3- No Lies

51.1K 1.3K 27
                                    

Chapter Three


DAPAT ay hindi niya binuksan ang pintuan dahil baka delikado ang buhay niya, sinabi ni Ulysses na hindi siya pwedeng magtiwala sa hindi niya kilala o kaya ay sa hindi niya kakilala. Kaya lang masyadong nakuha ng lalaking nakatayo sa harapan niya ang kanyang pansin. Sino ba ang hindi? Sino ba ang hindi magugulat kung isang gabi ay may kakatok sa bahay mo at sasabihin na may asawa ka, mali, dating asawa.

At ngayon natagpuan niya ang kanyang sarili na ang pakiramdam ay linoloko lang siya ng lalaking nakatayo sa kanyang harapan. Kung susumahin kasing mabuti masyado naman yatang gwapo ang lalaking ito para malingkis sa pangalan niya. Alam niyang maganda siya, given na iyon, pero alam din niya ang limitasyon ng kanyang kagandahan at alam niyon hindi iyon ang babagay sa lalaking nasa kanyang harapan.

She can't even define him properly, tatlong salita lamang... drop dead gorgeous.

"Mukhang namali ka ng bahay mister." She dismissed him, feeling a little bit threatened she held the door tightly. Anuman ang gawin nito madaling ibalibag since nakalock na iyon.

"What happened to your forehead?" nagulat siya ng bigla nitong hawakan ang kanyang noo, bigla siyang nakaramdam ng insecurity sa puting guhit na nasa kanyang noo kaya napaatras siya ng isang hakbang at tinakpan niya ang kanyang noo habang nakatingin dito. "Is it true then?" kumunot ang noo nito at biglang tumiin ang tingin nito sa kanya. "The accident."

"Sino ka ba talaga?" natatakot na tanong niya, dahan-dahan niyang sinara ang pinto upang matakpan ang kalahati ng kanyang mukha sa bandang may peklat.

"I told you I am your ex-husband." Nagdugtong ang dalawang kilay niya habang nakakunot ang noo na nakatingin dito.

"Impossible." Sagot lang niya. "Linoloko mo ako! Alam mong wala akong maalala tapos sasabihin mo sa akin na may asawa ako, mali dating asawa? How could you?"

Bumuntong-hininga ito at tila naiinip na napatitig sa kanya. "I am not fooling around Keegan."

"Me too, wala akong panahon para sa ganito mister. Hindi kita kilala." Pag-amin niya.

She can't read him that fears her more, she can read people's action, she woke up with that kind of ability but this one is an exception. She can't read his actions, she can't read his mind. Magaling itong magtago ng iniisip at ng nararamdaman.

"Keegan, I'm your ex-husband here's our marriage certificate as proof and I want you back." May kinuha ito mula sa likod ng suot nitong pantalon at ibinigay sa kanya. Curiosity is killing her so she grabbed the paper without touching him. Tiningnan niya ang papel, it was an old copy with seals and signatures. It was real. "Naniniwala ka na ba?"

Tiningnan niya ang papel at ang mukha nito, hindi ito nagsisinungaling, totoo ang sinasabi nito. Kung ganoon ay nag-asawa siya?

"Mas--."

"Mau, you always call me Mau." Sansala nito ng binasa niya ang pangalan na nakasulat sa marriage certificate. Kinuha nito sa kanya ang papel bago pa niya mabasa ang lahat ng detalye. "I am going to keep this you might rip it this is my only memories of our past." Gumalaw ito at itinulak siya papasok ng kanyang sariling bahay. Wala na siyang nagawa dahil sa gulat niya sa bilis ng mga pangyayari. "Ito ba ang sinasabi mong bahay? Not bad, pero mas maganda pa rin sa dati nating bahay Kee. Let's go back."

"Teyka lang." itinukod niya ang dalawang palad sa may bandang dibdib nito. "Hindi ko alam kung totoo ang sinasabi mo." Natatarantang tulak niya dito.

"I showed you the proof."

"No! that could be fake, pwede ng makagawa ng fake na marriage certificate ngayon." Tiningnan niya ito sa mukha. Nabuwisit siyang bigla dahil sobrang gwapo ng taong kaharap niya ang sakit sa mata.

Dare to Tame the Untamed (COMPLETED)Where stories live. Discover now