CHAPTER 11

3K 128 8
                                    

Cristine's POV

Habang paakyat na ako ng hagdan para matulog ay ilang malakas na pag kalampag sa gate naman ang narinig ko mula sa labas. Sa tuwing gabi kasi ay nakaugalian na namin ng aking ina na ikandado ang gate para iwas sa mga kung anuman .. dalawa nalang kami ng aking nanay dahil matagal ng yumao ang aking ama paslit pa lamang ako noon.

"Tine.. buksan mo 'to" rinig kong sigaw ni Francisco, malayo-layo ang susunod na bahay dito sa amin so wala siyang pakundangan sa pag kalampag ng gate. Dahilan para magising ang aking ina.

Lalabas na sana ako ng marinig ko ang boses ng aking ina.

"Tine, sino ba iyan ba't ang ingay?" tanong niya sa akin.

"Si Isko po Ma, ewan ko nga ho kung bakit nandito 'yan ng ganitong oras" sagot ko saka binuksan ang pinto.

Dali-dali akong nag punta sa gate at pinag buksan ang aking kaibigan.

"Tine, m-may h-halimaw" sabi niya na humahangos pa.

"Ano! ayos ka lang ba ?" tanong ko sa kanya.

Sunod-sunod na pag-iling ang ginawa niya bilang sagot sa tanong ko.

"Pumasok ka na nga muna." pag-anyaya ko sa kanya na siya rin naman niyang agad pinaunlakan.

Nang makapasok kami ay pinaupo ko muna siya sa sofa.

"Ito Hijo, uminom ka muna ng tubig." sabi ni Mama sabay abot sa kanya ng baso na may lamang tubig.

"Salamat po tita Crizildaa" sabi nito at nanginginig pa ang kamay na inabot ang tubig na agad niya namang ininum.

"Wala 'yon ..sige at ako'y mamamahinga na .. Maiwan ko na kayo ni Tine dito" pagpapaalam ng aking ina

Tumango naman si Isko.

"Ano bang nangyari Isko?" tanong ko sa kanya ng ilapag niya ang baso sa lamesang nasa harapan namin.

"Cristine, alam kong hindi ka maniniwala p-pero totoo ang bali-balita.. Ako mismo nakita ko sa dalawang mata ko. Totoo siya bes, totoo talaga. Nakita ko siya, nakasalubong, nakatitigan ko pa ng mata bes! nakakatakot siya.." dire-diretsong sagot nito na dama mo ang takot niya.

"Ang ano?, alin ang sinasabi mong totoo?" naguguluhan tanong ko.

"Yong halimaw, 'yong sinasabi nilang halimaw, bes totoo siyaa Huhu.." sabi niya na nangingilid na ang mga luha at kinuyapos pa ang mga kamay kong hinawakan niya. Malalamig ang kamay niyang pisil ang mga kamay ko, habang nagkukwento.

"Ayos ka lang ba, baka naman isa ka na din sa mga nag-aadik diyan at kung anu-ano na ang nakikita mo," nakakunot noo ang sabi ko sakanya.

"Bes, sabay tayong lumaki .. alam mo yan! kilala mo na ako ever since .. imposibleng mag-adik ako!" sabi niya sa akin.

"Eh! kung gayon saan mo siya nakita aber?" tanong ko sa kanya.

"Bes naglakad nalang kasi ako kanina galing ako kila Jacel dahil takot na daw bumiyahe ang mga tricycle papunta dito sa atin dahil nga sa mga nangyayaring pagpatay!.. Napadaan ako doon sa Lawa ng demonyo! Doon bes, doon ko siya nakita, madugo pa nga ang mga bibig at kuko niya tila kakatapos lang mang biktima." sunod-sunod na sagot niya.

Habang ako naman ay pilit na prinoproseso sa utak kung maniniwala ba ako sa sinasabi niya o hindi. Pero kilala ko si Francisco alam ko kung kailan siya nagsisinungaling at nagsasabi ng totoo. Posible kaya? Posible kayang totoo ang sinasabi niya.

"O, tapos? anong nangyari?" tanong ko

"Ayon na nga natatakot ako habang naglalakad. Ikaw ba naman maglakad ng mag-isa and the fact na mahangin pa at puro mga huni lang ng kulisap ang maririnig mo, so 'yon diretso lang akong naglakad ng makita ko ang kotse ni Mark na nakapark sa may Devils Lake park .. Dali-dali akong lumapit sa kotse niya para sana i-check kung nandoon siya.. Pero naka-ilang hakbang palang ako ng lumitaw sa harapan ko ang halimaw na nanlilisik pa ang mga mata" pagkukwento niya sa akin. Nakatingin lang siya ng diretso saakin.

