Chapter 14

3.4K 122 12
                                    

Christine's POV

"Is there any questions ma'am/sir?" huling tanong ko sa mga panelist matapos ang pag defense namin ng system na ginawa namin. Buti na lamang at hindi na sila muling nagtanong kaya naman nakahinga na ako maluwag. Dahil naisagawa naming mairaos ng maayos ang thesis kahit pa ilang na ilang ako kay Mark ngayon. Hindi ko alam pero parang may kakaiba sa kanya ngayon. Basta, yong tipong pag titingin siya saakin na nakangiti parang pakiramdam ko natutunaw ako. Pakiramdam ko nauubusan ako ng hangin sa katawan. Pabalik-balik sa isip ko yong mga sinabi niya kanina. Hindi ko alam pero ang saya-saya ko.

"Mula ngayon hindi ako papayag na may manakit pa sa'yo— Promise"

Napabalik naman ako sa reyalidad ng magsalita si Mark.

"Psst tara na" bahagya siyang lumapit saakin kaya pabulong niya itong sinabi habang kinukuha niya lahat ng folders at gamit na ginamit namin.

Hindi na ako umimik at tinulungan na lamang siyang mag-ayos ng mga gamit. Pagligpit namin ay lumabas na kami ng room. Pagkalabas na pagkalabas ko ay dumiretso agad ako sa CR para makapag palit na ng damit dahil sobra na akong naiirita kanina pa sa suot ko ngayon. At si Mark naman ay nagpunta na sa kung saan niya ilalagay lahat ng gamit namin.

Pagbukas ko ng pinto ng CR ay nakita ko si Jacel na nasa harapan ng malapad na salamin at naglalagay ng lipstick lumingon lang siya saakin tsaka ako sinundan ng tingin. Hindi ko na siya pinansin kundi ay dumiretso ako sa isang cubicle ng banyo. Tahimik lang akong nagpalit ng damit ng bigla kong narinig si Jacel na magsalita.

"Masyado na pala kayong close" sabi niya.

Alam ko na kaming dalawa lang ni Jacel ang nasa loob dahil pagpasok ko ay siya lang ang naabutan ko at wala pa naman akong naririnig na nagbukas ng banyo para pumasok. Kaya alam kong ako ang pinagsasabihan niya.

"Nino?" tanong ko.

Ilang sandali ng katahimikan lang ang namayani sa amin. Natapos na akong magbihis ay di pa din siya umimik akala ko ay hindi ako ang kausap niya kaya hinayaan ko nalang at di na muling nagtanong pa. Kaya naman lumabas na ako ng cubicle at bahagya pa akong nagulat ng makita ko siyang nakatayo sa harapan ng pinto ng cubicle at diretsong nakatingin sa akin.

"Si Mark, close kayo di ba? Ang sweet niyo kasi e, Seriously kayo na ba?" tanong nito saakin na walang mababasang emosyon sa mukha niya kundi SERYOSO.

"Ah— hindi bakit? magkaibigan lang naman kami." sagot ko. Sa totoo lang nahihiwagaan na talaga ako sa babaeng to.

"Nililigawan ka niya?" sabi ulit niya sa akin na seryosong-seryoso ang mukha. Ewan ko pero sa iba hindi naman siya ganito ka sarcastic mag-tanong liban saakin. Madalas kasi siya ikwento sa akin ni Isko at lagi niyang sinasabi na mabait siya pero bakit iba siya saakin.

"Umm ... hindi din" sagot ko at nagkibit balikat. Saka ako naglalakad papunta sa lababo na nasa harap ng malapad na salamin para maghugas ng kamay.

"Talaga?" itinaas niya ang isang kilay at mataman akong tinignan. Para bang may gusto siyang sabihin pero hindi niya masabi. "Okay!" saad ulit niya saka na siyang umaktong aalis. Pero pinigilan ko siya hinawakan ko siya sa kanyang braso. Medyo kasi lumalabas na naman ang pangalawang pagkatao ko.

"Ayoko sanang pakialaman ka kagaya ng pakikialam mo sa akin pero ... Ano ba sayo si Mark?" lakas loob kong tanong sa kanya. Tumingin naman siya sa akin ng diretso pero hindi siya naimik.

"Alam mo kasi Jacel .. napapansin ko kasi napaka sarcastic mo saakin. Unlike with others ... Bakit? huh! Isa pa di mo naman ako pinapansin dati hindi ba? So what's up with you and Mark?" pambasag ko sa katahimikan namin.

Pero hindi pa rin siya natinag sa kakatitig saakin para bang sinusuri niya kung gaano ako kadesperada malaman kung ano ang meron sa kanya kay Mark.

"Ok dahil sa natanong muna din naman I'll tell every single detail I know" sagot nito saakin at ipiniglas ang kanyang braso para alisin ang pagkakawak ko. Ngunit hindi pa rin niya inaalis ang pagkakatitig niya saakin.

HALIMAW ANG BOYFRiEND KOWhere stories live. Discover now