Chapter 16: Confession with Her

238 12 0
                                    

Apollo Anthony POV

Nandito ako sa tapat ng bahay nila.. Ang tagal niyang lumabas ah!. Hindi dapat pinaghihintay ang mga gwapong katulad ko!..

Kinakabahan ako sa gagawin ko mamaya.. Hayy.. Ano kayang sasabihin niya? Sana matanggap niya.

Ang tagaaal! Ang init kaya dito  sa labas ng bahay nila. Di man lang ako papasukin.! Tsk! ...... Maya maya.. Lumabas na siya ng bahay nila..

Nginitian niya ako..

"Aish! Ang tagal mo!"

"Sorry na! Eh kasi.. Hindi ko alam isusuot ko eh, saan ba tayo pupunta? Pina-absent mo pa ako! Tsk!"

"Basta sumama ka na lang sa akin!"

"Galit ka? Sorry na!"

'Magagalit ba ako sayo? Eh mahal na nga yata kita eh!'

"Ano yon?"

"Huh? Wala!.. Sumakay ka na nga!"

"Ang sungit mo talaga!"

Napangiti naman ako..

Nag da-drive na ako ngayon... Napansin kong nakatingin  siya sa akin..

"Why are you looking at me?"

"Napansin ko kasing ang lalim ng iniisip mo! Nakakatakot ka! Saan ba talaga tayo pupunta?"

"Mag hintay ka lang!"

"Nakakatakot na! puro puno na yung dinadaanan natin! Siguro! Gagahasain mo ako noh!"

"Ano ba! Wag ka ngang sumigaw!"

"Yahhhhhh!!!!"

Ang ingay niyaaa!  Maya maya nandito na rin kami..

Bumaba ako ng kotse.. Para buksan yung pintuan niya. At binuhat ko siya.. Sa balikat ko..

"Hoy! Ano ba! Ibaba mo ako! Tulong! rapist!!!"

Haha.. Walang makakarinig sayo dito! .. Nung makapunta kami sa wood house.. Piniringan ko siya..

"Hoy! Anthony isusumbung kita sa kay Hera!"

"Edi mag sumbong ka!"

"Yahhhhh!"

Nandito kami sa madalas naming pinupuntahan nila Arsen,Gab, at Alec. Nung mga bata pa kami.. Isa ito sa paborito kong puntahan.. Nangako kami, na kung sino ang babaeng dalhin namin dito. Ay mamahalin namin ng pang habang buhay..

Napakaganda sa lugar na ito. Puro puno sa labas.. At ang loob ng wood house ay mga lumang bagay.. 'Imagine' makikita mo dito yung mga drawing namin nung bata pa kami.. May lumang table din dito na gawa sa kahoy. At mga vintage..

Nilapitan ko siya.. Na patuloy parin sa pag sisigaw.. Ang ingay niya!

"Hoy! Anthony ano bang gagawin mo!?"

Tinanggal ko yung piring niya sa mata..

"Wala akong gagawin sayo.!"

Inikot niya ang mata niya sa loob.

"Ang ganda naman dito.." At tumingin siya sa bintana. "Ang ganda!"

"See? Sa tingin mo kung gagahasain kita dito kita dadalhin!?"

"Sorry na!"

"C'mon!"

Hinawakan ko yung kamay niya para sumunod siya sa akin..  Pumunta kami sa secret door.

"Ano bang klaseng bahay 'to"

Hindi ko na lang siya pinansin..
Pinaupo ko siya..

"Diyan ka lang ah!"

Umalis ako, para kunin yung bulaklak doon sa kotse.. At bumalik na rin.

"Ang tagal mo naman!"

Mag gagabi na rin. Mahaba kasi ang biyahe..

Kinakabahan ako.. Pinag papawisan na pati ako.!

Hinainan ko siya ng pag kain....

"Ang sarap ng pagkain! Ikaw nag luto?"

"Oo! Kaya ubusin mo yan!"

"Psh!"

Yun nga kumain kami ng kumain.. Eh ako. Hindi ako mapakali.!

Bigla siyang tumigil sa pag-kain.

"Teka nga! Para ba saan 'to? Bakit mo 'to ginagawa? Ang weird mo ah!"

Tumigil na rin ako sa pag kain. Tapos siya bumalik sa pag kain..

Hinawakan ko yung kamay niya.. Hindi ko na talaga mapigilan eh.

"Teyla"

"Teka! Ano 'to?"

"Makinig ka muna sa akin."

Nakatingin lang siya sa akin. At hinihintay ang sasabihin ko.

"Teyla......" Kinakabahan talaga ako eh! Wag na lang kaya! Pero hindi pwede!

"Ano nga!?"

"Teyla.... G-gusto kita."

"Ano!? Hahaha. Joke ba yan!? Alam mo. Iba na lang..."

"Seryoso ako!"

Sabay tumayo siya at pumunta sa labas... Pero hinabol ko siya.

"Teyla.!" Hinawakan ko siya sa braso.

"Totoo ang sinasabi ko!"

"Gusto mo pa lang naman ako eh! Pero di mo pa ako mahal!"

Patulo na yung luha niya.

"Sorry! Anthony.. Iba na lang wag ako!"

"Bakit!?"

"Kasi... Hindi kita gusto!"

Hinawakan ko ang magka bilang pisngi niya.

"Please! Hayaan mo lang akong ipakita sayo. Kung gaano kita kagusto!"

Hindi ko inaasahan na ngingiti siya at yayakapin niya ako.

"I'm sorry. Hayaan mo! Malay mo! Magustuhan din kita.., tapos pag dating ng araw baka mahalin na kita."

"Gagawin ko lahat. Para magustuhan mo ako"

"Pero.. Tulad ng sabi ko hindi mo pa ako mahal. Gusto mo pa lang ako."

Bigla naman akong nalungkot.. Oo gusto ko siya.. Pero.. Malapit ko rin naman siyang mahalin na eh.. Hindi ko alam eh. Yung araw na may nangyari sa aming dalawa.. Walang araw na hindi ko siya kinamusta. At araw araw akong nag so-sorry sa kanya. Dahil sa nagawa ko. Hindi ko alam habang tumatagal nagugustuhan ko siya.. Kalog kasi siya, masiyahin, mahilig mag joke kahit hindi nakakatawa. Kung tatanungin niyo ako kung mahal ko pa ba si Trillian? Ang totoo hindi ko alam eh. Gulo noh! Ewan ko ba. Basta ang alam ko ngayon gusto ko si Teyla..

Kaya ako nag susungit sa kanya kapag kasama niya si Hera, kasi ayokong mahalata na may gusto ako sa kanya. Eh yung kapatid kong yon. Malakas pang amoy eh.

"Malapit na.. Malapit na kitang mahalin"

Ngumiti siya sa akin..

"Ikaw ah. Pinapakilig mo ako!"

Napangiti naman ako ng bahagya...

"Para sayo" inabot ko sa kanya yung bulaklak.

"Salamat"

"Tara?"

"Saan?"

Hindi ko siya sinagot. At hinawakan ko na lang kamay niya..

Pumunta kami sa isang damuhan at humiga kami doon. Tinitignan namin ang mga bituin.

"Ang ganda nila noh?"

"Oo.. Parang ikaw."

"Tsk! Korny mo talaga!"

Pagka tapos noon, ay hinatid ko na siya sa bahay nila...

Not Bad To Fall In Love With You (ON GOING)Where stories live. Discover now