Chapter 10: Z❤C

280 11 0
                                    

Nagmamadali akong lumabas ng bahay si kuya kasi, nag mamadali iiwan ako non! Aishh! Pasaway!

"Pagong ka ba!? Ang bagal mo!"

"Pssh! Ang aga pa kaya!"

"Kamusta kahapon? Ayos ba? Hinatid ka ba ni Arsen?"

Kamusta?? Psshh, walang maganda!

"Oo! Hinatid niya ako"

Naisip ko yung nangyari kahapon, sasabihin ko ba?  Wag na lang, tutal baka hindi rin naman sagutin ni kuya yung tanong ko.

"Nandito na tayo, bumaba ka na! Bilis!"

"Eto na! Eto na!" Bumaba na ako, nakakainis to ah!  Nakita ko naman si Arsen at Alec.

"Uyy! Hi Hera! Ang ganda mo ngayon"

Nangbola pa, Tss..! Naalala ko yung kinuwento ni Alec sa akin tungkol kay Arsen... Natawa naman ako ng bahagya...

"Oh bakit ka natawa panget!"

"Huh!? Wala!, sige pasok na ako" tinignan ko si Arsen ng nakakaloko.

"What's your problem?" binigyan niya ako ng masamang tingin...

Naglakad na lang ako.

"Uyy alam niyo ba yung balita!?"

"Ano yon!?"

" malapit ng ganapin yung engagement nila Arsen at Cleo!"

"Talaga!? Excited na ako!"..

Totoo kaya yun? Hayyy.. Well bagay naman silang dalawa..si Cleo masama ugali si Arsen ganun din.

Nandito na ako sa room hinihintay ang aming History teacher..... Aantukin na naman ako neto..

"Good Morning class"

"Good Morning"

Ganito ganyan, blah blah blah!..

Mabilis lang natapos ang mga subject... Recess na..

Naglakad lakad lang ako... Tapos nakita ko si Gab...

Teka bakit siya naiyak? Kung lapitan ko kaya siya? Wag na lang baka magalit pa eh... Pero???.. Sige na lalapit na ako..

Inabot ko yung panyo ko, at napansin niya yon... Kaya tumingala siya...

"Come on! Kunin mo na"

"No I'm fine"

"Fine!? Ayos ah, eh mukhang hindi ka nga ayos oh!"

Napatingin siya sa akin..

"Sorry! Feeling close yata ako"

"Hindi okay lang, tara tabihan mo ako"

Ano daw!? Tabihan ko daw siya? Totoo?

"H-huh?"

Napangiti naman siya ng bahagya...

"Sit here beside me."

Tulad ng sinabi niya, umupo ako sa tabi niya....

"Pwede kang mag share ng problem mo"

Napatingin na naman siya sa akin....

"Sorry! Feeling close na naman ako"

Napangiti naman siya...

"Wag mo na lang isipin yun"

"Hmm? Okay"

Tinitigan niya ako! Nailang naman ako bigla.. Hayy Ano ba Gab! Wag kang ganyan! Nikikilig ako!...
Nilapit niya yung mukha niya... Teka! Anong gagawin niya! Wahhh! Hinawakan niya yung mukha ko... Halaaaaa!!!

Not Bad To Fall In Love With You (ON GOING)Where stories live. Discover now