Chapter 27: Meet my Childhood Friend

300 12 2
                                    


Nagising ako at hindi ko namalayan na gabi na pala. Nilibot ko ang paningin ko nasa kotse pala ako. Tumingin ako sa kaliwa ko. Nakita ko si Gab na may nilalaro sa phone niya.

"Ang tagal ng tulog mo ah" nag quit siya sa nilalaro niya, at sabay na humarap sa akin.

"Nandito na pala tayo sa bahay, bakit hindi mo ako ginising?"

"Ayaw ko kasing maistorbo ang tulog mo" at ngumiti siya.. Nako! Ang Gwapo.

"Ganon? Suus! Tara na nga baba na tayo, baka kanina pa ako hinahanap nila mama" at binuksan ko na nga yung pinto ng kotse ganon din naman si Gab.

"Sige Hera, pumasok ka na, aalis na rin naman ako"

"Hindi ka ba mag hahapunan muna?" At lumapit ako sa kanya.

"Hindi na, salamat!"

"Sige sabi mo, pero pag nagutom ka bumalik ka kaagad dito ah?" Bigla siyang tumawa! Luh? Anong nakakatawa doon? Seryoso kaya ako sa sinabi ko!

"Sige! Bye! Pfft!"ginulo niya ang buhok ko At sumakay na nga siya ng kotse. Nag wave ako ng makaandar ang kotse niya.

Pumasok na rin ako ng bahay, at nakita ko si Kuya na nanonood ng TV.

"Good Evening!" Lumingon naman si kuya sa akin na masama ang tingin. Haalaaa!!!! "Hehe Hi! Si Mama kuya?"

"Oh anak? Bakit ngayon ka lang" bigla na lang sumulpot si Mommy na may hawak na martilyo. Eh?

"Eh? Hehehe! Bukas ko na lang po sasabihin antok na po ako" sabay ngiti. Eto namang si kuya masama ang tingin sa akin. Huhu!

Umakyat na ako papuntang kwarto.. Nag hilamos muna ako at nag palit ng damit at humiga na ako sa kama ko..

Hindi pa ako agad natulog, naisip ko yung kanina..

Sa tingin niyo ba hahalikan ako ni Gab, kung walang tumawag sa kanya.. O baka naman may nakita lang siyang dumi sa mukha ko, pero kasi ano eh! Hayyyy hayaan ko na nga lang yun!

------

Hindi ko namalayan ang oras kaya alas otso na ako nagising, umunat ako para mawala ang antok ko, at pumunta sa banyo para pag hilamos at nag tooth brush.

Pagkatapos non, pumunta akong kusina para kumain, nakita ko naman doon si kuya nakain.

"Good Morning!" Masigla kong bati sa gwapo kong kuya *cough* *cough*

Habang kumukuha ako ng pag kain, nag salita si kuya.

"Wala ka sa school kahapon? Sabi ng mga teacher mo? Saan ka galing?" Hehehe sasabihin ko ba? Hindi naman siguro magagalit to kung si Gab yung kasama ko eh noh?
"Sino kasama mo?" Dagdag pa niya.

"Si Gab....." *silence*

"Oh? Saan kayo nag punta?" Sabay tingin sa akin.

"Aww!! Kuya tigilan mo nga yang serious voice mo!" Naiinis na ako dito, napaka seryoso nakakatakot kaya! Huhu

"Bwahahahahahahaha!!!" Luuuuhhh???? "Saan nga!" Natatawa niyang tanong.

"Sa ano?..... Sa..... Saan nga ba yun?" Ang totoo? Hindi ko talaga alam eh!

"Tsk! Kumain ka na nga lang!" Tapos bumalik na siya sa pagkain niya.

Yun nga kumain lang ako ng kumain, sabado ngayon kaya wala akong ibang gagawin kundi ang tumambay dito sa bahay.

"Anak! May bisita ka!" Bigla na lang sumulpot si Mama sa kusina, habang nakain kami.

"Bisita? Sino naman?" Takang-taka kong tanong. Baka si Teyla yun.

Not Bad To Fall In Love With You (ON GOING)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin