Chapter 17

1.7K 43 24
                                    

Chapter 17

Natigilan ako sa pagpupumiglas. Niyakap niya naman ang bewang ko at diniin ako papalapit sa kanya bago siya bumulong ulit, "I love you, too." hinalikan niya ang right temple ko bago natawa ng bahagya, "I love you. I love you." ulit niya sa akin sa tono na parang narelieve siya at finally nasabi niya na. 

Kumunot ang noo ko, "Ako ba pinagloloko mo?" tanong ko sa kanya. Humalakhak naman siya bago ako hinawakan sa balikat para humarap sa kanya, "Love, you think kaya kong magbiro ng ganito?" saad niya habang nakangiti. Sumimangot ako, "Parang sinasabi mo lang yan dahil umamin ako e." nakangusong saad ko. 

Humalakhak naman siya bago hinalikan ang labi kong nakanguso, "Sige nguso pa." nakangising saad niya. May narinig naman kaming tikhim kaya't sabay kaming napalingon sa likod namin. Doon namin nakita na nakatayo ang pamilya ko at mga kaibigan ng kapatid ko na bisita niya sa kanyang kaarawan. Napayuko naman ako habang humalakhak naman si EJ. Siniko ko naman agad siya, "Seryoso ang mukha ni papa, ano ba!" bulong ko sa kanya habang pasimpleng sumusulyap kay papa. 

Di naman nagtagal ay bigla na lang tumawa si papa sumunod si mama at pati ang mga kapatid ko. Kumunot naman ang noo ko habang nakatingin sa kanila. Hindi sila magagalit? I mean, sa pagkakatanda ko, ayaw na ayaw ni papa na hinahalikan ako ni Ced noon sa labas. What's happening? "Pa?" naguguluhang saad ko. 

Naglakad naman si papa papalapit sa amin, "You see anak, boto ako kay EJ." saad niya na parang nababasa ang utak ko. Nanlaki naman ang mata ko, "Eh kakakilala niyo pa lang po sa kanya diba?" gulat na saad ko. Natawa naman silang dalawa bago umiling si papa at may hint of amusement ang mata niya, "Of course not! Hija, hindi mo ba natatandaan si EJ?" natatawang saad ni mama sa akin na ngayon ay nakalapit na pala. 

"Natatandaan? What are you talking about?" naguguluhang saad ko. Lumapit naman si Kuya kay EJ, "Bro, paano ba yan? Nakalimutan ka pala ni Leann?" saad nito at inakbayan si EJ. Mas lalo namang nangunot ang noo ko, "What's going on here? Matagal niyo ng kilala ang boyfriend ko?" dirediretsong usal ko. Natigilan naman si EJ bago ngumisi ng malaki. Uhh, what did I say again? 

Nanlaki ang mga mata ko sa narealize, "Oh my," sinagot ko si EJ sa harap ng pamilya ko! 

Umiling si kuya, "Rain? Talagang hindi mo natatandaan? He's Eljohn Kyle! My bestfriend! Bakit di mo naalala?" saglit akong napatingin kay kuya bago lumipat ang mata ko kay EJ ng matandaan ko na siya. Siya yung--Oh my! 

"Can't you remember him? He's your first c-" agad kong tinakpan ang bibig ni kuya, "Kuya!" sigaw ko habang namumula. Oh my. I can't believe this. Bakit hindi ko agad siya naalala. That's why kahit bago pa siya sa paningin ko parang pamilyar ang katawan ko sa kanya. That's why ang bilis kong naattract sa kanya! Kasi siya lang naman si Eljohn Kyle, ang unang crush ko. My gosh. Uhugin pa ako nung maging crush ko tong lalaking to. Bakit nakalimutan ko agad siya? Ganun na ba talaga ako ka-focus kay Ced? Puro si Ced na lang ba talaga ang iniisip ko noon? Ganun ba ako kabaliw na baliw doon sa lalaking 'yun? 

"First what?" amazed na tanong ni EJ kay kuya bago ipinulupot ang braso niya sa bewang ko. Hinarap ko siya at inirapan, "Wag kang chismoso." saad ko at umismid, "Teka nga!" saad ko at tinulak siya ng marahan, "Nung una mo ba akong nakita sa party alam mo agad kung sino ako?" nagsususpetsang tanong ko sa kanya. 

My Twisted Happily Ever After  ✅Where stories live. Discover now