1- Freedom

95.9K 1.4K 35
                                    

Chapter One


"KEE, nagawa mo na ba ang gusto mong gawin?" salubong ni Yvette sa kanya, nakasuot na ito ng itim na leather jacket at leather pants. Her friend is ready and she needs to be ready as well. Napatingin siya sa kanyang mga daliri, wala ni isang palamuti na nandodoon dahil ibinalik na niya sa tunay na may-ari. It wasn't hers on the first place and she needs to let go of the past for her to move on. And these people, she watches her friends do their jobs, do the right thing, is her future. Kung anuman ang magiging kahihinatnan sa gagawin nila handa na siya.

"Yes." Tinanggal niya ang suot na black high heels at pinalitan iyon ng rubber shoes. Hinubad niya ang kanyang suot na dress at pinalitan ng leather jacket at pants katulad ng suot ni Yvette. "Nasaan na si Sydney?"

"Kasama ng mga pulis, they need Sydney there for surveillance."

Tumango siya sa kakayahan ng kaibigan niya siguradong magiging asset ito ng mga pulis. "Uly?" Malungkot na umiling ito sa kanya, alam niya ang ibig sabihin ng iling na iyon. "We need to trust Ulysses, Vette. I know we can trust him I put all my trust to him."

Bumuntong-hininga lamang si Yvette sa kanyang sinabi pero hindi na nagsalita laban sa kapatid nila. Alam niyang may rason kung bakit nagawa ni Uly ang bagay na ito naniniwala siya. Nakakatawang kung sino ang pinaka-unang nanghusga sa lalaking kinikilala nilang kapatid ay siya pa ang naniniwala pa rin dito hanggang ngayon.

"Here." Ibinigay nito sa kanya ang isang maliit na baril, she knew the gun she made it. It's a small gun where they can hide in any part of their bodies, hindi iyon nasesense ng kung anumang metal detectors dahil iba ang ginamit niya doon. Hindi pa niya naibibigay sa big boss nila ang design sa kanya lang talaga iyon at balak nga niya iyong sirain kaya lang nagbago ang isip niya. Magagamit pala niya iyon ngayon at hindi rin iyon pwedeng mapunta sa kamay ng mga masasam ang loob dahil siguradong gagamitin lang iyon sa masasamang balak nila. The power of the gun is comparable to machine guns. Kahit daplis lang ng baril ay pwedeng ikamatay dahil may nababalutan ng poisonous powder ang buong katawan ng bala ng baril. Tatlong bala lang ang meron doon dahil sa liit ng kaha pero pwede na iyon in-case of emergency.

Mula sa kahon na itinago niya sa ilalim ng kanyang kama ay binuksan niya iyon at kumuha ng isang normal na baril para at isinuksok sa likod ng kanyang suot na leather pants. "Get one." Utos niya kay Yvette na napapangisi habang nakatingin sa koleksyon niya ng mga baril.

"Wow, bakit hindi mo idinisplay?"

"Walang lisensya ang mga iyan gusto mong makulong nga tayo?"

Malakas na tumawa si Yvette pero bakas sa mga mata nito ang lungkot at takot na pilit nitong nilalabanan. "Bakit sa tingin mo ba anong mangyayari sa atin pagkatapos nito?" baling nito sa kanya. "It's either we die or we'll be rotten in jail."

Tama si Yvette, alam nila kung ano ang kahihinatnan nila kaya nga naghahanda na siya. Inaalala niya ang mukha ng lalaking iyon ng makita siya gusto niyang matawa dahil mukhang hindi nito inaasahan na makita siya kanina. Nandoon pa rin ang galit niya sa ginawa nito she will never forgive him for ruining her life and for ruining her everything. Dapat ay wala siya ngayon dito kung hindi lang nito sinira ang lahat at may gana pa talaga itong titigan siya ng ganoon? Mabuti nalang at hindi na magkukrus muli ang landas nila because she already gave up her past.

"How about these bombs?"

"Si Clime na ang bahala sa mga explosives it's her expertise."

Dare to Tame the Untamed (COMPLETED)Where stories live. Discover now