Chapter 8

1.7K 43 1
                                    

Chapter 8

"Ced..." inabot niya pa lalo ang panyo niya sa akin. Di ko yun kinuha. Nakakatawa, parang dejavu lang e. Ang nakakabwisit lang kung nainis ako kay EJ kanina nadagdagan naman nang sakit ang nararamdaman ko. 

Seriously? Kelan pa ba ako makakamove on? "Bakit ka umiiyak?" tiningnan ko siya. Ewan ko kung anong sumapi sa akin pero kinabig ko ang batok niya bago ko siya hinalikan. Nanglaki ang mga mata ko sa narealize pero nang hihiwalay na ako ay hinigpitan niya ang pagkakahawak sa bewang ko na di ko alam hinawakan niya pala. 

Tumugon siya sa halik ko. Tumugon siya! Buti nalang pala nasa labas na kami nang mall kundi may mga bata na makakita. Nakakahiya! Nang akmang ipipikit ko na ang mga mata ko ay nakita ko si Joselle at Ej. Nakahawak si Joselle sa bibig niya habang nakatingin sa amin. Si Ej naman ay di ko maintindihan ang itsura. 

Dahil sa nakita ko ay agad kong tinulak si Ced. Mukha naman natauhan siya kaya lumayo din siya at ginulo ang buhok niya. Tinitigan ko lang si Ced at nakatingin din siya sa akin. Pareho kaming habol ang hininga namin. May marka pa nang lipstick ang gilid nang labi ni Ced. 

Nakarinig kaming pareho nang hikbi. Agad dumapo ang tingin ko kay Joselle. Iniiwas niya ang tingin niya sa akin, napamura naman si Ced. "Hon?" tawag pansin niya kay Joselle. Tiningnan niya ako tapos lumipat ang tingin niya kay Joselle. 

"Grabe ka Ced." saad ni Joselle bago tumakbo papalayo. Nagmura ulit si Cedric bago sinundan si Joselle, "Joselle! Wait!" nanatili lang ang mga mata ko sa kanila. Bakit ganun? Ang sakit? 

Napahikbi naman ako saka napaupo sa mainit na semento nang parking lot. Akala ko nandun na. Akala ko ako na. Naawa ako kay Joselle kasi kahit kelan di ko siya nakitang umiyak. Oo nga nakaawa siya pero paano naman ako? Paano naman ako? 

Humagulhol ako at di namalayang nakatingin si EJ sa akin, kita ko ang disappointment sa mga mata niya. Sa nangyari kanina para akong naging kerida. Kabit. Yun pa ang masakit kasi kahit anong gawin ko second choice niya nalang talaga ako. Hindi na ako ang priority niya. 

"Nung kayo ba ni Cedric ang magkasintahan nakita mong nilandi ni Joselle si Cedric na lumalagpas sa salita? Nakita mo ba siya na hinalikan si Cedric?" tanong ni EJ habang naglalakad papalapit sa akin. 

"Ewan ko! Ewan ko! Lumayo ka, EJ! Di kita kailangan!" sigaw ko habang patuloy ang pagtulo nang luha ko sa mga mata ko. Ayoko nang isampal niya pa sa akin ang ginawa ko! Hindi ko alam anong nangyari. 

Di siya nakinig at tumapat pa talaga siya sa akin. Nakaupo ako sa semento ngayon at nakatayo siya sa harapan ko, "Hindi diba? Kahit pa gaano siya ka-obsess kay Ced hindi niya ito pinakialaman. Eh ikaw Leann?" tanong niya. 

"Tama na! Ayoko na!" sigaw ko habang umiiyak at tinatakpan ang tenga ko sa mga sasabihin pa niya sa akin. Ayokong ipamukha niya sa akin na mali ako! Ayoko!

"Leann binastos mo si Joselle sa ginawa mo! Pinababa mo pa ang tingin ko sayo! Ganun ka na ba kadesperada para gawin mo yun kay--" di niya natapos ang sasabihin niya dahil tumayo na ako at sinampal siya. Pinunasan ko ang luha ko. 

My Twisted Happily Ever After  ✅Where stories live. Discover now