"Si Mark? A-anong ginagawa niya sa Devils Lake Park?" tanong ko sa kanya.

"Ewan ko bes, Hindi kaya ... O my god , siya ang biktima ng halimaw..?" nanlaki ang mga mata niya ng sambitin niya iyon.

Maging ako ay nakaramdam na din ng pangamba. Paano kung totoo nga ang halimaw? At si Mark ang naging biktima nito?

"H-huwag naman sana" sagot ko sa kanya.

"Bes p-pwede bang dito na lang ako makatulog.. Please, bes bukas nalang ako uuwi .. natatakot ako e" pagmamakaawa niya sa akin.

Tiningnan ko ang orasan na nakasabit sa dingding ng aming bahay. Mag a-alas-dies na pala. Kaya naman pumayag na ako na dito siya matulog.

"Sige dito ka na lang matulog, malayo pa ang bahay niyo dito at saka malalim na din ang gabi"

******

Mark's POV

Nagmamadali akong pumunta sa kung saan naka-park ang aking kotse. Ngunit bigla nalang bumulaga sa aking harapan ang kaibigan ni Cristine. Bahagya pang nag-cross ang mga mata namin. Pagkatapos noon ay ako na mismo ang bumitaw at dumiretso sa loob ng kakahuyan. Doon ko nalamang hinintay na makaalis siya bago ako pumasok sa aking kotse.

Nakilala kaya niya ako?

Ang katanungang naglalaro sa aking isipan.

****

Cristine's POV

Maaga kami pumasok ni Francisco kinaumagahan. Naglalakad kami papasok sa hallway ng nakasalubong namin si Mark na galing pa yata ng parking lot. Nakayuko itong naglalakad at inilalagay ang susi ng kanyang kotse sa bulsa ng kanyang backpack.

"M-Mark!" nanlalaki ang mga matang naibulalas ni Francisco ng maunyanigan niya ito. Gulat at tila hindi makapaniwala na nasa harap namin si Mark. Gayon din naman si Mark na tila napako sa kinatatayuan at gulat na binalingan ng tingin si Francisco. Bahagya pa itong nakanganga na nanlaki din ang mga mata.

"B-buhay ka!" biglang salita ni Isko na siya rin namang panunumbalik sa huwisyo ni Mark.

"Ah .. O- oo naman bakit?" sabi niya saka sinundan ng ngiti.

"Kagabi .. nakita ko kasing nakapark ang kotse mo sa Devils Lake Park. T-tapos nakita ko y-yung halimaw na duguan pa." sabi ni Francisco kay Mark.

"Halimaw? .. wala naman kasi akong nakitang halimaw kagabi noong bumalik ako sa kotse ko. Nagkayayaan kasi kami ng mga kaibigan ko. They decided that we'll just use one car, so iyon iniwan ko nalamang ang kotse ko sa may park kagabi." pagpapaliwanag ni Mark sa kanya.

"M-mabuti naman kung ganun akala ko kasi ikaw na ang biktima niya kagabi. Hoh!" isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni France matapos niyang sabihin iyon.

"Ahm .. See Isko sinabi ko na sa'yo e .. baka nagha-hallucinate ka lang kagabi kaya kung anu-ano na ang nakikita mo!" sabi ko naman kay Francisco.

"I know what I saw Cristine.. Kung ayaw mong maniwala na nakakita ako ng isang nilalang na puro balahibo ang mukha na may mahaba at matatalas na pangil at matatalim na kuko na kaya kang pira-pirasuhin, p'wes bahala ka! I'm not that goddamn crazy! I'm just warning you! Na totoo ang balita. Totoo ang halimaw na iyon Cristine! Totoo siya!" mahabang turan nito at padabog pang iniwan kami ni Mark.

Ngayon ko lang siya nakita na ganun ka seryoso.

"Problema 'non" sabi ko habang sinusundan pa ng tingin ang papalayong si Francisco.

"Mahal ka ng kaibigan mo Cristine .. Concern siya para sa'yo sa kaligtasan mo, kaya intindihin mo na lang siya."komento ni Mark na nasa aking likuran.

Tumango-tango lang ako.

"Tara na pasok na tayo" pag-aaya niya kaya naglalakad na kami papunta sa room namin.

Habang naglalakad ako ay ang mga sinabi ni Isko ang nasa isip ko.

Posible kaya ang halimaw na iyon. Paano kung tama si Isko. Magiging mapayapa pa kaya ang bayan ng Mapayapa. Ang lugar na aking kinalakihan.

******

Short Update .. Sorry guys.. Huhu

Comment kahit panlalait ayos lang.

Vote .. ayos na ayos din ..

HALIMAW ANG BOYFRiEND KOWhere stories live. Discover now