Chapter 23: Memories

270 13 0
                                    

Yun nga nag lakad na ako, di ko alam kung saan ako pupunta, saan nga ba? Sa mall? Ay pumunta na ako don kahapon eh.. Kay lola na lang kaya? Kaso wala rin eh. Saan kaya?

Hanggang sa may madaanan akong bahay, ang ganda! Wahhh! Try ko kayang pumasok? Kaso baka magalit yung may ari, pero ang ganda kasi eh..

Pero teka? Nasaan na ba ako? Hala! Ang layo na neto! Di ko alam kung nasaan ako! Saan ba ako dinala ng paa ko!? Tumingin-tingin ako sa daan, unti lang kasi nadaan na sasakyan eh. Paano na 'to!?

Tumingin ulit ako doon sa bahay.. Gawa sa kahoy ang bahay na ito, basta ang ganda, parang nasa fairytale nga ako eh, sumilip ako sa bintana.. Ang ganda din ng loob, wala ring tao.. Tinignan ko yung signboard..

'Four Handsome Wood House'

Four Handsome? Ibig sabihin puro lalale nakatira dito, try ko kaya pumasok? Ge try ko lang.. Hindi naman ako mag nanakaw eh.

Nung hawakan ko ang door knob.. Bukas? Bakit hindi nakalock.. Wahahhaa buti na lang hindi.. Ayiiieee.. 

Pag-pasok ko sa loob, namangha ako sa mga nakita ko..

"Woooww! Ang ganda!" Yan ang nasabi ko sa pag kamangha.

Ang daming vintage.. Tapos yung mga paintings ang gaganda! Mamahalin siguro 'to....... Alam niyo yung bahay ni Rubeus Hagrid sa Harry Potter?? Parang ganito bahay niya pero mas maganda 'to.. May taas din.. Parang isip bata nakatira dito eh..  May nakita akong display na windmill pero maliit lang yon syempre. Tapos may aso na gumagalaw eh yung ulo lang.. Hahaha ang cute naman dito.. Medyo malaki din yung bahay, sa bandang kanan may nakita akong papel na puro drawing... Drawing yata 'to ng bata eh.. Tapos may lumang mesa din dito, pero hindi pa sira.. Sino kaya may-ari neto? Umakyat ako sa taas, para tignan kung ano ang itchura non.. Namangha ako sa nakita ko!! Kasi merong puno dito sa loob ng bahay! Gets niyo? Paano ba ito? Uhmm? Parang sinadya na lagyan ng butas yung part na ito gawa nung puno, hindi na ako nag dalawang isip, ay umakyat ako ng puno, ang cute naman ng bahay na 'to may tree house! Pag tungtong ko ay isang maliit na mesa ang nakita ko, yung pambata na lamesa, tapos mga drawing, tapos laruan.. May naka pukaw sa akin ng pansin, yung drawing na babae at lalake, nakapang kasal yung babae, tapos may bulaklalak sa ulo. May hawak na bulaklak yung babae..  May napansin akong nakasulat doon,

'Ar-ar and Ra-ra?' Cute naman!

Inalis ko na ang tingin ko don, at may nakita akong box na hindi naman gaano kalaki.. Nung binuksan ko ito ay tumambad sa akin ang mga

"SULAT?" napakamisteryoso ng bahay na ito.. Hindi ko na inyon binuksan, naka sealed kasi baka pag nakita 'to ng may ari ng bahay eh lagot ako.. Pero may nakita ako isang picture frame....

OMYGOD!!!

"Bakit nandito ako at si kuya?" Tanong ko sa sarili ko... "At sino naman 'tong mga kasama namin?" May kasama kasi kaming tatlong lalaki eh!!!.... Halaaa baka killer ang may ari nito, tapos matagal na kami gustong patayin!? Pero imposible... Nababaliw lang ako.. Hehe. Wag ko na nga lang isipin yan..

Nag desisyon na akong bumaba na ng tree house, pagka baba ko nakita kong bukas ang pinto sa main door, pero sinarado ko naman itong pinto ah?

Bigla na lang akong may narinig na kalampag sa kusina, agad ko naman tinignan kung sino yon.. Nakatalikod siya habang may hinihiwa, naka suot siya ng V-neck na shirt... Tska may pendant din na nakasuot.

Bigla siyang nag salita..

"Alec, dalhin mo nga dito yung mga pinamili natin!" Sigaw niya..

Nakatingin parin ako sa likod niya, tumingin siya ng bahagya sa pwesto ko, at sa pangalawang pag kakataon ay tumingin ulit siyang may gulat sa mukha! OMG!!

Not Bad To Fall In Love With You (ON GOING)Where stories live. Discover now