Chapter 19: Selos at Galit

245 10 0
                                    

Habang tinitignan ko siya sa malayo, hindi ko maiwasang mapangiti.. Di parin siya nagbago, gwapo, bad boy, at abnormal parin, nami-miss ko na siya ng sobra.. Kung hindi lang sana nangyari yung hindi dapat nangyari.

Sinundan ko siya kung saan siya papasok, sa studio, may runaway pala dito.. At nag uumpisa na..

Tinitigan ko siya at nakatingin siya sa babaeng nag lalakad ngayon sa stage, alam ko ang mga ngiti na iyon galing sa kanya. Hindi ko maiwasang magselos at magalit sa babaeng mahal niya ngayon. Alam kong si Hera yan, dahil sabi sa akin ni Migo na nag iba na daw itchura niya.. Hah! Kung tutuusin walang binatbat ang babaeng yan sa akin, ako ang unang minahal ni Arsen. Hindi ako papayag na mag mahal siya ng iba

---
Nandito ako ngayon sa lungga namin..
Hawak hawak ko ang picture ng babaeng yon! At naiinis ako sa pag mumukha niya.. Ano bang nakita ni Arsen sa babaeng 'to.. Her face is so annoying.. Sarap niyang patayin!!, pinunit ko ang picture ng babaeng yon..

"Kyaaahh!!! Humanda ka sa aking babae ka!"

"Woah! Anong nangyayari sayo!?"

Tinignan ko siya ng masama.

"Kamusta na yung pinapagawa ko sayo!?"

"Madali lang naman makuha loob niya, pero itong ex mo, todo bantay sa mahal niya!"

"Gago wag kang mag sasalita ng ganyan sa harapan ko!"

"Hah! Bakit totoo naman ah!?"

"Gawin mo ang pinapagawa ko sayo!"

"Hindi madali ang pinapagawa mo. Monique!, lalo na't nandiyan si Arsen!"

"Wala akong pakialam, basta kunin mo ang loob ng babaeng yon, at ako mismo ang papatay sa kanya!"

"Sabi ko naman kasi sayo, ako na lang mahalin mo, mas gwapo naman ako sa kanya!, tsaka hihigitan ko yung pag mamahal na gusto mo!"

"Hoy Migo na monggoloid hindi tayo talo!, kinikilabutan ako sayo! Puta!"

"Tsk! Alam kong gwapo ako, ayaw mo lang aminin sa sarili mo!"

"Aba ang kapal din naman ng mukha mo eh noh!"

"Suusss baka nga crush mo na ako eh" sabay kindat..

"Yuck! Crush? In your dreams!"

"Bakit pwede naman yun ah! Crush mo ako mahal mo si Arsen.! Pwede yun! Stupid!"

"Stupid ka diyan! Kutusan ko lungs mo eh!"

"Oo nga pala! Yung pera wag mo kalimutan.!"

"Hindi kita tatakbuhan! Tumutupad ako sa usapan, gawin mo lang ng maayos yung trabaho mo!"

"Yes Boss!" 

"O baka naman... Ikaw ang mahulog sa kanya?" Nginitian ko siya ng nakakaloko.
Tinignan niya lang ako ng masama, hah! Di ako natatakot sayo.

"Landiin mo si Hera, tutal malandi naman siya!"

"Hindi ganon ang nakikita ko sa kanya!"

"Pinagtatanggol mo siya!? Migo! Wag mong gagawin na ikaw ang bumaliktad sa atin!" Nag sindi siya ng sigarilyo. At nag lakad siya papunta sa likod ko, at bumulong sa taenga ko.

"Bakit ko naman gagawin yon eh nasa sayo ang loyalty ko!, crush nga kita eh!" Loko talaga 'tong gago na 'to.

Humarap ako sa kanya

"Siguraduhin mo lang, dahil kaya kitang lagutan ng hininga."

"Pero sige papayag ako, lalandiin ko siya tulad ng sinabi mo."

"Magaling"

Not Bad To Fall In Love With You (ON GOING)Where stories live. Discover now