CHAPTER 1

7.7K 240 9
                                    

Cristine's POV

"Bes! ayyy bessssss! bes .. bes! bes!" nagtitiling tumakbo papunta sa kinaroroonan ko ang baklang kaibigan ko.

"Hoy! Isko.. tumahimik ka nga para kang hinahabol ng sampung demonyo jan ah!" bungad ko sa kanya.

"Ay oa! huh .. grabe naman yang Isko na iyon.. Cheska sabi e .. Cheska!" malanding wika nito saka nagpost pa na animo nagmo-model ang loka! loka.

"Duhh! Cheska ka jan... Saka ano na namang nangyari jan sa mukha mo! nakikiuso ka na naman! Killer Clown lang bes!" puna ko dito dahil sa kapal ng make up niya.

"Ay grabe huh! kung di lang kita bestfriend sinipa na kitan papuntang pluto!" sabi nito at inirapan ako.

"Ano ba kasi ba't ka naparito?!" tanong ko sa kanya at naupo sa tabi niya sa may bakanteng sofa.

"Ay oo nga pala bes! Dumating ng ang oh-so-hot and handsome na successor ng nagmamaldito at nagmamayamang Don Gustavio Funtanella! ahhhh emm! .. wafu bes as in laglag panty mo pag nakita mo!" malanding wika nito na akala mo ay kinkurot ang singit.

"Si Mark Skyler Francisco?" gulat kong tanong sa kanya

"Ay bruha! sino pa ba ?! .. Alam mo ikaw may pagka boba ka din minsan e!" sabi nito at pinaypay ang hawak niya ang pamaypay and wag ka with poise!

Lumapit naman ako sa kanya at agad ko siya binatukan!

"Akala mo naman kung sino kang matalinong bakla ka!" sabi ko at sinamaan siya ng tingin.

"Ara-aarayyy! .. maldita ka huh! sisirain mo pa ang hairdo ko! alam mo bang inabot ako ng ilang oras bago ko ma achieve yang hairdo na iyan! tapos sisirain mo lang! Hindi kana nahiya!" sabi nito na halos lumuwa ang mata na sinlaki ng mga bola ng golf. Ok OA ako doon sa golf ball thingy.. siguro ang bola ng jackstone .. ganon! ganon.

"Tse! Lumayas ka na nga!" sabi ko skanya at ipinag-tulakan siya palabas ng pinto.

"Hooyy! imbyerna kang bakla ka!tandaan mo ito Cristine Shannel Laum balang araw luluhod ang mga tala!" sigaw nito mula sa labas ng bahay.

"Gago kumain kana gutom lang iyan! Wag kasi puro landi! tsk !" sigaw ko sa kanya.

Ng umalis na siya ay nakaupo ako muli sa may sofa.

"Mark Skyler Francisco" bulong ko..

Limang taon lamang ako noon ng una ko siyang makilala. Kaso umalis din sila at nag-ibang bansa.

After 12 years...

Ngayon lang ulit siya balik sa lugar namin.

Dito sa bayan ng Mapayapa.

"Ano na kayang itsura niya ngayon? .." tanong ko sa sarili ko!

Mayabang

Antipatiko

Matapobre!

Ilan lamang sa mga naiisip kong ugali nito. Natural halos lahat naman ng mayayaman ganyan ang pag-uugali! Masyadong selfish!

Tsk -_- !

Ba't ko nga ba siya iniisip..

"Hayy naku .. nakakakilabot talaga yung nakita ko kanina sa may palengke!" napaigtad ako ng marinig kung nagsalita ang aking ina mula sa may pintuan galing siya ng palengke.

Lumapit ako sa kanya at kinuha ang ilan sa mga supot na bitbit niya!

"Ano po ba yon Ma?" tanong ko sa kanya.

"Hay naku! Anak nakita ang anak ni Dolores na patay. Halos said daw ang dugo ni halos matuyo nga ang katawan niya anak e .. alam mo yung parang pinigaan talaga.. buto't balat lang ang natira." pagkukwento ng aking ina.

"P-po?! e ano klaseng nilalang naman ang maaaring gumawa sa ganoong bagay?" tanong ko sa aking ina habang inaayos namin ang mga pinamili niya.

"Palaisipan nga din anak e! bulung-bulungan nga diyan sa labas na baka raw aswang o halimaw ang may gawa noon!" sagot ng aking ina.

"Ma naman .. naniniwala ka ba sa ganoon .. 2016 na oh . ilang buwan na lang magpapalit na naman tayo ng kalendaryo" usal ko.

"Eh alangan naman anak anong klaseng tao naman ang maaaring gumawa noon.. Kung hindi halimaw ?" sagot niya sa akin.

"Abay malay ko ho! baka yung mga nag-aadik jan. baka napagtripan lang nila si Amy! alam niyo naman po yun kung manamit halos kapiraso lang ang tinatakpan!" saad ko.

"Ahy basta anak kung ano man iyon.. Mag-ingat ka. Wag ka nang magpagabi sa daan pag-umuuwi ka mahirap na." sabi sa akin ng aking ina.

Naglalakad ako malapit sa kanya at mula sa kanyang likuran ay niyakap ko siya.

"Hmmp.. Mama talaga kahit naman di mo po sabihin sakin yun mag-ingat po ako palagi." sabi ko skanya.

***

Kinaumagahan..

"Ma, pasok na po ako!" pagpapaalam ko sa aking ina.

Kasalukuyan akong nag-aaral ng kursong BSIT. Bale nasa 2nd year na ako ngayong taon.

Nakasuot ako ng school uniform namin na mini skirt na kulay purple at blouse na ganun din ang kulay.

[A/N: paborito ko po kasi ang purple e haha]

"Manong bayad po oh!" abot ko ng pera doon sa driver ng tricycle na sinakyan ko.

Pagdating ko ng school namin ay isinuksok ko muna ang earphones ko sa aking tenga.Saka ako naglakad papasok ng hallway.

Habang naglalakad ako ay nag bobrowse ako sa facebook ko gamit ang aking cellphone. Lakad lang ako ng lakad ng bigla akong nagbunggo.

Aray!

*****

Slight Changes**

[A/N: woohh! pasensya muna kung maikli ]

vote -comment-share**

mhaja-rot22*

HALIMAW ANG BOYFRiEND KOWhere stories live. Discover now