Worlds Apart III

353 21 0
                                    

©  Eat Bulaga FB Page   

9.3.16 Day 16 AMACon3 Drabble Challenge


Worlds Apart 3


"She's vibrant. Full of life. When she smile, everyone smiles back. She's a rainbow in our sky..My sister believe in taking chances. In looking at the good of things. And today, the world lost that good..."

Napahawak siya sa ulo. Di na mabilang kung ilang ulit niyang binasa ang short obituary about the last victim on his unsolved case before his leave sa dyaryo na hawak kanina pa. The sister's short words is unconventional but it stir something in him. Pinilit niya tatagan ang dibdib. Nagbabanta na kasi ang luha sa mga mata niya. Matagal na siyang tumigil sa pagluha. Ang huli ay ng yumao ng kanyang ina at kaibigan na naging dahilan kung bakit siya naging detective.

Huminga siya ng malalim at pumikit. Itinapon ang hawak na dyaryo sa mesang nasa harapan niya. Nakaupo siya sa garden ng bahay nila. Sa mesa at upuan sa may lilim. Three weeks na siyang on leave sa trabaho pero ramdam niya ang hila nito. Kung hindi lang siya pinagsabihan ng ama ay baka di na niya tinuloy ang leave na iyon.

Richard lean his head on the chair. Umaatake na naman ang migraine niya as if it's reminding him that as long as the case is unsolved, his migraine will not go away. Humalukipkip siya at sinubukan na matulog sa ganoong posisyon.



Nicomaine just went out from her room. Tapos na siyang makipag-video conference sa mga pinagkakatiwalaan niyang staff na nag-ha-handle ng mga hotels niya. At dahil halos magtatanghali na ay plano niyang dumiretso sa kusina to check kung may maitutulong siya sa pag-prepare ng lunch nila. She's been staying at the Laguna residence of the Faulkerson for quite awhile now. As much as possible, she tries not be a burden to anyone, kahit pa naayos naman na nang aunt niya ang food and supplies para sa pag-stay niya roon. So far, she found her aunt's bestfriend family very heart warming...well, except dun sa gwapong masungit pero medyo mabait na sa akin ngayon na si Detective Richard.

Inikot niya ang tingin sa paligid. Nasaan na nga pala ang lalaking iyon? Wala akong lakad kaya malamang nagkukulong na naman yun sa kwarto niya. Ang binata kasi ang self-appointed bodyguard niya kahit naman di niya ito sinabihan na gawin iyon.

Patungo na siya sa kusina ng matanaw si Richard na nakaupo sa may garden. Nakatalikod ito mula sa kanya. Napangiti siya at may naisip na kalokohan.

Marahan siyang naglakad patungo sa pwesto ng binata. Tahimik at maingat para wala itong marinig. Nang aktong gugulatin na niya ito ay napahinto siya. Nakasandal ang ulo nito sa upuan at nakapikit. Natutulog ito.

Bumulong siya. "Sayang naman, makakaganti na sana ako sa mga pagsusungit mo. Kahit man lang sana maka-isang gulat ako sa iyo. Hehe..pero di bale na nga lang" tinitigan niya ang natutulog na mukha ng binata. "Siguro ang daming naghahabol sa iyong babae? Hhmm...pero sabagay sa sungit mo baka takot sila lumapit." Di niya napigilan ang sarili na marahang haplusin ang dulo ng ilong nito. "Cute ka rin naman. Tapos, gentleman pa. Kwento ng tita mo sa akin, pala ngiti ka daw at laging lumilitaw ang dimple mo..." dinampi niya ang hintuturo sa kaliwang pisngi nito kung san nakapwesto ang dimple nito kung ngingiti, "Bakit nung dumating ako halos mabibilang lang sa dalawang kamay ang bilang na nakita ko ang ngiti mo? Nasaan na yung masayahing Tisoy na sabi ng tita mo?"

Binaba niya ang hintuturo sa ibabaw naman ng labi ng binata. "Ano kaya iniisip mo at madalas kang nakasimangot?" Lumipat naman ang kamay niya sa noo nitong nakakunot kahit natutulog, "Are you having a bad dream, Tisoy?" she whispered again.

Bahagya niya hinilot ang noo nito. Trying to make the knotted lines go away. A couple of seconds more, it was gone.

Ngumiti si Nicomaine. "You're making me more curious about you as time pass by"

"Don't be. I am not an easy man to know"

Napasinghap siya. Gising na ang binata at nakatingin sa kanya ang malamlam nitong mga mata. Aktong ilalayo niya ang kamay niya ngunit mabilis nitong nahawakan ang mga iyon.

"Detective!"

Muling pumikit ang mga mata nito. "Di ba sabi ko sa iyo tawagin mo akong Richard"

Napahinga siya ng malalim. Richard's hold on her hand is doing something on her system that she don't want to identify yet. Not to mention the electricity she's feeling from his hands through hers and all over her body. She closes her eyes for a bit to calm herself. Nang minulat iyon ay tiningnan niya ang binata na bihag pa rin ang kamay niya at sinabi in a soft voice, "Okay, Richard"

Nagulat siya ng ngumiti ang binata. Her heart did hammered in wonder. Wait?! Anong nangyayari? Wala naman siyang ibang ginagawa kundi hawakan lang ang kamay ko na di ko naman pinayagan in the first place. She tried to free her hand but Richard won't budge. "Richard! Ang kamay ko!"

Tumingin ang lalaki sa kanya, walang katinag-tinag. Kala mo pag-aari nito ang kamay niya. "Nicomaine, can you do it again?"

Natigilan siya. "Ang alin? Ang sigawan ka?"

"No, the one you did before I woke up"

"Huh?" Nag-isip siya saglit, inalala. "What? That time when I touch your forehead?"

Tumango ang lalaki. "Please. Ngayon lang, masyado na kasing masakit."

Muli siyang nagulat sa sinabi nito. For him to admit that to me, it must be really painful. "Eh kung inuman mo na kaya----" hindi na niya natuloy pa ang sasabihin dahil nilapat na uli ni Richard ang kamay niya sa noo nito at sinabi, "No, this will be enough. Your touch ease the pain" tumitig ito sa kanya, "I'll borrow your hand for awhile, is it okay?" sabi nito iyon habang nakatingin ang mga mata nitong tila ba pinipigilan ang mga luha.

What happened? Why is he hurting this way? It breaks my heart for no apparent reason.

Tumango siya. "Okay" bago naupo sa tabi nito at sinimulan muling hilutin ang noo nito.

Tahimik niya itong inalo ng mga kamay niya.


_ _ _

A/N: Thank you for reading! *parang may sariling buhay ang drabble na ito, hehe! Laging possible yung mga prompt sa premise ng story niya *weird* *peace*

MomentsМесто, где живут истории. Откройте их для себя