Chapter 13

1.4K 39 1
                                    

Chapter 13

"She's your what!?" narinig ko ang takong nang sapatos ng mama ni Ced nang lumapit siya sa amin. "Ma." tawag pansin ni Cedric sa kanya. Hindi parin ako nakatingin. Sabi na. Sabi na hindi ito magandang idea. Napansin kong humigpit ang hawak ni EJ sa kamay ko. Good thing because I needed that too.

"Ate what do you think you're doing?" tanong ni Tita Elena- mama ni EJ- sa mama ni Cedric. I don't really think may karapatan akong tawaging tita ang mama ni Cedric ngayon. Kalmado ang boses ni Tita Elena pero nawala na ang playful aura nilang magpapamilya kanina. Umismid naman ang mama ni Cedric, "What do you think you're doing?" balik tanong nito at diniinan pa ang 'you're'.

Hinawakan naman ni EJ ang mukha ko at alam kong tinitingnan ko siya nang masama ngayon, "I swear Leann. Wala akong alam sa pagdating nila." saad niya. Iniiwas ko ang tingin ko pero hinawakan niya ang pisngi ko para ipaharap sa kanya kaya't nagkatitigan kami.

"Alam mo bang ex yan ni Cedric? Iniwan yan nang anak ko dahil she's a good for nothing bitch! Ni hindi niya kayang bagayan ang buhay na binibigay ko sa anak ko. At ngayon anak mo naman ang pinupuntirya niya? Gold digger." nakangising saad ng mama ni Cedric. Napasinghap ako at naramdaman ko ang tuloy tuloy na sa pagtulo ang mga mata ko. Agad naman akong niyakap ni EJ, "Leann. Leann. Shit. Don't cry love please. No. No. Stop crying. Come.on, love. You know that's not true." saad niya habang pinapatahan ako.

Funny thing who would've thought na yung simpleng ganyan lang ang magpapaiyak sa akin? Just because hindi ako sobrang yaman? Just because may history ako ng pagiging mahirap? Napatingin ako kay Joselle. Nakita ko ang awa sa mga mata niya. Napailing ako, dahil ba hindi ako kasing yaman ng pamilya ni Joselle? "Tita! Mom please. Talk to your sister." saad ni EJ.

Natawa naman si tita Elena, "Tumigil ka ate. Baka nakakalimutan mong nasa bahay parin kita. Seriously, what is your problem? Nananahimik ang pamilya ko dito then bigla kang darating at pagsasabihan nang kung ano ano ang bisita namin? Worst ang girlfriend nang anak ko? My mom didn't raise you like that." mapanganib na saad nang mama niya. Tiningnan niya naman si Joselle at ngumisi, "Sinasabi mong tinutuhog niya ang magpinsan? Baka nakakalimutan mong Ex din ni EJ si Elle." saad ni tita at ngumuso kay Joselle. "Sinaktan ni Elle ang EJ ko pero tinanggap ko parin siya diba? Kahit siya ang nang-iwan sa anak ko. Nakita ko ang pagiging miserable ni EJ. Ate you're being childish. Ano naman kung si Leann ang magustuhan ni EJ? Ganun talaga pareho silang iniwan eh." saad niya at naglakad papunta sa amin. Nagulat ako nang hawakan niya ang kamay ko, "Hijo why don't you bring Leann to your room?" saad niya kay EJ bago ako hinarap at nginitian, "I'm really sorry hija." saad niya at ngumiti nang malungkot. Tumango lang ako at hinayaang akayin ako ni EJ. Pero nang papasok na kami sa kanyang kwarto ay pinigilan ko siya, "EJ, I really don't want to stay here anymore." saad ko sa kanya. Natigilan naman siya bago hinilamos ang kamay sa kanya mukha.

Hinarap niya ako sa kanya. "I'm really sorry about what happened down there, Le. I swear biglaan ang nangyari. Di ko alam na darating sina Tita Celia kasama si Cedric at Joselle." saad niya. Tumango ako at ngumiti sa kanya, "EJ naniniwala ako sa'yo."

Umiling siya, "No. This is tita Celia's fault. I really think mom  sho--" di niya natapos ang sasabihin niya dahil hinalikan ko na siya. Nagulat siya at nagulat rin ako. Ginawa ko lang naman yun para patahimikin siya at sabihing naiintindihan ko. Lalayo na sana ako nang hilhin niya pa ako lalo papalapit sa kanya at mas nilaliman ang halik.

May narinig akong bumukas at naramdaman ko nalang na kinarga niya na ako at ini-lock ang pinto. Biglang nawala ang mga boses mula sa baba kaya't humiwalay ako saglit. As if sensing my confusion sinagot niya ang tanong, "My room's soundproof." bago nilapit ang labi niya sa akin at hinalikan akong muli. Naramdaman kong hiniga niya ako sa kama at bumaba ang halik niya sa leeg ko. Sinipsip niya yun kaya't napasinghap ako kasabay nang mahinang ungol. Kung saan saan naglalakbay ang malikot niyang kamay pero bigla itong tumigil.

Bigla naman siya lumayo sa akin na para bang napapaso. Pagtayo niya pinamulahan ako nang mukha, kasi naman nahahalata ko yung 'ano' niya nakaumbok kasi. Tumitig naman siya sa akin--specifically sa dibdib ko at nakitang nakababa pala ang strap nang dress ko at nakikita ang part nang dibdib ko, "Oh damn." bulalas ko at agad na inayos ang sarili ko. Damn it, Leann! Ano bang iniisip mo? kastigo ko sa sarili ko.

"It's my fault EJ. I'm sorry." saad ko agad naman niya akong tinabihan, "No love. Malungkot ka lang. Buti nalang tumigil ako kundi baka may nangyari na dito." natatawang saad niya. Tinitigan ko siya. Sa katiting na pagkakataong magkasama kami wala siyang ginawa kundi ang maging perfect gentleman. It's pretty obvious he wanted me-wants me pero pinigilan niya ang sarili niya. "Isa pa kung gagawin natin yun dapat mahal mo na ako." saad niya at nakangiti.

Isa lang ang alam ko habang nakatitig ako sa kanya, I'm fallibg for him. Hindi pa ako sigurado na in love pero nahuhulog ako at malalim.

"You should rest. Maliligo lang ako." saad niya at napakamot nanf ulo pero di parin siya umaalis. Tumaas ang kilay ko, "Well?" he groaned and claimed my lips saka humiwalay ulit at pinatong ang noo niya sa noo ko. "I swear kapag di ako umalis mawawala ang pagiging gentleman ko." natatawang saad niya at umiling. Humalakhak ako pero natigil nang makita ko siyang nakangisi habang nakatingin sa leeg ko. "Why?" tanong ko. Tumayo siya at naglakad papunta sa pinto pero humarap di naman agad ulit, "You might want to do something about that?" saad niya at nginuso ang leeg ko. Kinuha ko ang purse ko at nilabas ang salamin ko. Ano kasing meron?

Lumabas siya na tumatawa nang makita ang ekspresyon nang mukha ko. "Ej!" sigaw ko kahit alam kong hindi niya na ako maririnig. Ang gara nang lalaking 'yon dahil nilagyan niya lang naman ako nang love bite na sobrang pula na tingin ko hindi natatakpan nang concealer.

My Twisted Happily Ever After  ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon