9- Selfish

31.7K 934 27
                                    

Chapter Nine


"Hi!" Masayang bati niya sa kasintahan ng makita ito sa restaurant kung saan sila magkikita. Ngumiti ito pabalik sa kanya at tumayo. "Kanina ka pa?"

"Hindi masyado." Humalik siya sa pisngi ni Mason. Matagal na silang magkasintahan ni Mason, hindi nito alam ang tunay na pagkatao niya dahil ayaw rin niyang malaman nito. Confident siyang pwede niyang itago ang pagkatao niya hanggang sa tuluyan na siyang makalaya sa sindikatong kinabibilangan niya. At ayaw din niyang mapahamak ang kasintahan kapag nalaman nito ang tungkol sa kanya. "Did you drive?"

"Nagpahatid ako kay Clime."

"That's good." Kinuha nito ang bouquet of flowers na nasa ibabaw ng mesa at ibinigay sa kanya. She doesn't really like flowers in particular, but she appreciate receiving them especially from her long time boyfriend. Nagkakilala sila ni Mason sa Los Angeles kung saan siya nag-aaral ng kolehiyo, classmates sila sa isang major at dahil parehong pinoy kaya agad na nagkapalagayan silang dalawa ng loob at naging magkasintahan. Sa LA ito nakabase, isa itong manager sa isang banko. May kaya ang pamilya ni Mason, hindi masyadong mayaman, hindi rin mahirap. Ang sabi nito ay mas mayaman ang kapatid nitong si Maurice dahil bata palang ay naturuan na ng lolo nila ng business. Walang ka-amor-amor ang kasintahan sa negosyo sadyang iba lang talaga ang hilig nito. At siya naman ay naging isang furniture designer, she loves her job dahil hindi na niya kailangan pang pumunta sa opisina araw-araw maliban nalang kung may client meeting.

"Thank you." Pinaghila din siya nito ng upuan. Isa ito sa dahilan kung bakit minahal niya ang nobyo, sobrang gentleman ni Mau. Kahit na sa Los Angeles ito lumaki ay hindi ito katulad ng iba na kapag masyado ng pamilyar sa isa't isa ay agad na humihingi ng kapalit. They've been dating for so long now to the point na siya na mismo ang nafrufrustrate ditto. She tried seducing him so many times but his control is too tight for her to loosen. He wanted to take her after their wedding and yes they have plans. They don't have that super grand wedding proposal she saw in movies and televisions. There's no need for that, usapan lang talaga. When he asked her if she wanted to marry her over the phone she gave him a yes and that's it.

Ayaw din niya ng sobrang garang kasal, civil wedding would do. Balak nilang magpakasal dalawang buwan mula ngayon and by that time they are going to settle in Los Angeles. Pwede din siyang doon maghanap ng trabaho. Gusto lang niya ng simpleng pamumuhay kasama si Mason and nothing else. She wanted to start a family with him as soon as possible.

"Umorder ka na ba?" tanong niya.

"Hinintay kita."

"Let's order then." They called the waiter and gave their orders.

"Gusto kong makilala mo si kuya Mau." Biglang sabi nito. "I want to tell them we are getting married." Excited nitong wika.

"Will he like me?" nag-alalang tanong niya. Base kasi sa mga kwento ni Mason ay may kasungitan ang kapatid nito. Kung ayaw nito sa isang tao ay talagang ayaw nito, mahirap i-please. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya nakikita kahit sa picture ang kapatid nito.

"Sino bang hindi magkakagusto sa iyo? He will like you for me babe." Hinawakan ni Mason ang palad niya at marahang pinisil.

"Paano kung ayaw niya sa akin?"

"Magugustuhan ka niya sigurado ako diyan." Natatawang ani nito. Hawak niya ang palad ni Mason, ayaw man niyang aminin sa sarili niya ay wala siyang maramdamang kakaiba sa hawak nito. Ayaw niyang ipahalata dito ang tungkol doon, she loves Mason, pero pakiramdam niya ay may kulang at may kakaiba hindi lang niya matukoy kung ano iyon. "And I remembered your friend Clime, she was running an event company right?"

Dare to Tame the Untamed (COMPLETED)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن