Richard's Panatang Makabayan

257 24 6
                                    

1.18.17 AMACon4 – Day17 : Tagalog FF – Panatang Makabayan

Richard's Panatang Makabayan


Sana makalusot! Sana makalusot!

"Richard Faulkerson Jr.!"

Patay! Nasa may hagdan na siya patungo sa ikalawang palapag kung nasaan ang silid-aralan ng klase nila na kinabibilangan niya at dahil nahuli siya ng pasok, nagtangka siyang sa likurang hagdan ng gusali dumaan.

"Mr. Richard Faulkerson Jr., late ka, wala ka sa flag ceremony kanina?" mabilis na sita ni Mr. Tony, ang punong-guro ng paaralan nila.

Napayuko si Richard. "Pasensya na po" sabi na lamang niya.

"Akala mo makakalusot ka sa parusa ah" Umiling-iling pa na sabi nito.

Napakamot na lang siya. Mukha 'atang binabantayan nito ang pagdating niya. "Ano po ba ang parusa ng mga di nakadalo sa ceremony kaninang umaga?"

Bago pa niya masagot ang tanong ng punong-guro, mula sa likuran ni Mr. Tony ay lumitaw ang apo nito na malamang ay nakasunod rin dito kanina pa. Si Nicomaine Dei Mendoza, kapareho niya ng taon at nasa iisang klase lamang sila. "Isusulat daw sa papel ang Panatang Makabayan ng---" tumitig ito sa kanya bago sinabi, "---depende kung ilang beses ka ng nahuli ngayong buwan sa pagpasok"

Napatango si Richard. Sigurado siyang may ideya rin si Nicomaine kung ilang beses niyang kailangang isulat ang Panatang Makabayan, di naman kasi lingid sa klase ang madalas niyang pagkahuli nitong buwan.

"Hhmm...ngayon buwan, pan-sampu mo ng beses na nahuli sa klase. Kaya ang ibig sabihin ay isandaang beses mong isusulat ang Panatang Makabayan, Richard" sabini Mr. Tony habang may binabasang kuwaderno.

May listahan siya?! Ang tinik talaga nitong si Mr. Tony. Napabuntong-hininga siya. Buti na lang pala, sampung beses pa lang niya akong nahuli.

Tumingin siya kay Nicomaine. Maganda at matalino ito, kaya naman maraming guro ang natutuwa dito bukod pa sa alam ng buong paaralan na apo ito ng punong-guro.

Tahimik si Nicomaine madalas sa klase pero makwento sa mga malapit na kaibigan. Bumagay sa dalaga ang maikling buhok na hanggang balikat, lalong lumitaw ang bilugan at nangungusap nitong mata na may malalantik na pilik. Matangos ang ilong at kulay rosas na mga labi. Maganda ito at batid niyang ilan sa kaklaseng lalaki ang gusto na itong pormahan Natatakot lang siguro sa lolo nito.

Nagtaas ng kilay ang dalaga. "Isandaang beses mong isusulat ang Panatang Makabayan, Richard?"

Ngumiti siya. Akala niya isusumbong siya nito sa lolo nito. "Okay, isandaang beses" tumango siya at muling tumingin kay Mr. Tony, "Sir, mamayang vacant time na lang po namin ipapasa yung papel, ayos lang po ba?"

"Huwag ka ng magpasa Maine, kasalanan ko naman kung bakit ka nahuli" sabi ni Mr. Tony sa apo sa halip na sagutin siya.

Umiling si Nicomaine, "Hayaan mo na, Lolo. Nahuli rin naman talaga ako. Tama lang yun"

"Sabagay, at dahil unang beses mong mahuli, sampung beses mo lang isusulat"

"Opo, mabilis ko lang din yun matatapos"

Bumaling muli si Mr. Tony kay Richard. "Ibigay mo na lang kay Nicomaine ang papel mo mamaya. Hihintayin ko yun ng tanghali. Nagkakaintindihan ba tayo, Mr. Faulkerson?"

"Opo, Sir" mabilis na tumango siya pag-sang-ayon.

Nagpaalam na sa kanila si Mr. Tony pagkatapos.

MomentsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon