Chapter 22

2.3K 89 7
                                    

***

"Meron, may paraan pa para mawala ang sumpa."

Yun ang huling narinig kong sinabi ni Deansel. Pagkatapos noon ay nag ikot-ikot na ang paningin ko at bigla nalang nagdilim ang buong paligid. Muli kong iminulat ang mata at laking gulat ko nalang ng makita ko ang pamilyar na pintura ng isang kwarto. Skyblue at puti, ang pintura ng kwarto ko, at ang mukha ni Doraemon na nakadikit sa dingding bilang wallpaper ko. Nasa bahay ako, sa kwarto ko mismo. Panaginip lang ba ulit yon.. Bakit parang totoo, ramdam ko ang pagod ng binti ko na para bang naglakad ng pagka layo-layo.

Napatingin ako sa relos na nakadikit sa dingding ko sa may bandang paanan ng kama ko. Alas-otso na pala ng umaga mamayang nine pa naman ang pasok ko kaya hindi ko kailangan magmadali.

Tatayo na sana ako ng maramdaman ko ang pagsakit ng aking ulo na para bang may hangover ako sa sobrang sakit. Pinilit ko pa ring tumayo kahit pa nahihilo ako at maging ang binti ko ay parang pagod na pagod na parang galing sa mahabang lakaran. Hindi ko ramdam ang puyat ko kaya malamang panaginip lang iyon, pero bakit ganun parang may parte saakin na sinasabing totoo iyon at may parte na sinasabing hindi.

Si Mark, nakita ko siya sa panaginip ko. Nakita ko mismo na naging halimaw siya na nag-iba ang anyo niya. Nagtatalo ngayon ang isip at puso ko. Gusto kong maniwala pero pinipigilan ako ng nararamdaman ko, ng nararamdaman ko para sa kanya. Pakiramdam ko ay may kung anong bumara sa lalamunan ko at sumisikip ang dibdib ko.

"Anak, ayos ka lang ba?" napatingin ako sa nagsalita. Si Mama. Hindi ko namalayan na nakababa na pala ako ng hagdan at ngayon ay nakatayo ako sa may kusina. Napalunok ako ng ilang beses bago ako makapagsalita.

"Um, O-opo ayos lang ako" naalala ko din na nakita ko si mama sa panaginip na iyon —kung panaginip iyon— isa siyang sorsera, sinabi din iyon ni Deansel, siya ang sorsera na kapatid ng sumpa kay Mark si Crisanta.

"Sigurado ka bang ayos ka lang anak?" tanong ulit niya. Habang inilapag ang mga pagkain niluto niya sa lamesa.

Tumango na lamang ako bilang tugon.

"Kumain ka na at baka ma-late ka sa klase mo"

Hindi na ako umimik kumuha na lamang ako ng plato at naglagay ng pagkain sa pinggan ko. Napatingin muli ako sa kanya, kung totoo man ang nangyari kagabi, bakit hindi ito sinabi sa akin ni Mama ... bakit niya itinago?

"Ma" tawag ko sa kanya tumingin naman siya saakin. Kasalukuyan niyang ibinabalik ang mga ginamit niya sa pagluluto sa may estante. Yong dalawang isip ko nagkakaroon ng dalawang isip kung itatanong ko ba sa kanya o hindi. " M-may kilala ka bang C-Crisanta?"

Napatigil si mama sa ginagawa niya ng marinig niya ang sinabi ko. Maari kayang totoo nga na kapatid niya ito? Totoo ang panaginip ko. Na ipinasilip nila Deansel sa akin ang nakaraan.

"Sa-saan mo nalaman ang pangalan na iyan?" tanong niya saakin na para bang ayaw niyang pag-usapan ang pangalang iyon.

"W-wala po napanaginipan ko lang" sagot ko sa kanya bago ako sumubong muli ng pagkain ko.

"Nandito siya" narinig kong bulong ni Mama.

"Sino po?" tanong ko sa kanya sa pagitan ng pagkain ko. Muli ay binalot na naman ng kuryusidad ang isipan ko.

"Si Crisanta." walang anu-ano sagot niya saakin.

Kilala nga niya si Crisanta, totoo nga ang panaginip ko.

"Sino po ba siya?" hindi ko alam pero gusto ko kasing siya mismo ang magsabi noon saakin, sa kanya ko mismo gustong marinig kahit pa alam ko na ang sagot sa tanong. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko kapag sinabi niya na sa akin. Magagalit ba ako, maiinis o magtatampo, pare-pareho lang naman iyon. Iintindihin ko ba siya o susumbatan.

HALIMAW ANG BOYFRiEND KOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon