Chapter 30

2.2K 76 27
                                    

Present

Cristine ~~~

Naupo ako sa isang sulok ng kulungang bakal na ito. Hindi ko alam kong anong oras na o kaya naman ay maliwanag pa ba. Napakadilim kasi sa kinaroroonan namin ni Jacel ngayon at tanging ang mga liwanag ng maliliit na ilaw ng kandila ang nagbibigay liwanag dito sa loob. Wala man lang ni isang bintana. Pero hindi mainit dito, marahil ay saklaw na ito ng kapangyarihan ni Crisanta.

Nararamdaman ko na rin ang pagkalam ng sikmura ko. Nagugutom ako. Bwesit na babae yon nakakainis. Wala ba siyang balak na pakainin kami nitong si Jacel. Pero kung sakali bang pakainin niya kami kakainin ko ba? Hmp, wag na baka may lason pa! Titiisin ko na lang ang gutom ko, okay lang kahit mamatay nalang ako sa gutom kaysa naman mamatay sa kamay niya. Bumuntong hininga na lamang ako, hindi ko akalain na kadugo ko pa ang gagawa sa akin ng ganito. Kung noon ay di ako naapi ng kung sinu lang ngayon mismong tita ko pa ang nang-aapi saakin.

Inangat ko ang tuhod ko at ipinatong doon ang mga braso ko saka ko idukmo ang ulo ko. Nagugutom na talaga ako, tatlong araw na kaya akong hindi kumakain.

Maya't maya pa ay bumukas ang isa sa mga pintuan at iniluwa noon ang isang matandang babae, at iyon ang babaeng manghuhula sa panaginip ko. Ang babaeng tinulungan ko.

Gulat akong niyakap ang tuhod ko at matiim siyang tinitigan.

"Ikaw, a-anong ginagawa mo d-dito s-saka... Totoo ka?" tumango ang matanda at idinikit nito ang isang daliri sa kanyang labi.

"Sshht, wag kang maingay... Baka marinig tayo ni Crisanta, ito oh may dala akong tinapay baka kasi hindi ka pa kumakain. At iyong panaginip mo noong nakaraang araw.. wag kang mag-alala Hija, gawa-gawa lang iyon ni Crisanta para takutin ka" Inabot niya sa akin ang isang supot na hawak niya sa isa niyang kamay. At ang isa na naman ay ibinigay niya kay Jacel. Dali-dali naman itong kinuha ni Jacel at kumuha sa loob ng supot ng tinpay saka niya ito isinubo.

"La, tubig po meron kayo?" tanong ni Jacel na hindi pa niya nauubos ang nasa bibig. Hindi mo akalain na ang mayaman at sosyal na Jacel ay may pagka-jologs din pala pag dating sa ganitong kalagayan.

"Ah o-oo nga pala, sige ineng antayin mo ako at babalik agad ako... Pupuslit pa ako kay Crisanta. Sya, ikaw na ang bahala magpakilala sa akin rito sa kaibigan mo huh, at kailangan ko ng magmadali bago pa man makabalik si Crisanta."

"Sige po La, mag-ingat po kayo. Wag niyo pong kakalimutan ang tubig."

Tumngo nalang ang matanda at saka nagmamadaling lumabas ng kwarto.

Nagtataka kong binalingan ng tingin si Jacel. "Sino siya?" tanong ko.

"Siya si Lola Melva, siya ang nagbibigay ng pagkain sa akin dito kapag wala si Crisanta. Siya ang kasa-kasama rito ni Crisanta alam mo na parang maid, ganon. Pero mabait siya kaya alam ko na walang lason ang binibigay niya. Ayaw niya din kay Crisanta iyon nga lang wala daw siyang choice dahil kung hindi siya susunod kay Crisanta ay papatayin raw nito ang kanyang apo. At tuluyan na niyang hindi makikita kahit kailan, at sabi pa niya base sa mga kwento niya lahat ng tao dito sa bayan nila ay takot kay Crisanta, dahil lahat ng lalabag sa utos niya ay may katumbas na parusa" tumigil muna siya saka kumagat muli sa hawak niyang tinapay. Ng makalunok siya ay nagsalita siya ulit" saka, ang alam ko sa labas ng bahay na ito ay may nagbabantay na mga halimaw na nilikha ni Crisanta, kaya hindi tayo basta basta makakalis dito, sinubukan ko na kasing kuntsabahin si lola para makatakas dito pero, ang sabi niya kung hindi daw ako mamatay sa kamay ni Crisanta maaaring mamatay ako sa mga halimaw na nagkalat sa labas.. Iyon daw ay ang mga taong pinarusahan niya ginagawa niya itong mga kasangkapan para sa mga nagnanais kalabanin siya." nakakunot ang noo ko, ganoon na kasama si Crisanta, ng dahil lang sa pag-ibig na ipinagkait sa kanya nagawa niyang saktan ang lahat at idamay! "She's a mad woman," tumango-tango pa ito habang nanguya.

HALIMAW ANG BOYFRiEND KOWhere stories live. Discover now