Chapter 21

2.4K 104 16
                                    

****

Ang Nakaraan.

Nanlulumo ako sa mga nasaksihan ko lalo pa nangsimulang kainin ni Mark ang nilalang na iyon. Para akong napako at walang ni anuman ang pumapasok sa isip ko. Wala talaga.

"Kailangan na natin umalis. Hindi na magtatagal ang mahikang ginamit ko" may awtoridad na wika ni Deansel pero para bang kahit anong pilit kong igalaw ay ayaw sumunod ng mga paa ko. Nakatitig lang ako kay Mark. Gusto ko siyang pigilan.. Gusto ko siyang tanungin, gusto kong malaman kung bakit? Kung bakit siya naging ganyan... Naging isang, halimaw. Gustong magwala ng kalooban ko! at naghuhumiyaw ang katanungan BAKIT? sa utak ko. Isang tanong na mahirap sagutin.

Maglalakad na sana ako papunta kay Mark ng maramdaman ko ang paghila saakin ni Akane. Nagpatiaanod na ako sa pagtakbo nila hanggang sa makarating kami sa isang parke. Hingal na hingal kaming naupo sa isa sa mga bench doon.

"A-ano ang nakita ko? Totoo ba iyon?" tanong ko sa kanila mula sa pagitan ng paghinga ko.

"Totoo iyon Cristine, totoong- totoo." si Deansel ang sumagot.

"Bakit? p-paanong siya ang halimaw? Bakit siya naging halimaw?"

"Malalaman mo ang sagot sa tanong mo mamaya" sagot ni Deansel..

Paksht! naman kailangan pa talagang mamaya. Kailangan ko ng sagot ngayon, nagmumukha akong tanga! Naghahalo-halo na ang damdamin ko. Nagagalit, naaawa at nasasaktan. Nagagalit ako dahil bakit ba hindi na lang nila sagutin ang tanong ko. Naaawa ako kay Mark. At nasasaktan ako dahil bakit si Mark pa... Bakit siya pa ang naging isang halimaw... Ang taong nagpapasaya sa akin nagparamdam na espesyal ako.

"Ito ba?... Ito ba ang dahilan kaya ayaw na akong palapitin ni Mama kay Mark?" tanong ko muli sa kanila sa pagitan ng mabibigat kong paghinga. Pero hindi ko inaasahan ang sagot niya. Umiling siya.

"Huminahon ka Cristine.. Maintindihan mo din ang lahat" kaswal na wika ni Akane.

"Hindi alam ni Mama ang tungkol dito?" tanong ko muli pero sa pagkakataong ito ay pinunasan ko ang mga luha ko at pilit na pinapakalma ang sarili ko.

"Hindi.." sagot naman ni Akane

"E, ano? Anong dahilan niya at pinapalayo niya ako kay Mark?"

"Malalaman mo, mamaya" tumayo si Deansel at muling lumabas ang puting usok sa kamay niya pumalibot saamin iyon pagkatapos ay bigla nalang nag-iba ang kapaligiran namin. Masyadong makaluma ito. Nilibot ko ng tingin ang paligid at napansin ko na hindi ganoon karami ang kabahayan rito. Halos ilang milya pa kalayo ang pagitan. Napakalawak pa ng bukirin at talaga namang napakaganda ng tanawin. Sa di kalayuan ay natatanaw ang kulay asul na bundok.

Habang naglalakad kami sa hindi pa sementadong kalsada ay napansin ko na sa gilid nitoy may mga halamang namumulaklak. Masasabi kong bihira pa ang mga sasakyan rito. Namamangha ako sa lugar na ito. Nakapayapa at napakaganda. Napakalayo pa sa sibilisasyon.

"Narito tayo sa nakaraan" walang anu-anong sabi ni Deansel at naglakad siya muli. Pansin ko rin na nasa ibang lugar kami ulit. Hindi ito sa Mapayapa. Hindi rin ito sa Maynila.

"Nakaraan?" nagtatakang tanong ko.

Tumango lamang siya. Problema ba ng lalaking to bakit hindi nalang nila ikwento sa akin ang lahat ng nangyari noon at kailangan pa niya akong dalhin dito. Hindi ba't limitado lang ang paggamit nila ng mahika.

"Kailangan mong makita ang bawat detalye para maliwanangan ka." sagot lang nito saakin na para bang nababasa niya ang nasa isipan ko.

"Nababasa ko nga ang nasa isipan mo" sabi ulit nito kaya naman napakunot ako ng noo. Paano na lang pala kung may kahalayan akong iniisip ngayon edi nalaman niya na. Yuck! grabe hirap pala kaibiganin nito. Wala kang maitatago.

HALIMAW ANG BOYFRiEND KOWhere stories live. Discover now