7- Jealous

34.8K 984 50
                                    

Chapter Seven


"Walang hiya kayo! Pinagkatiwalaan ko kayo bakit niyo nagawa sa akin ito?" may naririnig siyang hindi pamilyar na boses, nasa gitna siya ng madilim na kawalan at hinahanap ang pinanggalingan ng boses na iyon.

"Umalis ka! Umalis kayo sa harapan ko!" natigilan siya ng mahimigan ang sobrang galit sa boses ng nagsalitang iyon.

"Keegan, Keegan, wake up." Agad siyang nagmulat ng mata ng marinig ang boses ni Mau na gumigising sa kanya. Napakurap siya at napahawak sa sariling noo na basang-basa ng pawis. "Nananaginip ka ng hindi maganda."

"Dream?" usal niya at inaalala ang kanyang panaginip pero kahit anong gawing pagkunot ng kanyang noo ay hindi niya maalala ang panaginip niya. "I can't remember my dream." Sabi lang niya dito. Umayos na siya ng upo at tiningnan ang dating asawa, matiim ang pagtitig niya dito na para bang may inaalala sa mukha nito pero wala naman siyang maalala--- "Ahh!" napahawak siya sa magkabilang teynga niya ng marinig ang sobrang tinis na ingay na halos pasabugin ang kanyang ulo. Muling bumalik ang ingay kaya bumalik siya sa pagulong sa sofang hinigaan niya kanina. "Ouch."

"Keegan anong nangyayari sa iyo?"

"Stop it! Ang sakit sa ulo sobrang sakit sa teynga ang ingay." Hinila niya ang kanyang buhok upang kahit papaano ay mawala ang sakit na nararamdaman niya. Naramdaman niyang hinawakan siya ni Mau at inayos ng upo at tinanggal ang palad sa magkabilang teynga. "Please stop it Mau, make it stop."

"Relax lang Keegan look at me." Pero hindi niya magawang tingnan ito dahil masakit talaga kaya napapapikit nalang siya. Ilang Segundo pa ay unti-unting humihina ang ingay pero sumasakit naman ang kanyang ulo para bang literal na may sinisiksik sa pinakagitnang bahagi ng utak niya.

"It hurts." Nanghinang ani niya.

"I know." Mahinang sagot lang nito. "Mawawala din ang sakit Keegan." Unti-unting humupa ang sakit ng ulo niya pero nanghihina pa rin siya. Bumuka ang kanyang mga mata at tiningnan si Mau. Bakas sa mukha nito ang pag-aalala at takot sa nangyari sa kanya. "Masakit pa rin ba? Do you want me to massage your head?"

"Pwede?"

"Of course." Umupo ito sa sofa at umunan siya sa kandungan nito. Hinayaan niya itong imassage ang ulo niya. And to her relief it feels really good. "Do you want to drink water?"

Umiling siya. "Just continue doing it Mau." Ang init ng palad nito, ang sarap din sa pakiramdam ng mga daliring dumadampi sa noo niya. Tumingala siya upang matitigan ang gwapo nitong mukha.

"I want to know Mau."

"Hmn?"

"I want to know the reason why we divorced." Bahagya itong natigilan sa sinabi niya. "Pwede bang sabihin mo sa akin? Kasalanan ko ba?"

"Hindi mo kasalanan Keegan wala kang kasalanan. It was my fault."

Sumikdo ang puso niya sa sinabi nito. "A-anong ginawa mo?"

"I made a mistake that ruined us."

"What kind of mistake Mau? Gusto kong malaman."

"I had an affair." She was actually expecting it, it was the answer she was expecting to answer. "And I thought I don't love you anymore so when you found out we talked, we had this understanding to cut the ties. I thought it was good for us, for you, I was a jerk and I really thought I was doing the right thing."

Dare to Tame the Untamed (COMPLETED)Where stories live. Discover now