Chapter 1: kuyang mapangasar

707 17 4
                                    

Nandito ako ngayon sa may open field ng school namin nag babasa ng libro ni jk rowling. Habang nag babasa ako biglang may bumato sa akin..

"ARAY!!"

"Hoy! ang pangit mo!"

tumawa yung mga tao sa paligid kainis!! Hindi ko na lang sila pinansin, sanay na ako sa ganyan.

Tumayo na ako kasi bell na, pumunta na ako sa next subject ko, pag punta ko don nakita ko si Tauriel nginitian ko lang siya, tapos umupo na ako.. Mapeh yung subject nag discuss lang si Ms.Mei.

Nakinig lang ako sa sumunod pang mga subject..

RIIIIIIIIIIIIIIIIINNNGGGGGG!!!!

Bell na kaya lunch na, pag punta ko sa canteen nag kukumpulan yung mga estudyante.
Anong meron??. May nahimatay siguro.. pag tingin ko....

"Bastos ka ba, bakit mo tinapunan ng juice yung bag ko!!??" Halatang naiinis si Arsen dun sa babae

"Pa-pasensya na hindi ko talaga sinasadya"

"Kung hindi ka kasi tatanga-tanga at pabebe kumilos edi sana hindi mo matatapunan yan!!!!!!"

Kumuha siya ng baso na may lamang juice, at.. tinapon nya yun sa may ulo nung babae, Grabe siya, napaka salbahe nya talaga.

"Kung hindi mo sinasadya, ayan hindi ko din yan sinasadya!"

Nag-bulungan naman yung mga nanonood, Walang nagawa yung babae, nanatili siyang nakatayo doon at umiiyak, naaawa ako don sa babae.

Hindi man lang siya pinigilan nung mga kampon nya..!! Ay este kaibigan nya! ..

Pag kaalis ni Arsen dumaan siya kung saan ako naka pwesto, nag katinginan kami, pero umiwas agad ako ng tingin, OO! nakakatakot siya, pero mas nangingibabaw yung inis ko sa kanya!.

Pumunta na lang ako sa bench, ganon paren mag isa ako, ano bang bago?.

Narinig kong nag uusap yung mga grupo na mga babae.

"Bagay lang sa kanya yung ginawa ni Arsen, ang tanga kasi eh."

"Oo nga, gusto nya lang yata mapansin siya nung apat eh!"

"Haha napansin sa katangahan"

"HAHAHAHAHAHA"

Ano ba yan.. di naman nila siguro alam yung nangyari, tapos kung makapag salita namang mga 'to

Makaalis na nga lang dito, dumiretcho ako sa likod ng library, nag babasa ako ng libro, nung napansin kong parang may nakatingin sa akin, umalis na ako.. nag mamadali ako ng bigla akong may nabangga

Pag angat ko ng ulo ko...

Si Arsen..

Dead!

"S-sorry" nakatungo lang ako, hinihintay ko kung anong sasabihin nya pero imbis na makatanggap ako ng masakit na salita sa kanya, ay umalis na lang siya.

Bakit ganon? Diba dapat sabihin nya na 'Bulag ka ba?' O kaya naman 'stupid' tsaka dapat nga inis siya eh. Bakit ganon? Abnormal ba siya?

Haha buti na lang..

Umalis na lang ako at pumunta na ako sa next class ko, maya maya dumating na yung teacher namin

Nakinig lang ako maghapon.......

At.. uwian na!!>o<>o<>o<>o< yeeeeyy!

Nag lalakad ako sa mahabang daan, di ko alam tawag dun eh, tapos may nag takbuhan, nabangga nila ako, sa dami nila! Napaupo ako sa sahig.

"Aray! Ang sakit!"

Bigla namang may lumapit sa akin

"Miss ayos ka lang ba?"

Nung tinignan ko siya nagulat ako, si Gab!

"Ah O-oo okay lang ako"

"Hindi ka man lang binalikan ng mga yun para mag sorry"

"Di okay lang, sige una na ako, salamat nga pala"

Naglakad na lang ako ng mabilis, ramdam ko na nag blush ako, eh kasi naman eh, si Gab yun oh, si Krass yun!

Nandito na ako sa bahay, pumunta akong kusina, nag luluto si mama ng miryenda

"Hi mama"

"Oh anak mag bihis ka na, dali pawis ka oh!"

"Okay po. si kuya po pala"

"Bakit panget miss mo na ba ako"

"Ewww di noh!"

"Hoy! wag mo ng kakausapin si Gab"

"Bakit?"

"Nakita ko kayo kanina"

"Tss, tinulungan niya lang ako kanina, tsaka wala namang malisya yon eh!"

"Sa kanya wala! Eh sayo? Malamang meron"

"Bat ba ang sama mo?"

"Eh kasi nga ang gwapo ko!"

Ngumiti pa, ngiting aso naman..

"Ah basta wag kang lalapit don"

"Eh pano kung ayaw ko"

"Di ka magugustuhan non, mga gusto non, maganda,makinis,sexy"

"Eh makinis naman ako eh"

"Pero di ka maganda"

okay sige talo na ako sa pang aasar niya!

Di kami pinapansin ni mama, sanay na yan samin ni kuya, sa araw araw ba naman..

Umakyat na lang ako sa kwarto ko para mag bihis, pag baba ko wala na si kuya, san nag punta yon!

Not Bad To Fall In Love With You (ON GOING)Where stories live. Discover now