12- Home

39.4K 1K 29
                                    

Chapter Twelve


Sabi niya magaling siyang maghintay, he waited... he is still waiting but days turns to weeks and weeks turn to months. Hindi siya napapagod pero iba pa rin pala iyong naghihintay ka sa wala dahil hindi mo alam kung nasaan siya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya nakokontak si Ulysses, sabi ni Georgette ay hindi nito alam kung saan ang mga kapatid nito. Wala siyang alam kung nasaan ang mga ito, he is actually clueless and it frustrates the hell out of him.

"Where the hell are you Keegan I damn miss you a lot." Inis na sabi niya. Madalas iyon ang lumalabas sa bibig niya out of the blue. Kahit na sa kalagitnaan ng meeting nila ay nasasabi niya iyon nasanay na ang mga kameeting at executives niya sa bagay na iyon kaya hindi na rin sila nagrereact at nagprepretend lang na hindi siya naririnig. But his brother is different, he never failed to make fun of him when he suddenly burst it aloud.

Good things come to those who knows how to wait.

Kahit balita man lang tungkol dito, kahit iyon lang sapat na sa kanya upang makampante ang kanyang puso at kahit papaano ay marelax naman siya.

The epidemic suddenly cease to exist, ilang linggo din na naging laman ng balita ang tungkol sa naturang sakit. Base sa naririnig at napapanood niya, isa nga iyong viral infection mula sa isang new strain of virus, at dahil bago pa kaya wala ni sino ang may alam kung ano ang dapat gawin sa virus na iyon. Unti-unting pinapahina ang immune system ng taong makakapitan, madali lang makapitan niyon dahil air bourne iyon. Kahit na nadisinfect ang lugar kung saan unang nagspread ang virus hindi naman nakaligtas ang unang nadapuan. Mataas na lagnat, ubo, sipon at pananakit na kasu-kasuhan ang unang mararamdaman ng may sakit. Akala mo ay lagnat lang pero hindi pala. Hindi rin bumababa ang temperatura ng katawan kahit anong gawin at anong ipainom na sakit. Hanggang sa tuluyan hindi lang ang immune system ang naapektuhan nito kundi kasali na rin ang ibang systems sa katawan kagaya ng respiratory system. Nahihirapang huminga ang pasyente dahil namamaga ang lungs nito dulot na rin ng virus. Kaya pala kailangang may nakasuportang oxygen kay Sahara sa isla ni Ulysses. Hanggang sa hindi na rin nagfufunction ang utak sa kakulangan ng oxygen at maging ang puso ng biktima ay unti-unti ring humihinto hanggang sa tuluyan na itong mamatay.

"Mr. Magallanes are you with me?" pukaw sa kanya ng kausap niya. Kumunot ang noo niya at pasimpleng tinakpan ang kanyang bibig upang hindi makita ng kameeting na hindi niya nagustuhan ang ginawa nitong pagpukaw sa kanyang malalim na pag-iisip. "As you see we need to finish the contract as soon as possible." Ani ng babae.

"I will re-read the proposals first." Sagot niya dahil wala naman siyang naiintindihan sa mga pinagsasabi nito kanina. At mukhang hindi nito nagustuhan ang sinabi niya dahil kumunot ang noo nito pero mas pinili nitong ngumiti sa kanya. He knew that smile and he hates it, hindi bagay dito ang ngiting iyon dahil isang babae lang ang kilala niyang bagay sa ngiting iyan.

"Oh well, how about we talk some things?"

Inayos niya ang kanyang mga gamit. "We are already done talking Ms. Sanchez and I need to go now." Tumayo na siya dala ang mga gamit niya ng bigla siya nitong hawakan.

"Sandali lang-."

"Please don't touch me Ms. Sanchez, I already have a girlfriend. I don't want her to see me in contact with other woman."

"Girlfriend mo palang naman pala Maurice, we still have time to know each other." Mukhang hindi rin papatalo ang babaeng ito. Malakas ang loob, hindi dahil maganda ito ay papatulan na niya ito. He only has one woman in mind and nothing can change it.

Dare to Tame the Untamed (COMPLETED)Where stories live. Discover now