter 18

 

 

“Hoy Leann, ilang araw ka nang ganyan?” puna ni April sa akin. Hindi ko alam kung pang-ilang buntong hininga ko na ba ito ngayon. Nakatingin lang ako sa malayo at hindi nagsasalita. Hindi ako nababaliw kung iyan ang iniisip ninyo. Hindi rin naman ako napipi. “Ganyan ba epekto ng kawalan ni EJ sa’yo?” nakakunot na noong saad ni Jensen.

Sinamaan ko siya ng tingin at hindi nagsalita. Tama ang pagkabasa ninyo, wala na si EJ dahil umalis na siya, ang supposed to be one month na natitira niya dito sa pinas bago umalis ay binawasan pa dahil nagkaroon ng emergency sa kanila. Isang lawyer si EJ. Lawyer siya ng isang kumpanya. I was actually wondering kung bakit nagtatagal siya ng isa hanggang dalawang taon sa isang lugar kung corporate lawyer lang pala siya.

Hindi masyado malawak ang kaalaman ko sa mga corporate lawyers kaya siguro isa sa mga rason kung bakit hindi ko maintindihan ang trabaho nila. Nagkaroon daw ng nakawan sa kumpanya nila at kailangan niyang pumunta doon as soon as possible.

We only spent our time together for two weeks. At isang linggo na ang nakakaraan nang umalis siya. Naalala ko ang paguusap namin nung birthday ng kapatid ko.

Hiniwalay niya ang sarili ng dahan-dahan sa akin, “Anong ibig mong sabihin dun?” tanong niya habang tinititigan ng mabuti ang mga mata ko. Di ko alam kung paano sasabihin sa kanya ng hindi siya pinipigilan. Seriously, Leann? Napabuntong hininga ako at pineke ang ngiti ko, “It’s only two years. Dalawang taon lang naman,” lumunok ako, “Babalikan mo pa naman ako diba?” tanong ko.

 

Siniil niya ulit ng halik ang labi ko bago ako niyakap, “Of course, silly! I’ll come back. I’ll be back.”

 

Bumuntong hininga ako at hinigpitan ang yakap ko sa kanya, “Then I’ll be fine. I’ll be here waiting for you.” Pakanta kong sinabi ang huling kataga. Pinapagaan ko lang ang atmosphere namin dahil kung hindi ko gagawin yun malamang ngumawa na ako na parang bata dito kanina pa.

 

“Pero ayaw mo ba akong makasama?” tanong niya na naka-ani ng sama ng tingin sa akin, “You fool! Anong akala mo? Madali lang itong ginagawa ko? Hell no!

 

“Hindi mo alam kung gaano ko kagustong hilahin ka at itali sa akin para hindi ka na makaalis alam mo ba yun? Ha, alam mo ba?” saad ko at sinapak ang dibdib niya. Hindi siya nagsalita kaya’t may tumulo na luha sa akin. Peste naman eh! Ang drama drama naman nito e. Nakakainis. Para namang mamamatay na ako e aalis lang naman ng bansa si EJ.

 

“Saka isa pa, alam kong mahal mo ang trabaho mo at ayaw kong pabayaan mo yun dahil lang sa akin.” Kumunot ang noo niya sa sinabi ko.

 

“’Dahil lang sa akin.’? Naririnig mo ba ang sinasabi mo Leann?” hinapit niya pa ako papalapit sa kanya, “You’re not just any woman, Love. You’re my Leann Rain Saavedra.”

 

Napailing nalamang ako sa sinabi niya. Kahit talaga sa ganitong pagkakataon hindi niya naiiwasang pakiligin ako kahit na hindi sugar-coated ang mga salitang sinasabi niya. He’s just…him. He’s my EJ.

My Twisted Happily Ever After  ✅Where stories live. Discover now