Chapter 33

1.9K 67 14
                                    

Cristine's POV

"Mark" tawag ko sa pangalan niya.

At kung ano ang nakita ko ay siyang dahilan ng pagka gimbal ko.

Nakikipaghalikan siya sa isang babaeng kamukha ko. Gulat siyang napahiwalay doon sa babae and the same time ay nilingon niya ako. Halata sa itsura niya ang pagtataka. Papalit-palit ang tingin niya saaming dalawa. Nagtatanong ang mga mata nitong nakatingin sa akin.

"Mark lumayo ka sa kanya" sigaw naman ni Deansel. Nasa likuran ko sila kasama nila sila Mama, Sheen at France.

Kanina noong tinulungan ako ni Lola Melva sa pagtakas ay dumiretso ako sa may kakahuyan. Lakad, takbo... Lakad, takbo ang ginawa ko. Mas pinili ko na lang na maglakad sa loob ng kakahuyan kaysa sa labas. Mas madali ang makapagtago sa masukal na damo kung kaya't mas pinili ko rito kaysa sa kalsada. Hanggang sa makita ko ang apoy na ginawa nila. Kaya agad-agad akong tumakbo papalapit sa kanila.

Tinanong ko kung kasama nila si Mark, kaya hinahanap namin siya. And ito ang natagpuan namin. Siya na nakikipaghalikan sa isa pang ako.

Agad naman na lumayo si Mark sa isa pang ako. He was so confused base sa itsura niya ngayon.

"Sino ka! B-bakit kamukha kita!" lakas-loob kong tanong sa babaeng kamukha ko.

Unti-unting umukit ang isang ngisi sa kanyang mukha. "Napakahusay hindi ba Cristine, kuhang-kuha ko ang bawat detalye mo. Hindi na nakapagtataka dahil ako ay ikaw at ikaw ay ako" tinitigan ko siya tama nga siya kuha niya ang bawat detalye ng kabuuan ko. Para akong nakatingin sa salamin.

At kung iisipin na ang sexy ko pala kapag naka two piece. No scratch that, I'm hot.

Pero sandali lang muna, sino ba kasi ang nilalang na ito na ginagaya ako.

"Hindi ako, ikaw! Sinungaling ka!"

Humalakhak siya ng ubod lakas. Nakakabingi na para bang nanunuot ito sa kailaliman ng tenga ko. Napatakip ako ng aking tenga gayon din ang mga kasama ko subalit wala itong epekto.

Nang mawala ang nakakabinging halakhak na iyon ay ibinaling kong muli sa kinalulugaran nila Mark, at ng kamukha ko ang paningin ko. Hawak niya na ngayon si Mark at wala siyang malay. Dahan-dahan nag-iba ang itsura ng babaeng kamukha ko, para siyang isang bagay na nag-e-evaporate dahil sa itim na usok na nasa buong katawan niya kasabay noon ay parang nabubura ang anyo ko sa pagkatao nito at unti-unti ng nag-re-reveal ang totoong itsura niya. Crisanta.

"Nakatakas ka man ngayon Cristine pero babalik at babalik ka saakin." Ibinaling niya ang kanyang atensyon kay Mark na ngayon ay nakahiga sa ibabaw ng isang bato at wala pa ring malay.

"Ate tama na, itigil mo na ito? Wala na si Scarlet. Makapangyarihan ka na sa lahat ano pa ba ang gusto mo?" ani ng aking ina.

Tumawa muli ito "Kulang pa ang lahat ng ito Crizilda, hindi pa ba halata kong ano ang gusto ko? Gusto kong maging malakas, makapangyarihan, gusto kong katukan nila akong lahat. Gusto ko ako ang masusunod, gusto ko ako ang maghari sa mundong ito. At ilang araw nalang makakamtan ko na ang lahat ng iyon."

"Malala ka na Crisanta!" sigaw ni Deansel at may kulay puting liwanag na may dumadaloy na kidlat ang nabuo sa kanyang palad. Itatapon na sana niya ito sa kinalulugaran ni Crisanta ng bigla nalang may mabilis na itim na usok ang pumalibot sa katawan ni Deansel at hindi na siya nakagalaw dahil ginapos na siya nito.

Ganoon din sina Mama at Akane.

"Ano ng gagawin mo Cristine, isa ka lang mortal. Walang kapangyarihan, walang silbi. Iyan ba? mas gugustuhin mo bang maging isang walang kwentang mortal. Hindi mo kayang ipagtanggol ang mga kaibigan mo."

HALIMAW ANG BOYFRiEND KODove le storie prendono vita. Scoprilo ora