Ilalim

288 18 2
                                    

 © aldubmode.tumblr   

9.5.16 AMACon3 Day 18 Drabble Challenge


Ilalim


Anong problema ni ate? Napataas ang kilay ni Maine ng mapansin ang sales clerk sa isang establishment na pinuntahan nila. The lady is looking at Alden intensely as if she's trying to make a hole in his face.

Nakalimutan ata ni Ate na may dimple na ang boyfriend ko at di na kailangan ng another hole.

Lumapit siya at hinawakan ang kamay ni Alden. "Nakapamili ka na ba?"

Tumango si Alden, "Yes" tumingin sa sales clerk, "Miss, ito lahat ang napili ko" tinuro ang mga bottles sa estante at bumaling kay Maine. Ngumiti. "May napili ka ba?"

Umiling si Maine. "Wala eh, maybe sa next shop meron"

"Ayos na ba, Miss?" tanong ni Alden uli sa sales clerk.

Gabi na kasi iyon. Ilang minuto na lang at magsasara na ang mall, may hinabol lang talaga silang bilhin. Buti na nga lang at available si Maine kaya nasamahan siya. He badly needed her advice in this one.

Nakatingin pa rin ang sales clerk kay Alden na nagpakunot-noo na sa binata but Maine is the quick one to ask, "May problema ba, Miss?"

Biglang naluluhang tumango ang sales clerk, "Ma'am, Sir, pasensya na pero...ihing-ihi na po talaga ako! Okay lang po bang mag-CR muna? Please po, parang awa nyo na!"

Nagkatinginan si Alden at Maine bago walang salita na tumango. Nang makaalis ang sales clerk, di nila napigilan ang mapahagalpak ng tawa, pero saglit lang kasi baka marinig sila.

"Akala ko kung ano na. Kanina pa kasi siya titig na titig sa iyo" bahagyang pinalo ni Maine si Alden sa braso bago tumawa, "Iyon pala, natatagalan siya sa pamimili mo, haha!"

Pinisil ni Alden ang pisngi ni Maine, "Kung sinabi naman niya sa akin, bibigyan ko siya agad ng bathroom break"

Dumila si Maine sa kasintahan, "OC mo kasi"

Sa halip na sumagot ni Alden ay saglit na halik sa labi ni Maine ay sinagot nito. "It's a special gift. Kaya dapat pinag-iisipan"

Yumakap si Maine dito at humilig sa dibdib ng binata. "Oo na, kaya nga sinamahan kita."

Hinigpitan pang lalo ni Alden ang yakap nila.

Nasa ganoon silang tagpo ng biglang bumukas sa ilalim ang kinatatayuan nila at tuluyan silang nahulog.

Noon naman lumabas ang sales clerk, "Hhhmmm...ano kayang magiging reaction ng lahat kapag sila ang nawala?" Ngumiti ito ng masama bago bumukas din ang kinatatayuan nito sa ilalim.

_ _ _

A/N: Sobrang sabaw! *takbo!*

MomentsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon