Chapter 4

2.1K 44 1
                                    

Chapter 4

"Ced..." nakatitig lang ako sa kanya at ganun rin siya sa akin. "What do you want?" naka-taas ang kilay kong tanong sa kanya. Ayokong ipakitang may kakaibang effect parin siya sa akin. Ayokong masatisfy siya sa thought na may control parin siya sa akin. I don't want that.

Mapride akong tao at matagal niya nang nagasgasan ang pride ko kaya di ako makakapayag na madungisan niya ulit ito. Sa ngayon ito nalang ang meron ako at mawawalan na ako ng lakas ng loob kung pati pride ko wawasakin niya.

I mean, look! Wasak parin ang puso ko dahil sa kanya. Tapos ipapakita ko pa na di parin ako naka-move on? Edi nawasak ang ego ko? Ayoko nun. Siguro... magmamakaawa akong bumalik siya sa akin pero wag muna ngayon. 

"Let's talk, Le. Please." tinaasan ko pa lalo ang kilay ko. Is this some kind of sick joke? "Wala tayong pag-uusapan." kaswal na sagot ko sa kanya. Yung tono ko para bang wala akong pakialam at obviously nagmamadali ako.

I'm amazed kung paano ko to nagagawa when deep inside me sabik na makita si Ced. Gusto kong magmakaawa ngayon pero ayaw ng pride ko. Leann please! Wag muna ngayon. Pigilan mo sarili mo parang awa mo na! Wag kang magmukhang kaawa awa sa harapan niya!

Inalis ko ang kamay niya na nakaharang sa pinto ng kotse ko at sumakay na pero di ko pa napapaandar ang kotse ay nagsalita siya, "Ayokong makita kang kasama si EJ. I don't like him for you."

Napalingon ako sa kanya at napairap. Lumabas ako muli ng kotse at sinara ang pinto. Now we're talking. "He's my boyfriend, Ced. Bakit ko iiwasan ang boyfriend ko? Saka for Pete's sake! Pinsan mo siya!" nagtataka ako kung bakit ganito ang sinasabi niya and obviously, half of me is rejoicing dahil pakiramdam ko may puwang parin ako sa puso niya. Dahil kung ganun may chance pa ako. I knew it.

"Yeah pinsan ko siya kaya alam ko ang kaya niyang gawin. Ayokong paglaruan ka niya, Le. Just not you." seryoso ang mata niya na nakatitig sa akin habang hawak niya ang braso ko. Lumakas ang pintig ng dibdib ko. Mali pero nakakaramdam ako ng kilig. Gusto ko lang ngayon e yakapin siya. Overwhelmed ako masyado sa pinagsasabi niya pero nagmatigas pa ako. "What is it to you anyway?" I snapped at mas natuwa ako nang makita kong natigilan siya. He was caught of guard. Nilalabas ng bibig ang gustong sabihin ng puso. Napangisi ako at nagsimulang ayusin ang tie niya na magulo. Halatang nagmamadali siyang pumunta dito.

"Don't tell me...you're still inlove with me?"pangaasar ko sa kanya pero deep inside me guston sabihing please say yes.

Tinulak niya ako which disappointed me. Damnation. Did he just rejected me? "Hinahanap na ako ni Joselle. Take care, Le. Bahala ka kung ipagpapatuloy mo yang relationship mo with my cousin. He's a good for nothing guy. Ni hindi ka nga niya pinakilala sa amin." naglakad siya papalayo pero nagsalita ako nung mga dalawang metro na ang layo niya sa akin.

"Bakit Cedric ano bang tingin mo sa sarili mo? Ni isang beses ba pinakilala mo ako sa kamag-anak mo?" I snapped. Di ko na napigilan ang sarili ko na manumbat, "Besides, kung lolokohin niya ako di na ako magtataka. Magpinsan kayo e." I gritted my teeth.

Humarap siya sa akin with disbelief in his face. "Hindi kita niloko!" sigaw niya at naglakad pabalik sa akin. Natawa ako ng pagak, "Oh yeah? Di ba panloloko ang tawag sa ilang linggo after tayo magbreak e kayo na agad ni Joselle? Hindi ba Cedric?" tinulak ko siya sa dibdib.

"You insensitive jerk! Alam mo ba kung gaano kahirap yun para sa akin? I was inlove with you! Di man lang uso ang three months rule? Sabagay ano bang pakialam mo sa akin e. Pinagsawaan mo lang naman ako." umirap ako. Nakita ko ang sakit sa mga mata niya.

Totoo pala talagang ang mata ang sumasalamin sa emosyon ng tao. I wonder ganun rin kaya ang pinapakita nang mga mata ko?

"I-I..." di niya matapos tapos ang sasabihin niya kaya nagsalita na ako. "No need for explanations. You're two years late for that."

Sumakay na ako sa kotse at di siya nilingon. Umalis ako sa lugar na yun ng may ngiti sa labi. Way to go, Leann. May alas ka na ngayon. Alam mo nang may pakialam pa sayo si Cedric.

Pasimple akong napahawak sa dibdib ko. Lumalakas nanaman ang tibok nito. Naghuhuramentado nanaman. 

Pagkarating ko sa bahay ay bumati lang ako saka umayat sa kwarto ko. Pagkapasok ko ay dumiretso ako sa drawer ko na malapit sa kama at inilabas doon ang litrato naming dalawa ni Ced. 

Ang saya saya namin dito sa picture. Punong puno nang pagmamahal ang mga mata namin. Stolen kasi ito. Kuha ni Tin saka binigay niya sa akin. 

"Alam ko Ced. May pag - asa pa ako." nakangiti kong saad saka hinalikan ang litrato. I know mukha akong tanga. Umaasa sa wala, kinakausap ang litrato, at pinagpipilitan ang sarili ko sa isang lalaking malapit nang ikasal pero kinukuha ko lang kung anong akin. 

Tumayo na ako at nagsimulang maglakad papunta sa cr ko dito sa room para maligo. Masyadong marami ang nangyari ngayong araw na ito. Kailangan ko nang pahinga. I took another glance at the frame in my side table saka pumasok sa cr.

My Twisted Happily Ever After  ✅Where stories live. Discover now