Chapter 25: Girlfriend?

257 12 0
                                    

Nandito ako ngayon sa open field, nagmumuni-muni muna ako, mamaya pa ang class ko eh. At dahil wala akong magawa. Tinignan ko yung gallery. Napangiti ako nung makita ko yung picture ni ARSEN!??? teka paano ako nagkaroon ng picture ng mokong na yon.

Flashback...

Nag aayos na ako ng gamit ngayon, recess na kasi, nung palabas na ako biglang sumulpot 'tong si mokong!

"Oh bakit nandito ka!?" Iritang sabi ko.

"Nakalimutan mo na? Ililibre mo pa ako ng siomai! Tsk!" Sabay tingin sa ibang direksyon.

"Nag-bibiro ka ba? Akala ko bukas pa eh!" Nakangusong sabi ko.

"Mukha ba akong nag bibiro huh!?" Bigla naman niyang nilapit yung mukha niya. Kaya umiwas naman ako.

"Tsk! Oo na!!" Tapos nag lakad na ako papuntang cafeteria.

Nung makabili akong siomai pumunta ako doon sa table namin.

"Ang tagal mo naman!" Sabi niya.. Kainis 'to ah. Eh kung bigwasan ko kaya 'to.

"Edi sana ikaw na lang ang bumili!" Sabay irap, tapos nilapag ko na ang siomai!

Yun nga kumain na kami. At hindi ko pa ubos ang akin ubos na yung kanya!

"Bili mo pa ako!"

"Wow! Ah! Mokong-- este Arsen! Ayokong ubusin ang pera ko sayo!" Sigaw ko sa kanya.

"Ayaw mo talaga? Sige alis na ako!" Sinabi niya yon na may blangko ang mukha. Tapos tumayo na at naglakad. Agad ko namang siyang hinila. Naman!

"Sige na! Sige na! Bibili ulit ako!" Tapos para siyang batang masiglang bumalik doon sa upuan niya. Tsk.

Nung makabalik ako nakangiti siya sa akin.

"Oh! Kainis ka!" Tapos nilapag ko sa harap niya yung siomai. "Ge c.r lang ako"

Arsen's POV

Naiwan ako ditong nakain ng siomai. Hahaha. Kaya mahal ko ang babaeng yon eh. Gustong gusto ko siyang nakikitang naaasar! Wahahaha ang cute niya don.

Nang mapansin kong nandon yung phone niya! Teka! Pakialaman ko nga! Wala pa naman siya eh. Hehe. Nung mabuksan ko yon. Nakita ko yung wallpaper niya. Ang ganda talaga neto. Naisipan kong mag selfie doon, wehehe

Naka sampung selfie ako. Wehehe, ewan ko lang kung mainis pa yung babaeng yon! Hahaha.!

"Bakit hawak mo ang phone ko!" Nakataas na kilay na sabi niya.

"Ah- hehe! Wala lang! Tinignan ko lang, bibili kasi akong phone eh!" Pag papalusot ko

"Tsk! Akin na nga yan!"

End of Flashback....

Yung mokong na yon talaga.

"Hera!" Nagulat ako sa nag salita. Kaya mabilis kong naitago yung phone ko.

"Teyla? Anong problema?" Halata kasing kagagaling niya lang sa iyak.

"Si Anthony kasi..." Ay oo nga pala yung tungkol nga pala sa kanila. Nakalimutan ko ng itanong.

"Uhm? Teyla? May tanong ako" nakatingin lang siya sa akin. Kaya nag salita ulit ako. "Ah--- nililigawan ka ba ni kuya?"

Tumungo siya at tinanguan ako.

Not Bad To Fall In Love With You (ON GOING)Where stories live. Discover now