Chapter 22: Malas!

281 14 2
                                    

Lunes na, at gumising ako ng maaga para hindi ako ma-late sa flag ceremony... Kaso si Kuya nag papahintay sigurado akong male-late ako neto! Ang bagal niyan eh!

"Kuya! Amg tagal mo!" Sigaw ko sa baba, kasi nasa pintuan ako.

"Ano ba!? Kanina ka pa sigaw ng sigaw!" Sinabi niya yun habang bumababa ng hagdan.

"Wow! Eh ang bagal mo lang naman kasi!" Irita kong sabi sa kanya. "Bilisan mo kasi, ten minutes na lang... 7:00 ang flag ceremony!" Naiinis na talaga ako.

"Tara na!" Sabi niya, sabay labas na ng bahay. Nag mamadali akong sumakay ng kotse, male-late talaga ako neto! Ayaw kong ma-detention!

Yun nga pinaandar na ni kuya yung kotse niya, at ang malas lang kasi na traffic pa kami, si kuya naman tinawanan ako, palibhasa hindi takot ma-detention.

"Yan na! Late na talaga ako!" Sabay irap!

"Hayaan mo na, first time mo pa lang naman mapunta sa detention eh." Talaga lang!

"Hah! Humanda ka sa akin kuya!"

"Natakot ako!" Pang aasar niya! Kainis.

Ng makarating kami sa school, tapos na yung flag ceremony. Putcha!!!

DETENTION!!!!

May nakita akong teacher don, tinitignan kung sino yung mga late, eh kami lang ni kuya late eh!!! Buhay nga naman!

"Kayong dalawa! Late kayo! Pumunta na kayo sa detention!" Ang sungit talaga neto, palibhasa matandang dalaga!

"Ms. Mag babanyo lang ako, pero pupunta akong detention" pag papacute ni kuya, iisahan niya lang yang teacher na yan! At sigurado akong hindi yan pupunta doon!

"Bilisan mo!, ikaw ano? Umalis ka na! Pumunta ka na sa dapat mong puntahan!"

"Bye sister!" Pang aasar ni kuya! Sabi na eh!

Wala na akong magagawa, kailangan kong pumunta don, two hours pa naman yon. Papalapit ako sa detention, kinakabahan ako, ako lang mag isa dito.. Huhuhu... Wala pang tao natatakot ako.

Umupo ako don sa mahabang upuan, ang lamig dito kasi may aircon. Buti na lang.

Maya maya may nag text sa akin. Yung unknown number. Hindi ko pa nga pala alam kung sino 'to.

Unknown number:
'Hey'

Sino kaya 'to, ma text nga.

'Sino ka ba talaga? Paano mo nalaman number ko? Ikaw din ba nag bigay sa akin nung sulat?, ikaw din ba humalik sa akin?' 

Sent.

Maya maya nag text din siya..

Unknown number:

'Ayokong mag pakilala, nahihiya ako, hindi ako ang humalik sayo'

Nahiya pa daw ang loko!

'Secret Admirer ba kita?' Sent.

Tweet..

Unknown Number.

'Oo❤'

Itetext ko sana siya kaso, biglang dumilim! Ano 'to walang kuryente yung school, hindi yata nakapag bayad. Hahaha.. Nakakatakot ako lang tao dito.. Maiihi yata ako. Yahhhh! Bigla akong tumayo.. Para tignan kung may tao sa labas.. walang tao sa labas. Huhuhu... Natatakot na ako.. Naramdaman kong may tao sa likod ko. Tapos biglang hinawakan yung balikat ko!!!

Not Bad To Fall In Love With You (ON GOING)Where stories live. Discover now