Chapter 25

1.5K 28 0
                                    

I hope you don't mind kung bibilisan ko ang timeline? It's part of the story kasi.

-----------------------------

Chapter 25

Nakaupo lang ako sa toilet bowl habang nakatingin sa pregnancy test na hawak ko. Naiyak naman ako sa naging resulta.

NEGATIVE

Ano ba talaga ang problema sa akin? Ilang beses na naming sinubukan ni EJ pero hindi ko alam kung anong nangyayari at wala parin talaga. Anim na buwan na simula nung umuwi kami ni EJ dito sa Pilipinas. We already have our own house. Anak nalang talaga ang problema at kumpletong pamilya na kami. I don't think si EJ ang may problema. Ako kaya? Baog nga kaya ako?

Pumasok naman si EJ sa cr. "Love it's alright. Ang mahalaga ay andito ka. Bonus nalang ang babies." aniya habang nakangiti pero kita ko ang lungkot sa mga mata niya. Kahit ayaw niyang sabihin alam kong gusto ni EJ na magkaroon ng anak. Niyakap ko siya, "I'm sorry." ani ko.

"Friend, samahan kita pacheck up." ani Nicole habang kumakain ng sundae na strawberry. Niyaya ko kasi siya kanina. Sumubo naman ako ng chocolate sundae ko. Kaming dalawa lang ang nagkayayaan dahil busy ang iba naming kaibigan. Si April naman ay busy sa pagaayos ng kanyang 'broken heart'. Si Ej ay nagpaiwan na muna sa bahay. Hindi ko nalang pinilit dahil alam kong malungkot din siya dahil negative ang resulta...na naman.

"Oh iiyak ka na naman e. Kaltukan kaya kita diyan?" nakasimangot na saad ni Nicole. Tumulo naman ang luha ko, "Nic ilang buwan na ba? Puro negative! Wala naman akong hormonal imbalance eh pero bakit ganito?" humikbi kong tanong habang nakayuko at pinunasan ang luha ko. Inabutan niya naman ako ng panyo, "Ang inam mo talaga. Punas ka bilis. Isipin pa ng iba na ako nagpaiyak sayo e mapatalsik pa ako dito." natawa naman ako ng bahagya. Kahit kailan talaga.

"Kaya nga tayo magpapacheck up diba? Tara." aniya habang hinihila ako palabas ng food chain na iyon. Di na ako nagtanong kung saang hospital alam kong maraming connections ang babaeng ito sa mga hospital dito.

Pagdating namin sa hospital ay agad kaming sumakay ng elevator. Hindi naman siya masyadong nagmamadali ano? Siya itong may asawa at gustong magkaanak? Come to think of it, di nagkukwento ng love life niya si Nicole. Masyadong pribado ang bruha. Huling kwento niya ay noon pa. Nung may gusto siya pero puppy love lang naman yun. After that wala na.

Kumatok siya sa isang glass door nang tatlong beses bago pumasok, "Hi Che. si Doc?" nakangiting bati niya sa secretary nung doctora ata. "Si Tita? Nasa loob miss Nic. Pasok lang. " ay pamangkin pala. Baka sideline lang nun ang pagsesecretary? Ewan na nga.

"Nicole! Napadalaw ka? How's your aunt?" nakangiting bati ni doktora. Napansin naman ako ni doc, "Who is she?" nakangiti paring tanong nito.

"She's a friend and she wants to know what the hell is the problem of her reproductive system at ayaw gumawa ng bata e ilang beses na nila sinubukan ng asawa niya." pinamulahan naman ako ng pisngi. Peste tong babaeng to! Ang prangka talaga! "Wag kang mamula. Its a fact."

"Heh!"

"Well, can I check you?" ani ng doktora tumango naman ako. Pinabihis niya ako nung gown at pinahiga sa kama na nadoon. She put some gel in the machine na ginagamit sa ultrasound.

My Twisted Happily Ever After  ✅Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora