Chapter 7

1.9K 47 0
                                    

Chapter 7

“Bakit ba tuwing nakikita kita umiiyak ka nang dahil sa kanya?”  tanong ni Ej na naging dahilan para mas lalo akong mapaiyak. Niyakap ko siya nang mahigpit na para bang malalagutan ako nang hininga kapag bumitiw ako sa kanya.

“Ej…ang sakit. Bakit ganito?” sinisinok na tanong ko sa kanya habang humahagulhol. “Ej akin lang si Ced eh! Akin siya eh!” nagdadabog na saad ko habang umiiyak parin.

“Hindi kita masasabihan nang ‘kalimutan mo na siya’ kasi alam kong wala kang planong gawin ‘yon.” Saad niya habang nakayakap sa akin. Umiling naman agad ako sa sinabi niya, “Hindi ko gagawin ‘yon.”

“Alam ko.”

Humiwalay ako at pinunasan ang mga luha sa mukha ko. “Ej… all my life wala akong ibang minahal aside sa pamilya at mga kaibigan ko kundi siya lang…” natigilan ako at napailing bago ko tiningnan ang mga mata niya, “Hindi ko alam kung kaya ko bang magmahal nang iba.” Saad ko bago yumuko.

Ang nakakatawa ilang beses na akong umiyak nang dahil kay Ced sa harap ni Ej. Anong magagawa ko? Walangya ang timing nang tadhana e. Parang ginagago ako dahil sa lahat nang makakita sa aking umiiyak, siya pa talaga.

“Out mo na ba?” tanong niya matapos ang katahimikang nanaig sa amin. Tiningnan ko naman ang relos ko at nakitang out ko na nga. Tumango ako, “Oo pala. Sige, bihis muna ako.” Tumango naman siya at hinayaan akong maglakad patungo sa cr.

Bumuntong hininga ako at inayos ang itsura ko bago nagbihis. Pagkalabas ko ay nakita ko si Ej na may kausap sa phone at nakakunot ang noo. Hindi niya pa ako napapansin kaya di ko muna siya ginulo.

“Damn it, Joselle. Stop it!” saad niya saka binaba ang cellphone mula sa tenga niya. Hinilot niya naman ang sentido niya bago ako nilingon, “Kanina ka pa?” umiling ako, “Ngayon lang.” tumango naman siya at pinalapit ako sa kanya.

In normal situations, tataasan ko siya nang kilay at tatarayan pero hindi ko magawa. You see, there’s something about him that can always make me calm. At kahit simpleng gesture niya lang napapasunod niya ako nang walang hirap. Isang factor na rin siguro ang laki nang utang na loob ko sa lalaking ‘to.

Kasi naman kung hindi dahil sa lalaking ‘to baka nabaliw na ako kaka-kimkim nang nasa loob ko. Nakakatuwa nga at kahit hindi niya ako kaano ano eh nakikinig siya sa paulit ulit na drama ko.

“May tanong ako.” Saad ko kalaunan. Nakalabas na kami nang hotel at naglalakad lang kaming dalawa. Tinukso pa nga ako nang mga kasamahan ko nang makita nilang may kasama ako. Napailing nalang ako sa kanila.

Tiningnan niya ako saglit bago binalik sa harapan namin ang mga mata niya, “Ano?”

“Napapansin ko lang na lagi mong sinasabi na tinatawagan ka ni Joselle at pinapapunta kung nasaan kami nina Ced.” Saad ko. Hindi naman muna siya sumagot bago siya natawa nang mahina, “Eh hindi naman ‘yun tanong e.”

Pasimple akong umirap sa hangin, “Gusto mo nang straight to the point?” I asked flatly bago tinuloy ang sasabihin ko, “Kaano ano mo si Joselle?” di ko na natago ang curiosity sa oses ko nang itanong ko ‘yun sa kanya.

Humarap naman siya sa akin bago ngumisi, “Kababata ko.” saad niya, tatango na sana ako nang dinagdagan niya, “at ex-girlfriend ko.” nanlaki naman agad ang mga mata ko.

I mean, seriously? Nagayuma ba siya ni Joselle? Nilingon niya ako bago natawa, “Hey, I know that look. Believe it or not…di siya ganyan noon.” Saad niya at napansin ko ang pagkunot nang noo niya.

“Don’t believe you.” Saad ko nang nanlalaki ang mata. He shrugged, “It’s alright.” Tiningnan niya ang jeep na dumadaan. “She was sweet and caring. Di makabasag pinggan.” He chuckled, “She was kind and patient.” Bigla siya humarap sa akin, seryoso ang mukha. “Well, that’s before she met Cedric and…you.”

Nanlaki ang mga mata ko, “Me? Why me?” di makapaniwalang saad ko.

He shrugged again, “I don’t know. It’s like she’s intimidated to your presence.” Natigilan ako saglit at may narealize ako. Dumistansya ako sa kanya, “Kaya ka ba lumalapit sa akin? Para malaman kung anong ginawa ko sa kanya kaya nagkaganyan siya bigla?” nakakunot ang noo ko habang tinitingnan siya nang mapang akusa.

His jaw dropped, “What the hell? Of course not! Why on earth would I do that?” kunot ang noo niyang saad. I shrugged, “Well, I don’t know.” Nagi-isip ako bago tiningnan ulit siya nang masama, “O baka naman inuutusan ka niyang pumunta dito at lumapit sa akin?” tanong ko.

Umirap naman siya bago natawa na para bang may topak ako. “Ewan ko kung anong nakain mo at nagiisip ka nang ganyan. Masyado kang nagpapanuod nang mga romance craps na ‘yan.” Napapailing na saad niya.

Ngumuso ako, “Shut up. It’s not like mahilig ako sa romance.” Tumawa naman siya, “Yeah right.” Saad niya.

Nilibot ko ang tingin ko. “So saan tayo?” nag-isip naman siya saglit bago ako hinila sa kotse niya. Ngayon ko lang narealize na dala ko pala ang kotse ko. Babalikan ko na lang bukas.

“Sine tayo.” Tumango nalang ako sa kawalan nang maisagot. Wala naman talaga ako sa mood mag-sine pero dahil wala akong magagawa ngayon sa bahay dahil wala namang tao doon ay sasama na lang ako.

**

“Seriously, Ej?” di ko mapigilan ang pagtawa dahil sa movie na pinili niya. Yung chick flick na ‘Diary ng Panget’. I’ve heard about that before and sabi nila okay naman daw. Kilig. “What?” saad niya habang tumatawa din.

“So sino ang mahilig sa romance sa atin?” tanong ko habang nakataas ang kilay. Tumawa naman siya at kinurot ang ilong ko. “Ewan ko sa’yo. Ngayon lang to.” Saad niya saka kumindat. Umiling nalang ako at tumawa.

Pagpasok namin ay nagsisimula na pala ang ang movie. Naghanap kami nang mauupuan since di pa naman masyado late nung dumating kami.

Aaminin ko, kinilig ako sa kanila. Nandun na kami  ngayon sa part na na-lock sina Eya at Cross. “Bakit ang pangit mo?” natawa ako sa pang-aasar ni Cross. At nagpatuloy lang ang pagtawa ko habang pinapanuod ang buong movie.

“Tapos nang-aasar ka eh ikaw tong sobra kung kiligin?” nakangising saad ni EJ. Namula ako sa kahihiyan. Eh kasi naman kapag kinikilig ako kay James Reid pinapalo ko ang braso ni EJ. Mukhang hindi naman nasaktan ang loko at hinayaan lang ako habang natatawa nang mahina. Malay ko bang ipang-aasar niya pala sa akin ‘yun!

“Ewan ko sa’yo.” Saad ko at nilabas ang dila ko para bumelat sa kanya. “Isip bata.” Pang-aasar niya sa akin. Bago pa ako maka-sagot ay may umepal naman. “Wow naman! May date sila. Ang sweet.”

Napalingon kaming dalawa at nakita ang nakakaasar na pagmumukha ni Joselle. Hanggang ngayon di parin ako makapaniwala sa description sa kanya ni EJ noong bago pa niya kami makilala. I mean look, wala kang makikitang trace na naging mabait siya sa past life niya. Purong kalandian at kamalditahan lang ang makikita mo.

“What do you want?” tanong ni EJ kay Joselle. Napansin kong hindi niya kasama si Ced. Hindi niya sinagot si EJ at humarap sa akin, “If you’re looking for Cedric he’s not here, bitch.” Saad niya saka ako inirapan.

“Joselle!” puna ni EJ sa kanya. Nag-init naman agad ang ulo ko at hinawakan ang braso niya nang madiin, “Aww! Let go of me!” hiyaw niya sa sakit.

“Ako, napupuno na ako sa’yo. Hindi lang ako makadiskarte dahil bantay sarado ka nang tuta mo—oh I’m sorry. Akala ko tuta mo. Soon to be husband pala.” Ngumisi ako nang plastic at hinawakan nang mas madiin ang braso niya.

“Awww! Damn it, bitiwan mo ako!” hinrap niya si EJ, “EJ help!” saad niya sa nakatulalang si EJ. Mukhang natauhan naman si EJ at hinila ako papalayo sa kanya. Akala ko dadaluhan ako ni EJ pero nagulat ako nang suriin ni EJ ang braso ni Joselle at nang makita niyang pumula ito dahil sa pagkakahawak ko kanina ay tiningnan niya ako nang masama.

Napabuga naman ako nang hangin, “Oh great! Ngayon ako pa ang masama.” Tiningnan ko sila nang masama bago inirapan, “Got to hell, mother fnckers! Shit.” Pagmumura ko bago lumayas sa harapan nila.

I can’t believe it! Ano ba talaga ang meron kay Joselle na wala ako? Am I really the bitch here? Di ko namalayang may luhang tumutulo sa mga mata ko. Oh great. Now I’m crying because of insecurities. This is not me, damn it!

Nagulat ako nang may panyo na nakalahad sa harapan ko. Nag-angat ako nang tingin at nagulat nang makita ang taong pinakahuli kong inexpect na makikita ko, “Ced…”

My Twisted Happily Ever After  ✅Where stories live. Discover now