Chapter 18: Runaway♡♡♡

313 13 0
                                    

Nasa sasakyan ako ngayon, si Kuya parang baliw nakangiti na naman mag isa.. Ano bang meron dito?

"Kuya!? Magsabi ka nga ng totoo!? Nag cho-chongki ka ba!?"

Bigla niyang tinigil yung kotse. Shit muntik na akong mapasubsob ah.
Tapos bigla niya akong binatukan.

"Aray! Malakas yun ah!"

"Hoy! Itong gwapong mukhang 'to nag cho-chongki!? Umayos ka nga!"
"Eh kasi kahapon ka pa ganyan!, mukha kang ewan! mag hapon nakangiti tapos nakatingin sa kawalan!? Ano tawag mo doon!?"
Pinaandar niya na ulit yung kotse

"Wala ka kasing alam, kung bakit ako masaya!"

"Masaya!? Tologo!? Ano yan? O baka naman SINO? ayyyiiiee si kuya pumapag-ibig na naman, baka mabroken hearted ka na naman niyan ah!"

"Sira! Bumaba ka na nga!"

"Hoy! Panoorin mo ako mamaya ah! Rarampa ang pinaka maganda mong kapatid!"

"Maganda saan!?"

"Dito oh!" Sabay hampas ng likod ng aking palad sa baba ko..

"Sige na umalis ka na!"

"Pero papanoorin mo ako?"

"Sige na! Sige na! Isasama ko pa yung tropa! Pati pala si Mommy manonood!"

"K bye! Ingats kas!"

Sabay labas ng kotse at nag lakad na...
Papunta ako ngayon, sa library mag babasa na lang akong libro.. Nakita ko si Alec at Arsen sa loob.. Aba! Anong pumasok sa isip ng mga 'to at napadpad dito..?
Tinawag naman ako ni Alec.

"Hera"

Nilingon ko siya, tinawag ako ni Alec.. Kaya pumunta ako at umupo sa harap nila..

"Musta? Papanoorin ka namin mamaya ah!, Diba Arsen?"

"Oo!". Walang ganang sabi..

Bumulong naman ako kay Alec.

"Anong problema niyan?"

"Kinausap kasi siya ng parents ni Cleo, na pag kinasal na sila. Kailangan ang magiging anak nila lalaki!"

Napaubo naman ako don! Grabe wala pa ngang kasal! Anak agad! ..

Wala akong magawa.. Kaya aasarin ko na lang 'to si mokong. Kahit na badtrip siya.

"Psst!" Tinignan niya lang ako.. Nag babasa kasi siya ng libro.. Nung tinignan ko, yung libro pala na hiniram niya sa akin..

Tinitigan ko lang siya.. Tapos... Tapos... May naramdaman akong kakaiba.. Ito na naman yung pakiramdam na ito..! Gosh.. Biglang bumilis yung tibok ng puso ko. At napapatingin ako sa mata niya, sa ilong tapos sa labi niya..

"Wag mo akong titigan, baka matunaw ako!" Bumalik ang katinuan ko nung nag salita siya.

"Hoy! Hindi kaya! Kapal mo!" Nakita ko namang nag pipigil ng tawa si Alec. Kaya sinipa ko siya.. Umarte naman siya na masakit pero, mahina

"Tsk! Itanggi mo pa! Huli ka na!"

"Yabang neto!" Sabay irap sa kanya.. Pero nag blush ako nang kaunti.. Sana di halata..

Umupo sa tabi ko si Alec.
Tapos may binulong..

"Ang cute niyo tignan! Ayiieee"

Hinampas ko siya sa braso niya. Kainis 'to!..

"Manahimik ka nga diyan!"

"Suuss! Kinikilig siya!"

"Hindi kaya!" Kung tutuusin nakakainis! Sabay lakad na palabas!

Not Bad To Fall In Love With You (ON GOING)Where stories live. Discover now