Chapter 31

2.3K 79 11
                                    

****

Sheen

"Kuyaaaaaa!"

Sobra-sobrang takot ang nararamdaman ni Sheen ng paligiran siya ng mga halimaw na nilikha ni Crisanta. Nanabik ang mga ito sa laman ng kaawa-awang si Sheen.

Unti-unting lumalapit sa kanya ang mga nilalang na nasa harapan niya. Halatang halata ang pagkasabik nila sa mga itsura nila na nagtutulo pa ang mga laway ang iba naman ay takam na takam para bang napakasarap na pagkain ang nakahain sa harapan nila.

Tuluyan ng bumagsak ang mga luha na kanina pa nangingilid sa mga mata niya.

Maya't maya biglang may umatake sa kanya. Napahiyaw siya ng maramdaman niya ang pagpunit sa kanyang balat dahil sa kalmot ng isa sa mga nilalang na nakapaligid sa kanya. Tuluyan na siyan nawalan ng pag asa at tinanggap na lamang ang kapalaran na nag aabang sa kanya. Ipinikit niya ang kanyang mga mata. Tanggap na niya ang kapalaran niya kaya hinayaan niya nalamang ang mga halimaw na ito na makalapit sa kanya. At sa hindi niya inaasahan ay may mga kamay ang bigla nalang humablot sa kanya. Mula sa nagkukumpulang halimaw.

Ng idilat niya ang kanyang mata ay laking gulat na lamang niya na hindi na siya napapaligiran ng mga halimaw bagkus ay may isang likod ng tao ang nakita niya. At sa harapan nito ay ang mga halimaw na hayok na hayok sa laman ng tao.

Muli niyang binalingan ang nilalang na nagligtas sa kanya.

Kilala ko siya. Alam ko kung sino siya.

Unti-unti niyang inangat ang kanyang mukha upang kumpirmahin kung tama ang kanyang hinala. Ngunit nanlaki ang mata niya sa kanyang nakita.

Napaatras siya.

Hindi!

Hindi pwedi!

Hindi talaga, Hindi siya si Kuya,

P-pero b-bakit suot niya ang damit ni Kuya? Bakit suot niya ang hoodie na iyan. A-alam ko dahil ako mismo ang bumili noon. Ako mismo ang nagbigay sa kanya. I-iyon ang regalo ko noong pasko. Kaya hindi ako pu-pwedeng magkamali.

Gulong-gulo ang isip niya. Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya kung tatakbo ba siya palayo o kaya naman ay kakausapin ito. Para siyang naging estatwa sa kinatatayuan niya.

Maya't maya ay bigla nalang sinugod ng mga halimaw ang taong nasa harapan niya. Halos palibutan nila ito. Maya't maya ay may tumitilapon palayo sa taong nasa harap niya. Hanggang sa nagsidatingan na ang ilang kasama nito. Pero si Sheen ay nanatiling nakatulala at akala mo e walang nangyari sa harapan nito.

Dumating sina Crizilda, Deansel at Akane kasama nila si Francisco. Tinulungan niya si Mark sa pakikipag laban sa mga halimaw ni Crisanta. Samantalang si France naman ay tumakbo papunta sa tigagal at wala sa huwisyong si Sheen.

****

Mark's POV

"Para saan naman ito?" tanong ko kay Deansel este Erius ng inabot niya saakin nag isang bagay na nakabalot sa itim na tela.

Nakaupo kami sa isa sa mga puno na nadaanan namin para kumain muna. Naglalakad lang kasi kami ng naglalakad. Sinabihan ko na lang kasi itong mga kasama kong madyikero na mag adavara kadavara nalang para makarating kami kaagad sa pupuntahan namin pero sabi nila iwasan daw namin gumamit ng mahika hanggat maari para hindi malaman ni Crisanta na narito na kami sa bayan ng Evilia. Ang sabi sa akin nina Deansel este Erius na hindi naman daw Evilia ang pangalan ng bayan na ito dati kundi Sta.Rita pero pinalitan ito ni Crisanta ng Evilia simula noong nilamon na siya ng kasamaan. Kaya Evil na Evil ang datingan. Parang hell lang ang dating! Bwesit siya.

HALIMAW ANG BOYFRiEND KOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon