Chapter 9: He's Back

266 11 0
                                    

Nandito ako sa school ngayon, at nanonood ng program sa school, hiphop dance kasi. Pagka tapos niyan uwian na, napag meeting-an kasi na half day na lang.

"Hera!!!!" Pasigaw na tawag sa akin ni Teyla. "Ang gwapo ni Kurk noh!!!!??"

Hinanap ko naman kung sino yun

"Sino diyan?"

"Yun oh yung nasa kanan sa gilid!!"

Nung tinignan ko, aba gwapo nga.. Pero teka!!

"Hoy! Crush mo!?"

"Hindi"

"Weh?"

"Hindi nga!"

Nakita ko namang namula yung muka niya. Hayyy kala ko naman si Gab lang crush neto...

"Suuuusss!"

"Manood na lang tayo!"

Di ko na lang siya pinansin, hahaha palusot pa halata naman na! Hay nako Teyla ikaw ah!! Mahilig ka pala sa lalake

"Teyla sandali ah, alis lang ako"

Tumango lang siya, kasi busy siya don sa Kurk na yun??

Pupunta akong locker, kukunin ko yung baon kong lunch, pinabaon kasi ako ni Mama, iuuwi ko na lang. Nang biglang........

"Hoy!!! Babae!!!"

Nilingon ko siya.

"Ang taas mo ding mangarap noh!!?"
Umatras ako ng unti. "Ang kapal ng mukha mong ipagkalat sa buong Lexa Academy na hinalikan ka ni Arsen!!"

"Eh totoo naman kas-----"

SLAP!!

Naramdaman kong lumapat ang palad niya sa pisngi ko, at nag init.

"Hoy tanga!!!! Sa tingin mo hahalikan ka ni Arsen!? In your dreams!! Haha! Mag isip ka nga, mga katulad kong babae lang ang hinahalikan non!!"

Naiiyak na ako.. Gusto kong mag salita kaso ayaw bumuka ng bibig ko, nakatungo lang ako, habang pinapakinggan ang mga masasakit niyang salita!

Hinawakan niya ako ng mahigpit sa pisngi....

"Binalaan na kita, at ito ang tatandaan mo, hindi lang masasakit na salita at sampal ang ibibigay ko sayo!"

"Cleo!!"

Agad naman niyang binitawan ang pisngi ko, at napatingin kami sa kung sino...

"Hi babe"😚😚😚

"Anong ginagawa mo!"

"Tinuturuan ko lang siya ng leksyon"

Hinawakan ni Arsen si Cleo sa braso, at nung tinignan ko yon mahigpit..

"Arsen ano ba!!? Nasasaktan ako!"

"Wag mo ng gagalawin pa ulit si Hera!"

"Pinagtatanggol mo siya!?"

Sinamaan lang siya ni Arsen ng tingin.. Tinignan ako ni Cleo ng masama at inirapan.. Sabay umalis na...

At ako tumungo ako, para hindi niya ako makitang umiyak...

"Bakit hindi ka man lang lumaban!"

Tinignan ko siya...

"Hindi ko kaya!"

"Hah! Kaya ka nilalabanan kasi mahina ka!"

"Pake mo ba?!

"Imbis na magpasalamat ka na lang eh noh! Tsk!"

Not Bad To Fall In Love With You (ON GOING)Where stories live. Discover now