Uwi ka na Meng

252 13 0
                                    

(c) gifs from maichardgifs.tumblr

1.10.17 AMACon4 - Day 9 : Poetry - The Sound of Moonlight


Uwi ka na Meng


Iyan na Iyan na

Awit ng mga kuliglig

Nagsisimula ng marinig

Buwa'y ngumiti ng matamis

Uwi ka na Meng!


Boses nila'y sabay-sabay

Kokak dito kokak doon

Talon dito talon doon

Liwanag ng buwa'y aninag

Uwi ka na Meng!


Pagaspas pakpak, kurap kurap

Ibong nagtatago sa gabi

Lipad, pasyal, pasyal, lipad

Liwanag pilit sila sinisiwalat

Uwi ka na Meng!


Ito na ito na

Abang na abang na

Liwanag na isa, isa

Buwa'y pilit silang tinututukan

Uwi ka na Meng!


Sa wakas lumabas na sila

Kurap kurap, sayaw ng liwanag

Bituin sa lupa ayan sila

Dapo sa tabi, lipad sa taas

Uwi ka na Meng!


Natulala ako't namangha,

Biglang umasam, nangarap

Masarap nga kayang lumipad?

Mainit nga ba ang kuminang?

Tahimik kong puso'y tumibok

Bumulong, sumambit ng isang gusto

Uwi ka na Meng!


Ngumiti, tumawa, sumayaw, tumalon

Liwanag ng buwa'y kuminang

Bituin sa langit kurap ng kurap

Kumindat ang buwan, bitui'y bumulong

Sikreto'y nabuo batid ng kalangitan

Uwi ka na Meng!


Lumingon, tumalon, tumakbo, ngumiti

Saya ng puso tinago, sinantabi

Sikreto'y niyakap, kinubli ng isip

Panahon lang ang makapagsasabi

Uuwi na po si Meng!

_ _ _ _


A/N: Yes, dalawa po ang entry ko for today's prompt...para may side nila pareho ^_^

MomentsWhere stories live. Discover now