CHAPTER 7

3.5K 176 13
                                    

Mark's POV

Nang makaupo kami sa damuhan ni Cristine ay napansin ko na lamang ang pananahimik niya.

I was amazed, kaya niya palang manahimik. Isang ngiti ang sumilay sa aking pisngi not knowing that this woman has another side.

Well, women are difficult.

"Cristine .. ayos ka lang?" tanong ko sa kanya at hinawakan siya sa kanyang mga balikat. I feel her warm blood flows from her veins. Tumingin lang siya sa akin ng diretso saka tumango.

"Seryoso ka? Wala ka bang lagnat o sakit o ano pa man?" pangungulit ko sa kanya as I touch her forehead and neck.

"Wala ang kulit mo!" sabi nito at tinabig ang kamay ko.

"Sorry na .. concern lang naman ako mamaya may masama ng nangyari sa Honey ko" oo ganyan talaga ipag-diinan natin ang Honey ko ..

"Seriously? .. sige push mo yang Honey, honey mo sisipain na talaga kita papuntang pluto! Ng dahil diyan napalabas pa tuloy tayo." sabi nito sa akin at may kinuha sa bag niya.

"Hmm .. total lang din naman pinalabas tayo lubusin na natin." sabi ko at hinala sya patayo.

"Huh ? e ano na namang binabalak mo?" kunot-noo ang tanong niya.

"Ahm labas tayo tapos kain tayo 'nong kulay yellow na tinuhog ng stick na may itlog sa loob tas sinasawsaw sa suka.. yon" sabi ko sabay ngiti.

"Tsk! kwek kwek tawag doon haba haba ng sinabi mo!" aniya habang pinapagpag ang paldang suot.

"Ah-ano ? Kuwe -kwek-kwek? .." ako

"Kwek-kwek!!" ayan na naman po siya nag su-sungit na.. ano ba naman tong babaeng to parang araw-araw nireregla sa kasungitan.

"Ahhh Oo. kwek kwek.. yon nga hehe... So ano tara na? nakita kasi kita dati bumibili noon.. di ko pa natikman yon e" sabi ko .. sa totoo lang naman di ko pa talaga natitikman yun. Wala kasi ganoon sa US.

"Masarap 'yon .. try mo!" sabi nito at agad naman kaming lumabas ng gate at hinanap ang mama na nagbebenta ng kulay yellow na tinuhog ng stick na may itlog sa gitna tas sinasawsaw sa suka. YON!

*****

Cristine's POV

Kasalukuyan kaming naglalakad at hinahanap si manong na nagbebenta ng kwek kwek .

Itong si mokong kasi hindi pa daw nakatikim ng kwek kwek ever! . O diba sosyal siya. Wagas pa makadefine ng kwek kwek. Yung kulay yellow na tinuhog ng stick na may itlog sa gitna tas sinasawsaw sa suka. Oh diba! pak na pak.

"Ayon siya.."sabi ko sabay turo doon sa nagbebenta ng kwek kwek kay Mark.

"Unahan tayo. Mahuli siya manlilibre" sabi niya sabay takbo papunta kay manong.

Talaga ba! Patakbuhin pa ako ng mokong na'to. As if naman kaya ko pa siyang habulin e pagkasabi palang niya ng "unahan" tumakbo na! ang daya!.

"HAHAHA.. Ikaw magbabayad.. manong magkano po ba yang kulay yellow na yan" sabi niya ulit .

"Alin Hijo?" tanong ni manong sa kanya

"Yang kwek. kwek po manong" sagot ko naman.

"Ahh kwek kwek.. tatlong piso isa." sagot naman ni manong.

"Ahh .. bigyan mo po ako ng sampo" sabi ni mokong saka na tila nagniningning pa ang mga mata ."saka manong lagyan mo na po ng suka"

Inabot sa kanya ni manong ang kwek kwek na nakalagay sa isang foil; pinag-kiskis pa niya ang mga kamay bago abutin iyon.

HALIMAW ANG BOYFRiEND KODonde viven las historias. Descúbrelo ahora