Ang Liwanag ni Prinsipe Richard

188 14 2
                                    


1.23.17 AMACon4 – Day 22: Tagalog FF – Liwanag ng Anino

Ang Liwanag ni Prinsipe Richard 

[cont. from The Ice Prince and the Sun Princess universe] - Final Part.


"Duke! Duke!" mabilis ang mga hakbang ni Richard habang naglalakad sa pasilyo ng palasyo.

Halos lahat ng masalubong niya ay nanlalaki ang mga mata sa gulat at di magkanda-ugaga para sundan siya. Hindi sanay ang mga tauhan ng palasyo na makita siyang ganoon...ganoon ka-init ang ulo.

Nasalubong niya sa bulwagan ng kaharian ang isa sa kanyang mga ministro. Napaatras ito ng makita siya."Kamahalan, anong--anong ginagawa nyo at naglalakad kayo ng mag-isa?"

Napataas siya ng kilay."Anong klaseng tanong yan?! Ah, huwag mo ng sagutin" mabilis niyang sabi ng magtatangkang sumagot ito,"—nasaan si Duke Flint? Gusto ko---"

"Nandito ako! Nandito na po, kamahalan"

Napalingon siya sa bagong dating, ang isa sa matalik niyang kaibigan, si Duke Flint. Dumiretso siya ng tayo bago sinalubong ang nagtatanong na nakataas ang kilay na duke. "Pupunta tayo sa kaharian ni Nicomaine. Ngayon din!"

"Ha? Eh di ba, kanina lang kasama mo siya?" tingnan nito ang likuran nya kung naroon nga ba ang kanyang asawa. Napakunot-noo ito. "Ang sabi niya, pupuntahan ka daw niya para kumbinsihin nakung gusto mo siyang pabalikin sa kaharian nila ay ikaw mismo ang maghatid sa kanya. Eh, nasaan siya?"

Napasimangot si Richard na halatang kinagulat ng dalawang tagasunod niya. Hindi lingid sa Kaharian ng Yelo ang kawalan niya ng ekspresyon. Kilala sya na laging malumanay at halos hindi nag-iinit ang ulo. Kaya naman, hindi kataka-taka na nahihiwagahan ang mga tauhan sa palasyo.

"Sa daan ko na ipapaliwanag. Halika na!" sabi niya at mabilis na naglakad palabas sa palasyo

"Ha? O-kay, sige. Tara na!" wala ng ibang pang tanong na sumunod sa kanya si Duke Flint.


Naglalakbay na sila ng muling magtanong ang duke, "Ano bang nangyari? At, di ba nanghihina ka? Nabibilang na lang ang araw mo? Ano itong kahibangan na ginagawa mo? Dapat nagpapa---" bago pa maituloy nito ang sasabihin ay pinatakbo na lamang niya ng mabilis ang kabayong sinasakyan.

Naitindihan naman kaagad ng kaibigan ang ginawa niya. Humabol ito at nang malayo na ang agwat nila sa mga kawal na kasabay ay saka pa lamang siya sumagot. "Kailangan kong mahanap si Nicomaine. Nag-usap na kami, ipinagtapat ko na ang lahat, ngunit bigla na lamang siyang naglaho"

"Paano nangyari iyon?"

"Hindi ko rin alam. Imposibleng may biglang nakapasok sa silid namin. Protektado ng kapangyarihan ko ang silid na iyon"

"Dahil ba ito sa nanghihina ka na? Maaring epekto iyon ng pagkakasakit mo?"

Umiling si Richard. Batid niya na matibay ang proteksyon na ginawa niya sa silid nila ng asawa. "Mawawalan lang ng bisa ang kapangyarihan kosa silidna iyon oras na mamatay ako, Flint. Di siya dapat maglaho mismo sa harap ko ng ganun na lang" mariin niyang sabi.

Natahimik ang kaibigan. Pareho nilang itinuon ang atensyon sa pagpapatakbo ng kabayo. Nais niyang marating ang kaharian ng asawa bago pa lumubog ang araw. Mabilis ang takbo nila, bawat yabag ng kabayo ni Richard ay nagiging yelo ang dinadaanan. Ganoon din ang sa duke at kanyang mga kawal, bagama't maliit na parte lang ng lupa ang nasasakop ng mga ito. Hindi katulad nangsa kanya na halos buong dipa ng kanyang katawan at kabayo na pinagsama. Sa simpleng salita, ang buong daanan.

MomentsWhere stories live. Discover now