CHAPTER 9

3.3K 132 1
                                    

Cristine's POV

"Bwesit talaga!" pamamaktol ko dahil talaga namang naiinis na ako dito sa system na ginagawa ko. Nakakinis puro debug sa tuwing iru-run ko yong program.

"Hoy ba't pa imbiyernang-imbyerna ka d'yan!" tanong sa akin ni Isko na nakahiga sa kama ko habang kinakalikot ang cellphone niya.

"Kainis kasi 'tong system na ito ang daming arte!" sagot ko sa kanya.

Maya't maya ay may kumatok sa pinto. Tatayo na sana ako para buksan ng pigilan ako ni Isko.

"Me na bes .. sige na tapusin mo na yang ginagawa mo" pag pipresenta nito para buksan ang pinto. Dagli naman siyang lumabas at bumaba ng hagdan na dinig ko pa ang pag-kalabog ng hagdan na akala mo e may bumababang higante.

Ilang sandali pag bukas niya ay bigla na lang siyang sumigaw.

"Ahhhhhhhhhh!!!!"

Dali-dali naman akong bumaba para tingnan kung ano ang nangyari.Pagdating ko sa baba ay bigla naman niyang sinara ang pinto na lumikha ng malakas na ingay.

Saka ito humahangos na humarap saakin. Na sumandal pa sa likod ng pinto.

"Hoy! bes sino ba 'yun huh!" nakakunot noo'ng tanong ko.

"Bess .. may gwapo sa labasssss ahhhhh!" nagtitiling wika nito na bahagya pang inipit ang boses para hindi halata.

"Tsk! umalis ka nga dyan!" sabi ko sa kanya at itinulak siya para mabuksan ko ang pinto.

Siya naman parang na estatwa na at nakatingin na lang sa kawalan na parang nag-iimagine. Para siyang nakakakita ng bituin sa umaga.

"Ang OA huh!" sabi ko at binuksan muli ang pinto. Bumungad sa akin ang mukha ni Mark.

Tsk! siya lang pala.

"Ikaw pala .. Pumasok kana para matapos na natin 'yong system." sabi ko kaya naman ay pumasok na siya.

Isinira ko ang pinto at nandoon pa din si Isko na nakatulala habang nakangiti.

"Hoy bakla! tama na ang drama." sabi ko kay Isko at saka si enalog. Tsss ang OA.

"Hahah .. sosyal ka bes huh! akalain mong binibisita kana pala ngayon nitong si Mark!" sabi nito sa akin at kinikiliti pa ako sa aking tagiliran.

"Ano ka ba Isko , hindi ba siya nga 'yong partner ko sa thesis natin natural napunta siya dito kasi nga dito namin ginagawa 'yong system duhhh!" sabi ko sa kanya atsaka siya sinamaan ng tingin.

"Ahh .. Oo nga pala . O siya mauna na ako at kailangan ko na din palang tulungan ang maldita kong partner na si Jacel Shang. So paano iwan ko na kayo dito .. Hmmp behave huh! kapag project, project lang ang gawin Hahah." sabi niya at tinitigan ako ng may pahiwatig kaya gaya kanina tinapunan ko siya ng masamang tingin.

"Lumayas ka na nga!" sabi ko at ipinag-tulakan siya palabas ng pinto. Naglakad naman na siya palayo kaya muli ko nang isinara ang pinto.

Nang makaalis si Isko ay ibinaling ko naman ang atensyon ko kay Mark na noon ay nakatingin lang pala sa amin ni Isko at nakangisi.

"Ngingiti-ngiti mo diyan!" pag-susungit ko sa kanya.

"Nakakatuwa naman pala 'yung kaibigan mo" sabi nito na hindi pa rin nabubura ang mga ngiti sa mga labi

"Tssk! wag mo na lang pansinin 'yung baklang 'yon! baliw kasi siya " sabi ko at saka siya inakay papunta sa kwarto ko. Andon kasi 'yong computer ko diba ..

"Umm see" sabi niya lang saka sumunod saakin.

"Ok ka lang ba?" tanong ko sa kanya ng mapansin ko ang pamumutla niya na para siyang pagod na pagod.

HALIMAW ANG BOYFRiEND KOWhere stories live. Discover now