Prologue

12.3K 349 26
                                    

Halimaw Ang Boyfriend Ko

written by:

Maja Bulatao

All Rights Reserved 2016

Say No To Plagiarism!!!

Plagiarism is a Crime

This is my work! my creation !my Story! and this is My Property. Do not Copy.

Note:

This is a work of fiction. Characters, Names, Place, Business, and Events are just a product of the author's mind or used in a fictitious manner. Any resemblance to a person living or dead is a coincidence.

********

A/N: so Hiii ^___^)(") .. muli na naman po akong nagbabalik ang author wanna be na ako Hahah..

Maraming thank you pala sa mga pagbasa at nagbabasa ng DARK SECRETS ..ko yey! at kung di mo pa nababasa p'wes basahin mo na! .. Charr Haha

So this is my first FANTASY/HORROR/MYSTERY.. with a bit of LOVE ... story charr HAHA.

Sana suportahan niyo ulittttt!! salamat ^______^

*********

"Isinusumpa ko sa ngalan ng kadiliman! Mula sa gabing ito! magdurusa ka habang buhay!"

Isang babae ang nakaluhod sa ilalim ng bilog na bilog na buwan. Sa gitna ng parang na nalulukob ng kadiliman. Sa tahimik na gabingdinig na dinig ang paglagaslas ng mga dahon ng mga punong hinihipan ng malakas na hangin.

"Luro Deus Tenebris!"

"Luro Deus Tenebris!"

"Luro Deus Tenebris!"

Paulit-ulit niyang bigkas sa isang salitang Latin. Palakas ito ng palakas sa bawat pagbigkas na ginagawa niya. At sa bawat bigkas niya ng salitang iyon ay mas lumalakas din ang ihip ng hangin.

Maya-maya pa ay lumatang sa ere ang babaeng kanina ay nakaluhod. Nilipad ng hangin ang kanyang mahabang buhok. Ang suot niyang palda ay tila umaalon-alon din kasabay ng ihip ng hangin.

"Luro Deus Tenebris!"

Pinakamalakas na pagbigkas niya sa mga salita. Matapos non gumuhit ang matatalim na kidlat sa kalangitan at umalingawngaw ang napakalakas na kulog sa buong kapaligiran.

Isang napakalakas na halakhak ng babae ang maririnig kasabay ng ingay ng langit.

********

Marcos POV.

Isang malakas na pag iyak ng bata ang aking narinig

"ay nako kay gwapong bata ereng anak mo Marcos.. Tisoy oh!" wika ng kumadrunang nagpaanak sa aking asawa ng makita niya ang paglabas ng una naming anak ni Scarlet.

Samantala sa kasabay ng pag iyak ng bata ay siya ring pag lakas ng kulog na maririnig sa buong paligid ng mga oras na ito. Sa hindi malamang paraan ay sobrang sama ng panahon.

"HesusMariaHosep" sambit ng kumadrunang kasama ko sa kanyang pagkagulat.

Pinagmamasdan ko ang batang iniluwal ng aking asawa. Napakaliit pa nito at tunay nga napakaamo ng mukha mapula ang mga labi niya at mahaba ang mga pilikmata niya at bagamat sanggol pa lamang ay kita mo na kung gaano katangos ang ilong niya "Naku anak, mukha yatang marami tayong paiiyaking babae ah". Labis labis ang saya na aking nadarama na tila wala ng mapag sidlan.

"Mark... Mark ang gusto kong ipangalan sa kanya .. Kasunod ng pangalan mo" wika ng aking asawa habang kalong niya sa kanyang bisig ang aming anak.

"Mark Skyler Francisco .. napakagandang pangalan para sa napakagwapong bata" sabi ko at nangiti ng sobrang tamis..

*****

[A/N :.

wahhh sana may pumansin ^^,)v

** mhaja-ro22 **

HALIMAW ANG BOYFRiEND KOWhere stories live. Discover now