Chapter 20: What the!!?

272 12 0
                                    

Papasok na ako ngayon sa school, ang bagal kasi ni kuya kung ano-ano (ano lang) hehe, pa ginagawa..Oo nga pala 1st runner si Cleo, at 2nd runner up si Teyla galing ng bestpwen ko! Haha.. Nung tinignan ko nga si Cleo nun, ang sama ng tingin niya, at hindi siya makapaniwala..,  Pag labas ko ng bahay nagulat naman sa nakatayo sa harap.

"Alec, anong ginagawa mo dito? Sabay ba kayo ni kuya papasok?"

"Ah.. Ang totoo niyan ikaw pinunta ko dito"

"Bakit?"

"Pwede ba kitang ihatid papuntang school?" Natawa naman ako bigla.

"Sige, bestfriend naman tayo diba?"

"Oo naman, bestfriend kita"

"Ayiiee ang swerte ko! Ang pogi ng bestfriend ko!"

Naglalakad na kami ngayon... Kwentuhan lang.. At nung nandito na kami sa school, ihahatid niya daw ako sa room ko.

"Ano bang oras ng klase mo?" Tanong niya.

"8:00 bakit?"

'Hi Hera, congrats sayo. "

"Hera Congrats!"

Nginitian ko na lang sila.

"Pwede bang sumabay ka sa amin kumain?" Tumigil siya, nandito na pala kami sa room

"Sa inyo? Baka sungitan ako ni Arsen!"

"Eh siya nga nag sabi na doon ka kumain eh."

"Ano yon?"

"Ah ano.. Sabi ko, hindi ka nun susungitan"

"Sige sabi mo eh"

"Sige pasok ka na sa room mo"

"Salamat sa pag hatid."

Yun nga.. History namin ngayon.. Hindi naman ako inantok, very light lang. Hihi. Habang nakikinig ako napatingin ako doon sa dumaan. Si Micoy, nginitian ko siya. Tapos siya naman kinindatan ako.. Gosh.. Ang gwapo niya talaga. Crush ko na siya. Ay ganon malandi lang.. Hahaha
Napapangiti ako mag isa.

"Ms. Clemente?"

"Ms.?"

"May problema ba?" Nako nahuli akong nangiti mag isa. Natutulad na yata ako kay kuya.
Tinignan ko naman yung buong klase nakatingin silang lahat sa akin.

"Ah- Ms. Wala naman po?"

"Okay, class do your assignment we will check that tomorrow, class dimiss."

Dumaan pa ang isang subject....
Recess na!.

Dali dali kong niligpit yung mga gamit ko. Pag kalabas ko, biglang sumulpot si Micoy.

"Uyy"

"Pwede bang sabay tayo mag recess?"

Ano bang isasagot ko?

"Ah eh.. Sige" Eh?

"Tara" pumunta kaming canteen at sabi niya siya na lang daw bibili ng pag kain ko, libre niya.

Nandito kami ngayon sa bago kong tambayan.. Yung may puno puno.. (Puno lang!)

"Kamusta?"

"Ayos lang"

"Sino nga pala yung lalaki kahapon?" 'Kunwari di ko alam'

"Ah yun ba? Si Arsen yun. Inaway nga ako nun kahapon"

"Bakit?"

"Wag mo na lang alamin"

Nakatitig lang sa akin si Micoy, nailang naman ako bigla..

Not Bad To Fall In Love With You (ON GOING)Where stories live. Discover now